CHAPTER 19

129 27 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 19


Ano ba ang kasalanan ko sa past life at nagkakaganito ang buhay ko ngayon?

"I brought this chicken soup." Inilapag ni Hyden ang lalagyan ng soup sa harap ko.

"No. You should eat my homemade chicken soup, Moreda. You can't eat that." Inalis ni Leandro ang soup sa harapan ko nilagay niya yung niluto niya.

"Ano bang problema mo?" Ayan, nagkaharap na naman silang dalawa at mukhang magtatalo na naman.

"You, you are my problem. Why the hell are you still here? I can take care of her, back off."

"Chisa, why are you living with this guy anyway? You can't just trust any other guy!"

Napatingin silang dalawa sa akin. "Pwedi ba, wag kayong mag-away sa harap ko. Gusto ko lang naman kumain e." Kakagising ko nga lang tapos pumunta ako sa kusina para kumain dahil nagugutom ako.

"You can have my soup."
"No, you have to choose mine."

Medyo okay na sana yung pakiramdam ko e, pero mukhang sasakit na naman ang ulo ko nito. "Wala namang problema yan e. Uubusin ko 'to lahat para sa ikatatahimik ng kaluluwa niyo."

"No."
"You can't"

"Pwedi ba, iwan niyo muna ako dito kasi gusto kong kumain ng tahimik." Tiningnan ko silang dalawa pero wala ni isang umalis sa kanila.

"I can't say no to Leandro's soup, kaya uubusin ko 'to." Ngumisi si Leandro sa sinabi ko.

"And...thanks for this soup Hyden, uubusin ko rin 'to but you don't have to do this again. Salamat sa concern at pwedi ka ng umalis kasi okay na ako." Lumapit sa akin si Hyden pagkatapos kong sabihin yun.

Hinawakan niya ang balikat ko at bago pa ako makaangal, hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko. "Aalis ako ngayon dito pero hinding-hindi ako aalis sa buhay mo. Tandaan mo yan, Chisa." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

"Don't fall for his words Moreda, you have to remember that he has a girlfriend and he's playing with your feelings." Nag walk-out rin si Leandro pagkatapos niyang sabihin yun.

Ewan. Ayoko munang isipin ang mga bagay na yun. Gusto ko lang naman kumain.

***

"You two are living together?" Tumango ako sa tanong ni Juniper. "For real? Ang swerte mo naman Cheesegirl!"

Hapon na at nasa coffee shop kaming dalawa ni Juni. Kinukulit niya kasi ako tungkol kay Leandro. "Pero tingin ko talaga, may rason yung pag stay niya sa condo ko. Kagustuhan kasi ni papa yun. Alam kong may something talaga,"

Sumang-ayon naman si Juniper. "Tingin ko rin parang pinagkasundo na kayo ng papa mo."

"Siguro nga in denial lang ako. Ayoko kasing isipin na yun ang rason pero parang ganun rin naman yun," Napabuntong-hininga ako.

"Pero kailangan mo rin talagang tanungin ang papa mo tungkol dito. Para malaman mo yung rason. Super gwapo naman ni Lander, rinig ko rin sa chismis na matalino siya plus engineer. Hindi ka lugi sa kanya, cams." Bumungisngis pa si Juni at kilig na kilig.

"But, mas bagay kayo ni Hyds. Team Hyden pa rin ako," Tumaas baba ang kilay niya.

"Tumigil ka nga dyan. Di ko na nga alam kong ano ang gagawin ko e."

"Alam mo, hindi mo dapat ini-stress ang sarili mo. Whatever will be, will be. So, bar tayo mamaya? Let's have some fun!" Umiling ako sa kanya.

"I don't think that's a good idea, maybe next time? May tatapusin pa akong activity."

"Ang kill joy mo talaga. Sige na nga, next week ha?" Nagpuppy eyes pa ang baliw na babae sa akin. Hindi niya talaga ako titigilan hanggat hindi ako papayag.

"Oo, na...next week." Pagkatapos nun, umalis na kami sa coffee shop. Umuwi na si Juni at bumalik na rin ako sa condo. Nasa tapat lang naman kasi ng tower ang coffee shop.

"I'll be right back," Nakasalubong ko si Leandro sa baba ng tower. Bakit kaya nagmamadali ang isang yun?

Habang naghihintay sa elevator, may naramdaman akong tumabi sa akin. I didn't mind. Hindi ko siya tiningnan. Nang bumukas na ang pinto ng elevator, pumasok na ako at dun ko lang napagtanto na si Hyden ang kasama ko sa loob ng elevator.

"Anong ginagawa mo dito?" Naghintay ako na may iba pang papasok sa elevator pero wala ng pumasok hanggang sa magsara na ang pinto.

"I live here, Chisa." Ngumisi siya at lumapit sa tabi ko. Hindi ko nagustuhan ang ngising yun.

"Totoo ba?" Kaming dalawa lang dito sa loob kaya pilit kong pinapagaan ang usapan namin.

"Hmm," Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko at inamoy ang buhok ko. Parang may kung anong weird feeling na dumaloy sa buong katawan ko.

"A-Ano ba, tumigil ka nga." Hinapit niya ako papalapit sa kanya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. "H-Hyden, bitiwan mo ako,"

"Why would I?" Bulong niya sa taenga ko. Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako. The kiss was so rough and that made me stood straight in front of him. Hindi ako nakagalaw.

"I missed you, Chisa. You can't be with anyone else because your mine." He kissed me again and playfully bit my lip.

Eksakto namang bumukas ang elevator. "See you later, baby." Nauna na siyang lumabas at naiwan akong nakatayo sa loob.

I'm not gonna lie. I missed him too.

[unedited]

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon