CHAPTER 31

110 25 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 31

Ang nag-aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin pagkagising ko. Nasa loob ako ng kwarto ko at nakita ko ring nakaupo sa isang tabi si Juniper.

"Thank God, you're awake."

"Ma,---"

"Nagugutom ka ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin."

Umiling ako. "Okay lang ako, Ma." Marahil at natakot lang ako nang makita kong may tumulong dugo mula sa ulo ni Sam kaya nahimatay ako. Dala na rin siguro ng pagod at sa lahat ng mga nangyari nitong nakaraan lang.

"Oh siya, maiwan ko na muna kayo ng kaibigan mo." Nang nakalabas na si mama, lumapit si Juniper sa kama ko.

"Nag-alala kaming lahat sayo, Cheesegirl. Si Merc ang naghatid sa atin dito kanina pero umuwi na rin siya." Napabuntong-hininga siya. "May gusto ka bang kainin? Wala ba talagang masakit sayo?"

Napatawa ako sa tono ng boses niya. "Juni naman, ganyan rin ang tanong ni mama sa akin kanina. Wala naman akong malubhang sakit no, okay lang talaga ako." Napatingin ako sa mga prutas na nakalagay sa side table.

"Uhm, parang gusto ko kumain ng apple. Bigyan mokong dalawa, please?" Ngumiti si Juni. "Apple talaga, ano ka si snow white?"

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Huh? Anong meron kay snow white. Si snow white lang ba may karapatan na kumain ng apples? Hm. Infairness ha, masarap ang apples ngayon pero mas masarap yata to kung isawsaw sa mango jam."

Parang nanubig ang bibig ko habang iniisip ang lasa ng mango jam. "Gusto ko talagang kumain ng mango jam ngayon."

Ngumisi ulit si Juniper. "Ano pa? May gusto ka pa bang kainin? Sabihin mo lang ipapabili ko kay Morie, pupunta rin kasi yun dito."

"Ah, si Morie nga pala! I miss her. Bakit parang lumawak yata ang mundo at minsan ko nalang siya nakikita sa uni."

"Hindi ka rin namin mahagilap sa uni no. Ngayon ko nga lang nalaman na dito pala ang bahay mo. Buti nalang tumawag si Tita Miran sa phone mo nung nahimatay ka kaya napuntahan ka niya kaagad."

Napasinghap ako. "Oh! Oh my god!"

"Cheese, okay ka lang?" Nag-aalala ang boses niya.

"Oh my god! What about Sam? Anong nangyari sa kaniya?"

"Ahm, she's okay. May naghatid na sa kaniya sa hospital." Bumaba ang boses niya.

"What about Hyden? Where is he? Hindi man lang ba siya pupunta? or was he..." Tumingin ako kay Juni. "He's not there, right?"

Nag-iwas ng tingin sa akin si Juniper. Kahit hindi niya na sagutin ang tanong ko, alam ko na yun. "Hindi man lang siya tumawag o mag-alala man lang sa akin?" The last I saw him was when I ran out of he's condo and he didn't even chase me. Hindi rin siya tumawag o pumunta dito sa bahay. Tapos ngayon... nandun siya sa hospital kasama si Sam.

I guess, wala lang talaga ako sa kaniya. "He didn't care about me."

Hinawakan ni Juni ang kamay ko. "Nag-aalala yun sayo, Cheesegirl. Kilala ko yun. Hindi sa ipinagtatanggol ko siya pero, nalalagay rin siya sa isang komplekadong sitwasyon."

Tumawa ako ng mapakla. "Naintindihan kita. Ito na ba yung panahon na dapat na siyang mamili at si Sam ang pinili niya?"

"Cheese,"

"What if he's just forced to be there, diba? or what if he's not? What if he chose her since she got him first? Paano naman ako? Wala nalang ba yung lahat na nangyari?"

"Cam--"

"What if he's there because she looks like me? Kinopya niya ang mukha ko! What if he thinks she was me?" Bumangon ako sa pagkakahiga. "She's insane!"

"Cheese, kumalma ka."

"I can't!" Tumaas talaga ang boses ko. I hate that girl! Ano naman kung siya nga ang nauna? Desisyon pa rin ni Hyden kung sino ang pipiliin niya.

"Hi, Cam!" Napatingin kaming pareho ni Juni nang bumukas ang pinto at pumasok si Morie. "Mango jam?"

Agad na napawi ang galit ko nang makita ang dala niya. "Oh my god! Thank you!" Ngumisi lang si Morie at binigay sa akin ang jam. Binigyan rin ako ni Juni ng isang bowl ng sliced apples.

"Ohh, you two are the best."

Sinimulan ko nang i dip ang hawak na apple sa mango jam. Hm. Napapikit pa ako sa sarap. "Wow. Ang sarap! I try niyo dali!"

Inaya ko sila pero magkasabay na umiling silang dalawa. "Apple sa mango jam? Ikaw lang yata ang nakita kong kumakain ng ganyan." Komento ni Morie.

"Anyway, nasaan si Matt?"

Ngumuso si Morie. "May lakad daw sila ni Merc. Feeling ko nga may relasyon ang dalawang yun e."

Natawa naman kami pareho ni Juni. "Pati si Merc pinagseselosan mo na, ha!"

"Paano, e laging magkasama ang dalawang yun. Ewan ko lang kung saan-saan pumupunta. Baka nambabae o parehong bakla."

Masaya ako na nakausap ko sina Morie at Juniper ngayon. Gumagaan ang pakiramdam ko.

"Peroooo..." Hindi ko namalayan na may namumuong luha sa mga mata ko.

"Oh, anong nangyari sayo?" Lumapit si Juni sa tabi ko. "Ano naiiyak ka na sa sarap nyang kinakain mo?" Hinagod niya ang likod ko.

"Hindi ba talaga pupunta si Hyden dito?" Nagkatinginan silang dalawa.

Naupo na rin sa tabi ko si Morie at ngumiti siya sa akin. "Pupunta yun, lalo't alam na niya..."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Anong alam niya?"

Tumikhim si Juniper. "Alam na niya na ligtas ka na. Tumawag siya kanina at sinabihan ko na nasa maayos na kalagayan ka. Na, nakauwi ka na ng maayos..."

"Cheese, darating yun. Ayan, wag ka ng mag-isip ng mga nakakalungkot na bagay. Gusto mo ng juice? Tara gawa tayo sa kusina,"

"Juice?" May magandang ideyang pumasok sa isip ko. "Sige gawa tayo gamit ang lahat ng mga prutas sa kusina, tara!"

"Ugh,"

"Great idea!"

Kinabukasan, maaga akong nagkalat sa banyo. Hindi ko alam pero lagi akong naduduwal at parang umiikot ang paligid ko.

Hindi naman ako uminom kagabi pero bakit ang sama ng pakiramdam ko? Pumasok si mama sa banyo at inalalayan ako patayo.

"Ma, sumasakit ang ulo ko."

"Ilang beses na kitang sinabihan tungkol dito, Cheese. Pero hindi ka nakinig sa akin."

Naguluhan ako sa sinabi ni mama. "Anong ibig mong sabihin ma?"

Hindi ako makapaniwala sa susunod na mga salitang lumabas sa bibig ni mama.

"You're pregnant."

- -
Please vote for this chapter! Thanks.

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon