CHAPTER 8

183 27 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 8



May pagka bipolar rin talaga tong damuhong si Leandro. Nagsusuplado na naman ang loko habang nagda-drive ng BMW niya. Patungo kami ngayon sa supermarket upang bumili ng grocery.

Pinanood ko lang siya habang kumukuha ng mga fresh vegetables, spices, pork meat, poultry products, etc.

Nakasunod lang ako sa kanya na nakahalukipkip. Siya naman ang magluluto kaya bahala na siya.

"Leandro, ako na magdadala niyang iba." Kinalabit ko siya pagkatapos niyang bayaran ang mga pinamili niya.

"Tch."

"Hoy! Ba't ba ang suplado mo na naman? Nagme-menopause ka ano?" Sumabay ako sa paglalakad niya.

"Shut up." Nag make face ako sa kanya dahil sa inis. Hindi ko na talaga maintindihan ang damuhong 'to.

Dumiritso siya sa parking area para ipasok ang mga pinamili niya habang naghihintay ako sa loob ng mall dahil kakain daw muna kami bago umuwi. Hindi na rin ako umalma dahil baka bubuga siya ng apoy. May pagka-leon pa naman ang angry bird na yun.

Nagitla ako nang may biglang humawak sa braso ko. "My God!" Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat. Bigla ba naman siyang sumulpot sa tabi ko.

"Lumipat ka na pala sa condo?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Stalker ba to? "Ano bang pake mo?" Kumukulo na agad ang dugo ko pagkakita ko kay Hyden.

"I know you hate me but can we talk?" Bahagya akong lumayo sa kanya pero nahawakan na niya ang kamay ko.

"Bitiwan mo ako, Hyden. May girlfriend ka kaya pwede ba, wag ka ng lumapit sa akin. Ayokong ma-issue na third party." My God. Maraming lalaki sa mundo, sa taken pa talaga ako maghahabol? No way.

"I was your first. Kailangan tayong mag-usap. Paano kung buntis ka? We need to talk." Hinila niya ako at hindi na rin ako umalma dahil ayokong gumawa ng eksena.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na rin lang ako sa kotse niya. "Seatbelt,"

"No. Dito na tayo mag-usap." Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko.

"Chisa," Lumambot ang boses niya ng tawagin niya ang pangalan ko. Mahigpit ang hawak niya sa manibela habang nakatingin sa harap.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ako buntis kung yan ang ikinabahala mo. At hindi rin ako manggugulo sa relasyon niyo." Mahinahong sabi ko. "It's a typical one night stand, no strings attached."

Matalim ang tingin na bumaling siya sa akin. "How could you say that? You were a damn virgin when I got you!" Nangangalaiti na sabi niya. My God. Siya pa ngayon ang may ganang magalit? It was suppose to be me. Ako ang ginamit niya.

"Bakit mo ba pino-problema ang problema ko, ha? Okay na ako, Hyden. It was just part of growing up! Experien--" Nanlaki ang mga mata ko nang tinawid niya ang pagitan naming dalawa at inangkin ang labi ko.

It was one hell of a rough kiss! Natuod lang ako sa kinauupuan ko. Dun lang siya tumigil nang nalasahan ko na ang dugo sa labi ko. He freakin' bit my lip until it bleed!

Agad dumapo ang palad ko sa pisngi niya kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Your a jerk! I hate you!" Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito. "Damn you, Hyden! Open this goddamn door."

"You can't just shut me out, Chisa." Aniya habang inayos ang seatbelt ko at pinaandar ang kotse niya.

"Shut you, out? Yan ang gusto mo, diba. You have Samantha for Pete's sake!" Galit na bulalas ko sa kanya. I can't believe him. Ano pa bang kailangan niya sa akin?

"Wag mong isali ang pangalan ni Samantha dito. She was out of this mess!" Pagalit ring sabi niya at mas binilisan ang pag drive.

"Kaya nga diba? This is our mess kaya dapat tapusin na natin to. Stay away from me and I'll stay the fuck away from you?" Giit ko sa kanya. "Now, stop the car and let me out."

"Your not coming anywhere. Dito ka sa tabi ko. I'm your first!" Umigting ang panga na usal niya. Napapikit ako ng mariin sa inis. Gusto kong umiwas sa gulo pero heto ang bwisit na Hyden.

"Bakit ba paulit-ulit ka nalang na ikaw ang first ko? Alam ko naman yun. Bakit ba big deal yan sayo ha?"

"Because I was your first and it was a fucking big deal!" Napahinga ako ng malalim. Yes. It was a big deal for me. Puri ko ang pinag-uusapan namin dito. I easily gave my virginity to him kahit na kakakilala palang namin.

Nagpakatanga na ako ng isang beses kaya hinding-hindi na ako uulit pa. I won't force myself to him lalo na't may girlfriend siya.

"Alam ko naman kung saan ako lulugar, Hyden. Yung nangyari sa atin, hanggang doon nalang yun." Hindi ko talaga makuha kung ano ang point niya sa pakikipag-usap ngayon sa akin.

"No! How can you easily say that? Ibibigay mo nalang rin ang sarili mo sa ibang lalaki nang ganun nalang?" Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya.

"Hindi ako ganoong babae, Hyden. Hindi porke't nagpagamit ako sayo, gagawin ko rin iyon sa iba. I learned from that mistake kaya nga umiiwas ako sayo diba? Dahil may girlfriend ka. Kay Samantha ka magfucos, Hyden. I'm all fine by myself."

Marahan niyang itinigil ang kotse. Mabuti nalang dahil naka seatbelt ako! "Chisa, Samantha is--"

"No. I don't wanna hear it. Labas na ako sa relasyon niyo. If you value your relationship with her, stay loyal. Let's just forget about anything between us and presume it doesn't happened at all. Ayoko ng gulo,"

"Damn it,"

"Buksan mo na ang pinto, please." Mahinang sabi ko.

"No. I'll drive you to your condo," Umiling ako sa kanya.

"Please, let me go." Napabuga siya ng hangin at ini-unlock ang pinto. Pagkalabas ko, agad na humarurot ang kotse niya palayo. Pumara na agad ako ng taxi at nagpahatid sa Cone Towers.

"Where the hell have you been?" Shit. Kasama ko nga pala kanina si Leandro. I forgot about him! "You look like a mess. Did something happen?"

"Pagod ako, Leandro." Nilagpasan ko siya at dumiritso na sa kwarto.

Sana lang yun na ang huling pag-uusap namin ni Hyden tungkol sa mga nangyari. I hope we can atleast be civil.

***

"Save your number," Kunot-noong tiningnan ko lang ang cellphone ni Leandro.

"Bakit?"

"Just incase you suddenly disappear like yesterday, I know how to contact you." Seryosong sabi niya.

Bumuntong-hininga ako at tinipa ang number ko sa cellphone niya. "Sorry pala kahapon," Mahinang sabi ko habang kumakain ng tobleron na nakita ko sa ref.

Tumabi siya sa akin sa sofa at inagaw sa akin ang remote ng tv. "I was looking for you at the Mall like crazy. Where have you been?"

"I've been to london to look at the queen," Tumawa ako sa sariling kakornihan pero tumigil rin makita kong sumeryoso siya.

"May kausap lang akong kakilala," Ibinaling ko ang atensyon sa tv.

"Someone really important that you completely forget about me?" Nahihimigan ko ang inis sa tono niya.

"Hindi siya importanteng tao, Leandro." Mababa ang boses na sabi ko. "Can we not talk about him?"

Inagaw ko ang remote mula sa kanya at inilipat ang channel dahil romance ang pinapanood niyang palabas.

"Him, huh? Boyfriend?" Inis na nilingon ko siya.

"Wag na nating pag-usapan."

Pero imbes na tumigil siya, nagpapatuloy lag siya sa pagtatanong. "Did you two broke up?"

Naiirita na talaga ako sa kanya. "Shut it." Mariing sabi ko.

"What's the reason? Third party?" Hindi na talaga ako nakakapagtimpi at binato siyang remote. "What the fuck?"

"Stop being so nosy!" Tumayo na ako sa couch dahil baka masapak ko siya ng wala sa oras. Inis na pumasok ako sa kusina at kumuha ng juice.

Kay aga-aga, umiinit na naman ang ulo ko.

"I won't stop pissing you, until you tell me the juicy details. So?"

"Mind your own business."

Sumandal siya sa pintuan. "I don't have any business today, so you are my business. Spill up, Moreda. I'm listening,"

Kahit ilang remote pa ang ibato ko sa kanya, hinding-hindi siya titigil. Kaya no choice, pagbibigyan ko nalang ang Australyanong ito.

"He is not my boyfriend. We don't broke up. May pinag-uusapan lang kaming mga bagay and that's how it went. Satisfied?" Naiiritang nagsalin ulit ako ng juice. Kay lalaking tao, chismoso rin pala.

"Oh, don't tell me he has a girlfriend and you two hook up?"

Umismid ako sa kanya. "Wala ka na dun."

"Oh c'mon, I thought you can do better than to hook up taken boys, Moreda." Umupo siya sa tapat ko.

"We're not hooking up."

"You should stop meddling with the boy's life and her girlfriend." Tumalim ang tingin ko sa sinabi niya. I'm not meddling with Hyden's life. Ako ang biktima dito.

"You should stop meddling with my life too, Leandro." Iniwan ko na siya dun sa kusina.

"I don't think so, Moreda. I don't think so."


~~ 

Votes and comments are highly appreciated!   

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon