CHAPTER 27

103 25 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 27


Woah! Ang ganda naman nitong babae ni Leandro. Half spanish half american. Sa sobrang ganda niya parang gusto ko nalang maging sofa.

"Who is she?" Ang ganda pa pakinggan ng boses. Bagay na bagay talaga sila ni Leandro. English speaking.

"This is Moreda, my girlfriend." Napa tanga ako sa sinabi niya. Inakbayan pa ako ng damuhong lalaki. Pinagsasabi nito?

"Moreda, this is Andrea."

"Ang pangit mo talaga kausap. Hindi naman Moreda ang pangalan ko e, at hindi mo ako girlfriend." Ibinaling ko ang atensyon kay Andrea. "I'm Cheese,"

Inilahad ko ang kamay ko pero tinitigan niya lang yun at hindi tinanggap. Malinis naman kamay ko ah.

"I don't care if she's your girlfriend. I'm here because I want you back, babe." Malagkit ang tingin niya kay Leandro pero ang damuhong lalaki, hindi nagpatinag at diritso lang ang tingin.

Oh my God! Ngayon ko lang naalala. Siya yung babaeng nakita ko na kahalikan ni Leandro dun sa mall!

Kinalabit ko si Leandro. "Ex mo yan?" Ininguso ko si Andrea na nakafocus lang ang tingin kay Leandro. "Ang ganda, balikan mo na." Tukso ko sa kaniya pero sinamaan niya ako ng tingin. Totoo naman e, sobrang ganda nga talaga ng babae.

Magkatabi kami ni Leandro sa mahabang sofa habang nasa single sofa sa tapat namin nakaupo si Andrea. "I don't love you anymore." Malamig na sabi ni Leandro. Kinilabutan ako dun, ngayon ko lang narinig ang ganoong tono ng boses niya.

Tumayo si Andrea at lumapit kay Leandro. "Babe, I know you still love me. Are you gonna waste our 3 years relationship for this sickly woman? She's not even worthy of your time!"

Sickly woman? Porket may bendahe ang ulo ko sickly na agad? "Hoy Leandro, mag-usap nga kayo ng babaeng yan. Badtrip naman. Hindi ako sakitin no!" Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Nadamay pa ako dito."

"Can you leave us alone!" Tinaasan ko ng kilay si Andrea dahil siniwagan niya ako. Walangyang babae, di ko naman siya inaano ba't sa 'kin pa nagalit? "Fine." Tumayo na ako. "Kausapin mo nga yang babaeng yan. Baka nagalit kasi sinabi mong girlfriend mo ako. Baliw ka ba? Nadamay pa ako dito balikan mo na---- a-ano ba?!"

Walang pasabing hinila ako pabalik ni Leandro sa sofa at hinalikan ako sa labi. Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa niyang yun. It's not a peck on the lips. He's kissing me torridly! Kahit anong pilit na isinara ko ang bibig ko... he found his way in.

"What the hell?!" Umalingawngaw sa buong bahay ang pagsigaw ni Andrea. Umakma siyang sampalin ako pero napigilan siya ni Lendro.

"We're over, Andrea. We're done. I love her. Stay out of my life."

"N-No! This is not over!" Nagmamadali siyang umalis. Umiiyak.

Naiwan kami ni Leandro sa sofa. For a minute, hindi ako nakagalaw. "B-Bakit mo ginawa yun?"

Tumayo na siya. "It's not a big deal." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "I've kissed you before and you acted like it's not a big deal."

"A-Ano?!"

"Let's just forget it happened." Iniwan na niya ako at umakyat na siya patungo sa kwarto niya.

Let's just forget it happened? Yun na yun? Ginamit niya ako para saktan ang ex niya? Wow. Great. Just great!

Susunod na sana ako kay Leandro nang may tumawag na unknown number sa phone ko. Hindi ko na sana sasagutin pero baka importante kaya sinagot ko nalang rin.

"Hello?"

"Chisa..." Napatayo ako nang marinig ang boses niya. Walang ibang tatawag sa akin ng buo kung pangalan kundi si Hyden lang. Siya lang...

"Hyden,... okay ka lang ba? Saan ka ba ngayon? Pupuntahan kita." Ilang araw na akong walang balita sa kaniya. Gustong-gusto ko na siyang makita.

"Magpahinga ka nalang."

"Hindi. Pupuntahan kita. Nasaan ka? Gusto kitang makita. Please?"

Ilang minuto pa bago siya muling nagsalita. "Nasa condo ako."

"Alright. Hintayin mo ako dyan," Nagmamadali akong nagbihis. Timing naman kasi nasa side table lang ang susi ng kotse ni Leandro kaya kinuha ko yun.

Mag-uusap rin tayo, Leandro. Pero hindi pa ngayon.

* * *

"Hey!" Hindi ko napigilan ang sarili at niyakap si Hyden nang buksan niya ang pinto ng condo niya. I can't remember the last time I saw him. The last time we talked. Maayos man o hindi ang huli naming pag-uusap, wala na akong pakialam.

"I missed you." Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang ibabaw ng ulo ko. "Masakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling ako. "Hindi na. Gusto ko na nga ipatanggal 'tong bendahe. Hindi nga ako napakali nung nalaman kong ako ang dahilan ng pagkakahulog ng koste mo sa bridge. I was very anxious and guilty pero hindi nila ako pinayagan na puntahan ka."

Hinawakan niya ang kamay ko. "You don't have to feel anxious and guilty. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganun sa campus. I was late. Hindi kita naipagtanggol nung pinagtutulungan ka nila. It was my fault. Everything was my fault, baby."

Napangiti ako nang marinig galing sa kaniya ang salitang baby. It gives me a good feeling. Hindi ko nga makakalimutan nung unang beses niya akong tinawag nun. Nung naligaw ako sa camping namin.

"Kalimutan na natin ang lahat, Hyden. What's important is the present. Tayo. Kahit hindi sigurado. Kahit mali. Wala akong pakialam." Ngumiti ako sa kaniya.

"When I heard you were in the hospital, I couldn't relax. Lagi akong umiiyak kasi gusto kitang makita. I realized that... I love you. It always you. The first man in my life. I gave you my body and you have my heart. Mahal kita, Hyden."

Tumitig siya sa mga mata ko. "Chisa---"

Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa siya. I kissed him in the lips. Kakalimutan ko muna ang lahat ng hadlang sa amin ni Hyden. "Make love with me, Hyden. Take me. I have always been yours."

- -
Please vote for this chapter! Thanks.

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon