CHAPTER 13

150 27 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 13 


Sa ilang beses na sumabay ako ng lunch sa grupo nila Juniper, napansin kong hindi pala maayos ang sitwasyon nila Morie at Luca. They're not in good terms, that's for sure.


Luca is really portraying her bitchy attitude. May issue rin siya sa akin. Idagdag pa ang mabigat na atmosphere na namamagitan sa amin ni Hyden. Though, hindi kami nag-uusap, sumasabay naman kami pareho sa mga topic ng grupo.

"We'll have lunch together." Hindi na ako umangal nang tumawag sa akin si Leandro nung lunch na. As usual, sa labas kami kumain dahil sa request ng mahal na kamahalan ng mga angry birds.

"Hindi naman masyadong crowded ang cafeteria, ah."

"Why do you insist on eating at the caf? You want to meet someone, there?" Hindi ako makapaniwala sa tanong niya. Meeting someone kaagad? Pwedeng kumain lang?

"Ang over acting mo masyado. Bagay talaga sayong tawagin na kuya Leandro, e." Humahagikhik ako nang nagsalubong na naman ang kilay ni Angry bird.

"Stop teasing me, Moreda. You'll regret it," Mababa ang boses na banta niya.

"Yeah, Yeah whatever! Sa gusto kitang tawaging kuya. Bagay naman sayo." Napatili ako nang bigla nalang siyang nagpreno. "Ano ba? Magpapakamatay la ba?"

"Didn't I tell you to stop calling me that? I already warned you," Humarap siya sa akin.

Inikutan ko siya ng mata. "You and your warnings. Don't entertain boys. Don't talk to strangers. Don't call me kuya--"

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Shit.

He--He freaking kissed me! This is incest! Kuya ko dapat to e.

"Call me that freaking endearment and you'll know the consequences." Nabigla talaga ako dun.

"Hoy! Hindi naman kasi yun endearment,e. Bakit ka ba nanghahalik ha? Your supposed to be my kuya!" My God. Hindi ko talaga inakala na mangyayari to.

Hindi pa nga kami okay ni Hyden tapos dadagdag tong si Leandro? Ano na ba ang nangyayari sa sanlibutan?

"Hinding-hindi mo ako magiging kuya, Moreda." Nanlaki ulit ang mga mata ko. Totoo ba yung narinig ko?

"A-Anong sabi mo?"

"Bingi ka rin pala?" Tuluyan na talagang nalaglag ang panga ko.

"Oh my God. Ikaw ba yan, Leandro? Hindi ka sinapian ng masamang espirito? Kailangan na nating pumunta sa exorcist!"

Tumawa siya sa reaksyon ko. "Kailangan mo na talagang kumain. Nagha-hyperventilate ka na,"

"No! Hindi ikaw si Leandro! Nasaan si Leandro, ha?!" Tiningnan niya ako na para bang nababaliw na.

"Hinalikan ka lang, nabaliw ka na agad?" Huminto na ang kotse sa parking lot ng isang resto pero hindi pa rin ako gumalaw. Nasa state of shock pa ako.

"Leandro, nagtatagalog ka talaga?" Amused na tanong ko sa kanya. I can't believe it.

Tinawanan niya ulit ako. "Big deal talaga sayo ang pagtatagalog ko? Seriously?"

At last, na gets rin niya ang pinupunto ko. First time ko siyang narinig na nagtagalog! Englisherong angry bird to e. "Of course, ang arte-arte mong tao, e. Lagi kang nag E-English!" Sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko.

"So, the kiss wasn't big deal for you?" Shit. Masyado akong na carried away. Namangha ako sa biglaang pagtatagalog niya. Nakalimutan ko ang paghalik niya sa akin! Bakit niya ba kasi ako hinalikan? Oh my God.

"B-Bakit mo naman kasi ako hinalikan?" Hindi ako makatingin sa kanya. Kinalas niya ang seatbelt at binuksan ang pinto.

"Let's go inside. I'm famished," Nauna na siyang pumasok sa Resto at iniwan ako sa loob ng kotse.

Kani-kanina lang, ang lakas niyang makatawa at nagtatagalog pa talaga siya pero ngayon, nagsusuplado na naman ang Australyanong damuho. Suplado na naman ang Angry bird. Bipolar talaga.

"Hey! Lander, mind if I sit here?" May isang babaeng lumapit sa table niya. Halos pumutok na yata ang pang-itaas niyang longsleeve dahil sa laki ng hinaharap niya.

Hindi na muna ako maglakad patungo sa table namin at hinintay ang sagot niya sa babae.

"I'm with someone." Supladong sabi niya na hindi manlang tinapunan ng tingin ang babae. Nasa Menu kasi ang atensyon niya.

"Oh, maybe next time then?" Lumapit sa kanya ang babae at hinaplos ang balikat niya pero hindi natinag ang angry bird.

Hindi pa rin umaalis ang babae na schoolmate lang rin namin dahil sa suot na uniform kaya naglakad na ako papunta sa table namin. Nagugutom na rin naman ako.

"What took you so long?"

"Akala ko kasi nag e-enjoy ka dito," Tiningnan ko na agad ang menu.

"Of course, nag-e-enjoy siya sa company ko. Are you his sister?" Hindi pa rin umaalis ang babae at nakatayo pa ito sa tabi ni Leandro.

Sister, huh? Ayaw nga niyang tawagin ko siyang kuya e.

"Leave, Mandy." Malamig na turan ni Leandro sa babae.

"It's Bella not Mandy." Tumaas ang kilay ni Bella.

"Whatever. I won't tell you twice," Grabe pala talaga ang kasupladuhan nitong si Leandro. Abot langit ang haba.

"Hmp!" Umalis na si Bella. Poor girl.

Pagkatapos naming mag-order, tahimik lang kaming dalawa. Kasalanan to ni Leandro, e. Bakit ba kasi siya bigla-bigla nalang na nanghahalik? At hindi niya rin sinagot ang tanong ko kanina.

"Leandro," Nag-angat siya ng tingin sa akin pero hindi siya nagsasalita. "Bakit mo ako hinalikan, ha?"

Hindi pa rin siya umimik at nakatingin lang talaga siya sa akin. Napipi na ba to?

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Bakit ba ayaw mong magsalita, huh?" Tanong ako ng tanong hanggang sa nagmumukha na talaga akong tanga.

Parang hangin rin lang yung kausap ko. Walang sumasagot. Walang hiya talaga ang Angry bird na to. "May pipindutin ba akong button para ma-unmute ka? Hindi ka naman siguro napipi diba?" Tuluyan na talaga akong na badtrip. Ano na naman bang ka-dramahan to ng kamahalan ng mga angry bird?

Ganun ba talaga ang nature ng mga angry bird? Nanghahalik ng walang dahilan? Naiinis na talaga ako sa kanya.

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon