CHAPTER 23

100 26 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 23

Hindi ako nakatanggi nang ayain ako ni Juni mag bar kasama sina Matt at Morie. Sa totoo lang kahit tumanggi pa ako, wala na rin akong magawa dahil hindi na ako pinauwi ni Juni. Pagkatapos ng klase, dumiritso na agad kami sa mall para bumili ng damit.

Isang red fitted dress na may slit sa gilid ang binili ni Juni para sa akin. Labag nga yun sa kagustuhan ko pero nagpupumilit talaga siya na yun ang bilhin para sa akin. Isang black backless dress naman ang napili niya na kasing ikli lang rin nung sa 'kin.

"Uh, I still think that this is not a good idea," Sobrang ikli kasi ng damit ko at never pa akong nakasuot ng ganito ka ikling damit sa buong buhay ko not until today.

Tumawa si Juni. "C'mon, malapit na tayong dumating ngayon ka pa ba aatras?" Bumaling ang tingin niya sa kaniyang cellphone. "Papunta na rin sina Morie and Matt, this is gonna be fun!"

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, eh nandito na tayo." Sumimangot ako. Sana nga lang maging 'fun' gaya ng sinabi ni Juni ang gabing 'to.

"I'd like to have a shot of Martini," Si Juni ang unang nag order. Parang gusto niya talagang malasing ngayong gabi. Sunod-sunod kasi ang pag-inom niya ng martini. "Hinay-hinay naman dyan, Juniper. Baka malasing ka..."

Kahit anong awat ko sa kaniya, patuloy pa rin ang pag oorder niya ng Martini. "Alam moooo...naiinis ako sa Mercuuuuum na yun. Palibhasa alam niya na bet ko siya, yunnn may ibang babae pala ang hinayukap na gagong yuuuun!"

Napatampal nalang ako sa sariling noo. "Di mo naman kasi tinanong sa kaniya e, malay mo kaibigan lang pala niya yung babae o kaya kamag-anak diba?"

Tumawa siya ng mapakla. "Kaibigan? kamag-anak? May kaibigan o kamag-anak ba na n--nagghahalikan? Tanginuuuuh naman e! Isang shot pa nga!" Yun naman pala e. Naghahalikan...

Bigla ko tuloy naalala ang eksenang nakita ko kanina sa loobng mall.

"Si Leandro at yung babae... naghalikan rin sa mall kanina. Ang gagong ibon na yun ha! May girlfriend naman pala tapos nung nakaraang araw may pahalik-halik pa sa noo ko. Tipong ang sweet niya sa 'kin nung nilagnat ako tapos may girlfriend pala? Sinong niloko ng lalaking yun?" Inagaw ko ang baso ni Juni at diritsong inubos ang laman nun.

"Aha! Tanginaaaa eh pareho pala tayo ng sitwasyon eh! Yung sayo nga d-dalawaaa!" Hinampas niya ang braso ko.

"Aray! Ang sakit nun!"

"Masakit talaga pag dala-dalawa pinapasok---huy gwapong bartender nasaan na yung Martini namin? Aaaaaaang bagaaaaal!" Ang bilis lang pala malasing ni Juniper. Halos mahulog na nga siya sa kinauupuan niya.

"Huuuy pinagsasabi mo, baliw ka!" Ramdam ko na rin ang mahinang pag-ikot ng paligid. "Lumilindol ba?"

Bumungisngis ng tawa si Juni. "Gaga walang lindol ngayon, sa kwarto lang lumilindol!" Hinampas ko nga siya. Kung ano-anu nalang pinagsasabi.

"Dyan ka na ngaaa, gusto kong sumayaw! Woooooh! Woooohooo!" Napapikit ako nang wala sa oras dahil umikot ang paningin ko. Ang baliw na babae, iniwan nga talaga ako at pumunta sa dance floor.

Panay lang rin ang pag inom ko habang iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Ah! Tanginang Leandro na yun, akala ko talaga matinong lalaki pero hindi naman pala.

Inubos ko ang laman ng baso at humingi ulit ng isang shot sa bartender. "Kung may girlfriend na siya, bakit siya sumunod sa utos ni papa? Malamang ipinagkasundo talaga kami.

E, ano naman ngayon Cheese? Anong pakialam mo dun sa hinayupak na lalaking yun? Di ko naman siya gusto eh, ang sa 'kin lang naman bakit ganun siya makaasta sa akin kung may girlfriend naman pala?

Huh, magkapareho lang talaga sila ni Hyden. Puro landi lang alam pero may pareho namang may girlfriend. Anong akala nila sa akin substitute kapag wala ang girlfriend nila? No freaking way!

"Cheese, where's Juniper?" Napalingon ako nang may tumapik sa balikat ko. Kahit blurred yung paningin ko, alam kong si Morie to. Kaboses niya si Morie at may katabi siyang lalaki na kasingtangkad ni Matt.

"Dun!" Tinuro ko ang dancefloor.

"Hinay-hinay lang dyan, wala pa naman si Hyden ngayon...nilandi na naman ni adhbskskssla.." Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya dahil nakakabingi na ang beat sa loob ng bar.

Nilandi. Aba, may bagong nilandi na naman ang lalaking yun? Wala naman akong karapatang makialam dahil hindi naman kami peroooo putek bakit masakit? Akala ko ba tanggap mo na Cheese? Tanga ka talaga.

Nababaliw na yata ako. Bago pa ako masiraan ng loob, tumayo na ako mula sa bar stool at sumunod kay Juniper sa dancefloor. Sabi nga niya, tonight's supposed to be fun kaya e-enjoy ko 'to at kalimutan ang bwesit na babaerong Hyden at Leandro. Magsama silang dalawaaaaa!

Hindi ko na alam kong ano ang pinaggagawa ko sa dancefloor. Sumasabay lang ako sa pinaggagawa ng mga nandun and surprisingly, it was fun!

"Your having fun with me, Cheese?" Hindi ko naaninag ang may-ari ng boses na yun pero sayaw pa rin ako ng sayaw. "Let's enjoy this night!"

Habang tumatagal, sumisikip na yata ang dancefloor at halos magkadikit na ang katawan ko sa ibang nandito. "Wanna go somewhere else? hmm?"

Naiinitan na ako kaya hindi na ako pumalag nang hilain niya ako palayo sa dancefloor. "Ang init dito..." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Baka takot siya na mawala ako?

"Saan mo ba ako dadalhin, inaantok na akooo."

"Sa kwarto dahil gusto mo ng matulog diba?" Tumango ako sa kanya. "Nasa condo na ba tayo?" Parang may naaninag kasi akong pinto. "Ba't hindi tayo sumakay ng elevator? Nasira ba ang elevator?"

"Wag ka ng magtanong, nandito na tayo sa kwarto mo." Ang kama, ang kama ko! Inaantok na ako! Agad akong humiga sa kama. Bakit hindi na 'to kasing lambot nung isang araw? "Ang init,"

Nagulat ako nang humiga siya sa tabi ko. "Mainit ba? Halika, tanggalin na natin 'yang damit mo," Itinaas niya ang dulo ng damit ko.

"Teka lang! Umalis ka na!" Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag.

"Aalisin muna natin 'tong damit mo kasi naiinitan ka diba?" Para akong sisiw na binuhusan ng malamig na tubig nang walang kahirap-hirap na pinunit niya ang damit ko. PINUNIT NIYA ANG DAMIT KO!

"Ano ba?!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko. Parang nawala na yata ang lahat ng nainom ko kanina nang tuluyan na niyang napunit ang damit ko. "P-Pakiusap pa--rang awa mo naaaa,"

Madilim ang paligid kaya hindi ko nakikita ang mukha niya pero pamilyar sa akin ang boses niya. "W-Waaag! Waaaaag mong g-gaaawin sa 'kin to!"

Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang pumaibabaw siya sa katawan ko at dinilaan niya ang leeg ko. Hindi ako makagalaw pero nasa katinuan pa rin ang isip ko. "M--Maawa ka sa akinnnn, please.... wag mong gawin sa kin 'to... pakiusap..."

Umalingawngaw ang tawa niya sa loob ng kwarto. "Gusto lang naman kitang tikman, wag ka namang madamot Cheese." Nanginginig ang buong katawan ko nang naglandas ang mga kamay niya sa hubad kong katawan.

"Leandro....Hyden..." Gusto kong sumigaw. Gusto kong lumaban sa kanya pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Hindi ko alam. Bakit nangyayari sa 'kin to.

"Hindi darating si Hyden, Cheese. Mag enjoy ka nalang muna kasama ako," Tumawa ulit siya. Isang pamilyar na tawa. Kilala ko ang boses na yun pero hindi ko matandaan.

"S-Sinooo ka baa? Ano bang kasalanan ko sayo..." Kahit gusto kong isigaw ang mga salitang yun, konting boses lang ang lumalabas sa bibig ko. Nanghihina ang buong katawan ko.

"Sabi ko kay Hyden, dapat may share ako sayo gaya ng nakaugalian pero gusto ka niyang solohin Cheese. Pero gusto kitang makuha," Tumawa ulit siya.

Nang lumayo ang katawan niya sa katawan ko, sinubukan kong gumalaw... bumangon... tumakbo... pero hindi ko magawa. Naaninag ko na nagtatanggal siya ng damit. Hindi na nagpapaawat sa pagbuhos ang luha ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Marahan akong pumikit. Sana hindi ako pumunta dito. Sana umuwi ako nalang ako sa condo. Sana.....

"WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?!" Kahit nanghihina ang katawan ko, batid kong nagkakagulo sa loob ng kwarto. Huminga ako ng malalim, sana may dumating... Sana lang...

Tumindi ang panginginig ng katawan ko nang may biglang yumakap sa akin. Bago pa ako mawalan ng malay narinig kong nagsalita siya.

"Shh, don't cry. You're safe now, I'm here,"

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon