CHAPTER 29

101 25 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 29

"H-Hyden,"

"Shit!" Para akong naubusan ng hininga sa nakitang eksina sa loob ng unit ni Hyden. Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha niya habang tumitig sa akin at pabalik sa babaeng kasama niya.

Tumalikod ako nang magsimulang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilan ang paghikbi.

"Who the hell are you?!" Dumaing siya. Marahil ay tinulak ni Hyden. Narinig ko na tumawa siya.

"Hyden, dearest Hyden. Nagbago ka na, baby. Kailan lang halos araw-araw mo ako dinadalaw sa hospital, ngayong nakalabas na ako tinutulak mo na ako palayo."

"S-Sam?!"

Tumawa ulit siya. Nakakapanghina ang pagtawa niyang yun. Siya pala. Kaya pala pumatol sa akin si Hyden dahil magkamukha kami. Ngayon alam ko na. Grabe ang tanga ko.

Pinahid ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Ipaglalaban ko pa naman sana siya. Pero hindi... parang mali... maling-mali na... hindi na tama.

"Chisa, please let me explain. Okay?" Naikuyom ko ang mga kamay nang humawak siya sa akin. Nakasuot na siya ng damit at nakaharap sa akin. "I didn't know, it was her. She doesn't look like that before! Trust me, please? I thought she was you. I'm sorry. Please, can you forgive me?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Baka namamalikmata lang ako. Baka hindi ito totoo. Nang muli akong nagmulat, nasa harap ko pa rin si Hyden. Nangungusap ang ang mga mata niya. Nang lumingon ako sa kama niya, nandun pa rin siya. Si Sam. Komportableng nakahiga sa kama.

"Chisa, please..." Hinawakan niya ang dalawang palad ko. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko kakayanin...

Isang mapaklang tawa ang kumawala sa labi ko. Hindi ko alam pero kusa lang iyong lumabas sa bibig ko.

"It was never me, Hyden." Isang salita palang ang nasabi ko pero may tumulo na ulit na luha sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim. "Nakikita mo lang pala ako sa kaniya. In the first place, hindi pala talaga ako e. Inisip ko kasi na..." Pinahid ko ang mga luha ko. "Mali pala yung iniisip ko. Akala ko talaga pwedi e. Akala ko talaga kaya mo akong mahalin. Akala ko pwedi tayo. Andami kong maling akala, Hyden. Maling-mali ang lahat. Hindi pala talaga maaari."

"I love you! Ikaw ang mahal ko. Pinilit niya lang ako. Sinabi ko naman sayo dati diba? I don't like her pero pinilit ako ng pamilya niya. I didn't have a choice! But when I met you, I know that I can't afford to lose you but I was too scared, okay? I'm scared that she'll come after you. She's insane!"

"She's my sister," Tiningnan ko si Sam. She looks like me.

"She's your what? Hindi totoo yan, Chisa."

"Narinig mo naman ang sinabi niya, baby. Hindi ba halata? We look almost the same. Kasi nga magkapatid kami. Nabulag ka lang sa katotohanan. Ako talaga ang mahal mo, baby. Hindi ang babaeng yan. Nasa lahi nila ang mang-aagaw kaya nadali ka niya."

"Shut it, Sam!"

"Totoo naman ang sinabi ko, baby. Mang-aagaw talaga ang pamilya niya. First, inagaw niya sa akin si daddy at ngayon ikaw naman ang aagawin niya sa akin? Hah, dream on bitch!" Tumawa siya. Nakakarindi ang pagtawa niyang yun. Nangungutya.

"No! I like you for who you are. Hindi dahil magkamukha kayong dalawa. She doesn't look like that before, Chisa. I told you, her face was ruined! She copied your face! It's you. Ikaw talaga ang mahal ko."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Tama na, Hyden. Wag ka ng magpaliwanag kasi hindi na kailangan." Nagmamadali akong lumabas sa unit niya. Hindi ko na alam kong ano ang iisipin ko. Tama pa ba yung mga pinaggagawa ko? Alam ko naman na may iba talaga siya pero isiniksik ko pa rin ang sarili ko sa kadahilanang isa akong tanga.

Kasalanan ko ba? Dahil ba siya pa ang kauna-unahang lalaki sa buhay ko? Am I too naive? Kasalanan ko ba talaga? Kasalanan ko nga talaga.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kotse. Kaya ko namang mag drive. Pinakalma ko ang sarili at kahit na litong-lito na ako, nakarating naman ako sa bahay ng maayos. Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan kong makausap si mama.

* * *

"Totoo ba ang lahat ng sinabi niya, Ma? Please tell me she's lying," Naabutan kong umiinom ng juice si mama sa kusina. Hindi na ako nagpasubali pa at agad na tinanong siya.

"I suppose, nagkita na kayo ng babaeng yun." Kalmado lang siyang umupo sa bakanteng upuan na malapit sa kaniya.

"Sinabi ko naman sayo na layuan mo ang lalaking yun diba? Alam mo ba na siya ang dahilan kung bakit ako umuwi dito sa pilipinas?" Natigilan ako sa sinabi ni mama.

"Si Hyden? Nagkausap ba kayo? Paano mo nalaman, Ma?"

"Cheese, hindi ordinaryong tao ang ama mo. Ah, he's extraordinary kaya nga dalawa ang pamilya niya."

"Ma,"

"Nalaman ng papa mo na napalapit ka sa lalaking nagustuhan niya para sa anak niya sa labas. Alam niya ang lahat, Cheese. Kaya naman sinabi ko sayo na layuan mo na ang Hyden na yun, diba? Napapahamak ka dahil sa kaniya. Ano ba sa tingin mo ang dahilan ng paglapit sayo ni Lander? Naka plano na ang lahat, Cheese. Ang hinihiling ko lang sayo na sana, wag mo nang ipilit ang sarili mo. Hindi nababagay sayo ang lalaking yun. Maraming lalaki sa mundo, Chisa. Bakit kailangang makipag-agawan ka sa anak ng kabit ng papa mo?"

Marahan akong napalunok sa sinabi niya. "Sino ba talaga ang nang-agaw, Ma. Ang sinasabi mo ba na si Milagros? Sabihin mo ang totoo,"

Kinakabahan ako sa maaring isagot ni Mama pero kailangan ko talagang malaman ang totoo. Base sa pisikal na kaanyoan ni Sam, di hamak na mas matanda siya sa akin o baka nag ooverthink lang ako. Baka mali ako. Sana nga.

"Matagal mo ng alam ang katotohanan, Cheese. Tayo ang legal ang pamilya. Ikaw ang nag-iisang legal na anak ng ama mo. Wag mo nang isipin ang mga walang kwentang bagay."

"Ma..."

"Wag na natin pag-usapan ang mga walang kwentang bagay."

Pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata ko. "Tayo ba ang nang-agaw, Ma?"

* * *

"Leave my boyfriend alone!" Huminga ako ng malalim. Wala akong panahon sa mga ganitong bagay ngayon.

"Wag ngayon, Andrea." Isasara ko na sana ang gate pero tinulak niya ako at sapilitang pumasok sa bahay.

"Where the hell is he? Lander! Lander babe!" Andami kong iniisip ngayon tapos may dadagdag pang ganito.

"Wala siya dito." Wala akong pakialam kong nakakaintindi siya ng tagalog o hindi. Wala talaga akong panahon para dito.

"I wanted to talk to him! Get him out of house?!"

"Wala nga dito, diba?!"

"Can't you get yourself a boyfriend? Stop messing with my boyfriend!" Ayoko talaga siyang patulan ngayon. Buti nalang wala si mama ngayon. Bakit naman kasi pakalat kalat ang babaeng to ngayon?

"He's not here." Last week pa na bumalik sa Australia si Leandro. May urgent matter daw sa family company nila kaya kailangan niyang umuwi.

"Liar!" Nakakainis rin ang Andrea na to. Maganda nga pero nakakairita siya. Ang tinis ng boses nakakadagdag sakit sa ulo.

"He's in Australia. If you don't believe what I'm saying then figure it out yourself and stop messing with anybody's house. You are trespassing my property."

"Hmp! Maybe he's back and probably talking with my family about our marriage. And you!" Dinuro niya ako. "Go figure out and find yourself a boyfriend!"

Huh. Boyfriend? Kailangan ko ba talaga nun? Ang gulo na ng buhay ko. Kailan lang nung hindi pa ako sumama sa camping trip na yun, payapa pa ang buhay ko.

Maybe meeting them was a mistake? I would probably figure out what was happening in my life.

- -
Please vote for this chapter! Thanks.


Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon