CHAPTER 26

107 25 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 26


Ang sakit ng ulo ko. Nagising ulit ako sa loob ng hospital. May bendahe ang ulo ko. Siguro dulot ito sa pagkakabangga ng kotse ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang naigalaw ko pa ang mga kamay at bente ko. Kinabahan talaga ako, buti nalang walang naging malaking pinsala sa katawan ko.

"Ano ba ang pinaggagawa mo dyan, Cheese? Puro sakit ng ulo nalang ang idinulot mo sa akin!" Hindi ako makatingin kay papa. Tumawag kasi siya via facetime.

"Pa,"

"I have a lot of problems to deal with. Kausapin mo ang mama mo." Nagpakawala ako ng isanv malalim na paghinga. Nakaka stress na ang mga nangyari sa buhay ko.

"Cheese anak," Ilang minuto pa lang ang lumipas, tumawag rin si mama. "Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo? Nag-aalala ako sayo, gusto ko ng umuwi dyan."

Napaiyak ako. "Ma,"

"Nahihirapan ka na ba? Gusto mong sumunod dito sa Canada?" Umiling ako sa sinabi ni mama.

"Hindi, Ma. Kaya ko naman. Sorry," Pinahid ko ang mga luha.

"Uuwi ako dyan, Cheese." Napansin ko ang lungkot sa boses niya. "Ma, okay lang ako. Wag mo na akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko." Kakayanin ko, Ma.

"May mahalagang bagay tayong pag-uusapan, Cheese. Hintayin mo ako, okay?" Nagtaka ako sa inasal ni mama.

"May problema ba, Ma?"

Ngumiti siya. "Saka na tayo mag-usap kapag magkita na tayo," Batid ko talaga na may problema si Mama. "Sige na. Magpahinga ka na dyan, okay? Love you anak,"

Hindi ako napakali dahil sa sinasabi ni Mama. May problema ba kami?

Tahimik lang ako nang pumasok si Leandro. Sa totoo lang ayoko nang manatili pa dito sa hospital dahil kalalabas ko lang nung isang araw. Hindi ako makakapagpahinga ng maayos dito.

"Are you okay? Does your head hurt?" Ayaw ko talaga siyang kausapin pero wala ring saysay yun dahil magkasama naman kami araw-araw.

"Kailan ako makakalabas dito? Gusto ko ng umuwi sa condo. Nakakasawa na dito sa hospital."

"You don't wanna know what exactly happened to you?" Lumapit siya tabi ko.

"Pinagtatawanan ako ng buong campus. Umiyak ako at nag drive na hindi tumitingin sa daan. Kasalanan ko naman lahat. Alam ko," Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng katapangan ngayon. Siguro kay mama? Ewan.

"I took down all the videos and the mess in the university. Everyone involved has paid their mistakes in the counselor's office." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Leandro.

"Salamat," Akala ko iniwan na ako ng lahat pero nasa tabi ko lang palagi si Leandro. Maybe I was too impulsive and self-centred, kaya hindi ko yun napansin.

"I know everything that has happened to you. Every single damn thing but I know something that you didn't know," Tumitig siya sa mga mata ko.

"Ano? Ano ang hindi ko nalaman?"

"The car----"

"Walang hiya ka talagang babae ka?!" Napatigil sa pagsasalita si Leandro nang biglang pumasok si Lucana at sinugod ako. Mabuti nalang mabilis siyang napigilan ni Leandro.

"Sa ating dalawa, ikaw ang walang hiya at alam mo yun. Ikaw ang rason kung bakit nasa hospital ako ngayon, hindi ka pa ba nakuntento?"

Kumawala siya sa pagkakahawak ni Leandro. "Hindi mo pa ba alam ha?! Nasa critical na kondisyon ngayon si Hyden dahil sayo! Malandi ka talaga! Isang kang malanding babae!" Sinubukan niya ulit akong sugurin pero hindi man lang siya nakalapit sa akin.

"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo. Hindi ko nga nakita si Hyden!" Tama ba ang pagkakarinig ko na critical ang buhay ni Hyden? "Ano ba ang nangyari?"

"Ano?! Kung hindi sana umiral ang pagiging malandi mo, hindi kakalat ang viral video mo sa university! Hindi ka sana tatakbo at mag d-drive! Alam mo ba na ang kotseng nakakasalubong mo ay ang kotseng minamaneho ni Hyden?!"

"Si Hyden?" Nanghina ako sa narinig. "Anong nangyari sa kaniya? Nasaan siya ngayon?"

"Mas pinili niyang mahulog ang kotse niya sa tulay para hindi ka mabangga! Sana namatay ka nalang! Kasalanan mo ang lahat," Nanghihina na naupo si Luca.

"Oh my God! Totoo ba?" Hindi ko rin napigilang umiyak. Kasalanan ko ba talaga ang nangyari kay Hyden?

"There's no way that I'll let you see him!" Itatanong ko pa sana kung nasaan si Hyden pero umalis na si Lucana. Oh my God. Ano ba 'tong nagawa ko... si Hyden... sana okay lang siya.

"That's what I have to tell you earlier," Binigyan ako ni Leandro ng panyo. "Anyway, we can go home today. The doctor said you can rest at home."

"H-Ha? Alam mo ba kung nasaan siya?"

"No."

Nakauwi na kami sa condo pero hindi pa rin ako mapakali. Sana okay lang siya. Lord, sana magiging okay lang si Hyden.

"Cheese, sorry. I was not there when you need me." Laking pasalamat ko nang pumunta si Juniper sa condo. Sa sobrang pagkabahala ko, hindi ko man lang siya natawagan.

"Si Hyden, okay lang ba siya?"

"Cheese naman, alalahanin mo muna ang sarili mo okay? Sana man lang tinawagan mo ako nung nasa campus ka. Ang sarap talagang sabunutan ng Lucana na yun! Nanggigigil ako sa kaniya!"

"Juni, okay naman ang kalagayan ko. Si Hyden? Saang hospital ba siya ngayon?" Alam ko talagangay mali dahil nag-aatubili siyang sumagot. "Please, tell me the truth."

"He's okay. Pero sa ngayon, hindi mo pa siya makakausap. Wag mo na siyang puntahan sa hospital. Hintayin mo muna na gumaling ka at bumuti ang kalagayan ni Hyden. Makakausap mo rin siya sa tamang panahon,"

Hindi na ako umangal sa sinabi ni Juniper. Ang importanti lang naman ay nasa maayos na kalagayan na si Hyden. Mapapantag na ang loob ko. "Kasalanan ko ang nangyari sa kaniya, Juni. Kaya nag-aalala talaga ako sa kaniya."

"Naiintindihan kita kaya stay put ka lang dyan, okay? Wag mong sisihin ang sarili mo dahil aksidente ang nangyari. Hindi mo naman yun sinadya. Magiging okay rin ang lahat."

Gumaan talaga ang pakiramdam ko dahil kay Juniper. Naibsan ang kaba na naramdaman ko. Magiging okay ako. Magiging okay si Hyden. Sana nga... sana lang.

Kinabukasan, hindi ko inaasahan ang pagdating ni mama. Akala ko kasi sa susunod na araw pa siya darating. Ayaw niyang sa condo mag stay kaya umuwi kami sa bahay. Pinasama rin ni mama si Leandro at hindi naman siya tumanggi.

"Sa totoo lang anak, may mga importanting bagay pa akong sasabihin sayo pero kailangan ko munang ayusin ang negosyo ng papa mo dito sa pinas." Niyakap ako ni mama ng mahigpit bago umalis.

Akala ko talaga makakasama ko siya ngayong nasa bahay na ulit ako pero hindi. Araw-araw may lakad si mama at hindi ko pa siya natatanong kong may problema ba ang mga negosyo nila papa. Kahit kailan negosyo pa rin talaga ang inuuna nila.

"I already talked to your academic adviser and she told me that you can stay and rest at home." Kinausap ako ni Leandro pagka-uwi niya mula sa campus.

"Pero halos dalawang linggo na akong absent. Okay naman ang pakiramdam ko. Pwedi na akong pumasok," Nababagot na ako dito sa bahay dahil simula nung lumabas kami sa hospital, para akong preso na hindi nila pinapalabas.

"You need to rest, Moreda. A lot of things happened to you and you have been hospitalized twice."

"Leandro naman, gusto ko na talagang pumasok e!" Gusto ko na ring makita si Hyden... I tried to call him several times but he's not answering my calls. Gusto kong malaman kong nagalit ba siya sa akin dahil napahamak siya at gusto ko ring mag sorry. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko.

"Don't be silly. You can't leave the house until I say so."

"Ano?! Wala kang---" Naputol ang pagsasalita ko nang tumunog ang doorbell.

"Stay there. I'm gonna check who's coming," Nagtaka naman ako kung sino ang dumating kaya sumunod ako kay Leandro. Bahay naman namin 'to.

"I told you to stay there," Inirapan ko lang siya. Wow. Pati pagbukas sa gate, hindi niya ako pinapayagan. Hindi naman ako nalumpo. Nag o-overreacting talaga 'tong si Leandro.

"I finally found your house, Lander." Napatanga ako sa babaeng dumating.

"Andrea!?"

- -
Please vote for this chapter! Thanks. ♡

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon