CHAPTER 28

107 25 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 28

All good things come to an end.

Buo na ang loob ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin, napagdesisyonan ko na ipaglaban ang gusto ko. Ayoko ng magpanggap. Mahal ko si Hyden, simula pa nung una.

Maybe I'm too naive back then but I've made up my mind. I have to fight for him. He is betrothed to Samantha but they're not married yet. Pinagtapat niya na rin sa akin noon pa na kailan man ay hindi niya nagustuhan ang babaeng yun.

Nasagasaan niya lang tapos anak pala ng karibal ng papa niya sa negosyo. Nagkasundo nga ang kanilang mga magulang na ipakasal nalang sila para wala ng gulo at para magkaisa na sila sa negosyo. Pero kailan man ay hindi nagustuhan ni Hyden si Samantha.

Something is off with that girl. Bakit hindi siya nagpa plastic surgery o nagpaayos ng nasira niyang mukha bunga ng aksidenting yun? Kailangan kong malaman ang totoo.

Napangiti ako nang malamang pwedi nang tanggalin ang bendahi sa ulo ko. Sa totoo lang hindi naman naging malala ang natamo ko sa aksidenting yun. And thank God, okay na rin si Hyden.

Nag-insist si Hyden na samahan ako pag-uwi kaya hindi na rin ako umalma. Nag-aalala kasi siya dahil ako ang nag drive ng kotse. Buti nalang na hindi naman ako na trauma o nagkaphobia pagkatapos ng aksidenting yun. Siguro malakas ang loob kong nagdrive dahil kay Hyden kasi gusto ko siyang makita.

"Ma, I want you to meet Hyden." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Honestly, hindi ko rin alam kung ano kami. May label ba kami? Wala. Pero alam ko naman na mahal niya ako at mahal ko siya. May iba nga dyan na may label pero hindi na mahal ang isa't-isa.

"We meet again." Natigilan ako sa sinabi ni mama. Naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkakahawak ni Hyden sa kamay ko. Anong meron?

"Magkakilala na pala kayo, Ma?" Takang tanong ko kay mama pero diritso lang ang tingin niya kay Hyden.

"Maaari ka ng umalis. May pag-uusapan pa kami ng anak ko." Mas lalo akong nagtaka sa inasal ni mama. Her tone was so rude. May mali talaga e.

Yumuko lang si Hyden at binitiwan ang kamay ko. "I have to go. Wag mo na akong ihatid sa labas, Chisa." Gusto ko pa sana talaga siyang ihatid pero pinigilan rin ako ni mama.

"Something is off, Ma. What's wrong with you?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay lumakad siya papuntang kusina kaya sumunod na rin ako dun. Uminom siya ng tubig.

"Nung isang araw ko lang nalaman ang lahat ng pinaggagawa mo dito sa pinas habang wala ako." Seryoso ang boses ni mama na siyang ikinakaba ko. Usually sweet lang siya sa akin pero iba ang tono niya ngayon... nakakakaba.

"You promised me you'll be good but you broke your promise. Nakikipagrelasyon ka habang nag-aaral at sa Hyden na yun pa! Hindi mo alam kung anong problema ang pinapasukan mo."

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya, Ma. I fell inlove... with him. Ano bang meron kay Hyden na hindi mo nagustuhan? Sinabi mo pa na nagkita kayo muli. Saan mo siya unang nakita? Do you know him? Naguluhan ako, ma." Hindi ko maipagkakaila ang kaba na nararamdaman ko.

"Naiintindihan kita na nagkagusto ka sa isang lalaki dahil normal yun sa ganyang edad mo pero bakit ang lalaking yun pa? Maaari kang makipagrelasyon sa iba pero huwag lang ang lalaking yun! Naiintindihan mo ba ako?"

"Bakit ba parang galit ka kay Hyden, Ma? Hindi ko maintindihan,"

Napansin ko na hindi mapakali si Mama. Hindi siya nagsalita at sa totoo lang natatakot rin ako sa magiging sagot niya pero kailangan kong malaman.

"You're giving me a headache, Cheese. Ang dami kong problema sa negosyo at dumagdag ka pa."

"Ma, kailangan kong malaman ang totoo. Ano bang meron?"

"Alam mo ba na ikakasal na sa ibang babae ang lalaking yun?" Natigilan ako nang sabihin iyon ni mama.

"Bakit mo alam yun, Ma? Matagal na ba kayong magkakilala?"

"Alam mo na ikakasal na ang lalaking yun pero dumidikit ka pa rin sa kaniya? Hindi kita pinalaking ganyan, Cheese." Nanghina ako sa sinabi ni mama. Hindi ko maintindihan pero may kung anong masakit na tono sa pananalita niya. Bakit parang kinamumuhian niya si Hyden?

"Ma,"

"Kalimutan mo na ang lalaking yun para sa ikatatahimik ng pamilya natin. Kung pinapahalagahan mo ang pagiging ina ko, kakalimutan mo na ang lalaking yun!" Hindi ako nakapagsalita. Lalo na nang marinig ko ang susunod na sinabi niya.

"Ikakasal na siya sa anak ng kabet ng papa mo." Literal na gumuho ang mundo ko. Nanghihina ako sa narinig. Si papa may kabet? at si Samantha ay kapatid ko?

"Hindi... hindi yan totoo..." Napaupo ako.

"Hindi pa sana ngayon ang tamang panahon na pag-uusapan natin ito, pero kailangan mong malaman ang totoo para lumayo ka sa lalaking yun. Buo na ang desisyon ng papa mo na ikasal si Samantha kay Hyden hindi lang dahil matagal ng gusto ng babaeng yun si Hyden kundi para na rin sa kapakanan ng negosyo niya sa Australia."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama. "Kaya ba, laging nasa australia si papa? Kaya ba, hindi na siya umuuwi? I can't believe this!" Napaiyak ako sa nalaman. Bakit kailangang mangyari sa akin to?

Tumakbo ako sa palabas ng bahay at pumara ng taxi. Kailangan kong makausap si Hyden!

13th floor. Hindi ko na halos makita ang mga numero sa elevator. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Hyden pero... gusto ko siyang makausap.

Alam ba niya? Alam ba niya na magkapatid kami ni Samantha sa ama? Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi pa rin nagpaawat sa pagbuhos ang luha ko. Hindi na ako kumatok pa nang makitang nakabukas ang pinto.

Pero nanlaki ang mga mata ko sa naabutang eksena sa loob.

Nakapatong sa hubad na katawan ni Hyden ang isang babae... at nang lumingon ito sa gawi ko, napatigil ako sa paghinga.

Bakit kamukha ko ang babaeng iyon?

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon