CHAPTER 11

200 29 1
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 11

"We can use my car," Magkasabay kaming bumaba sa unit. "Your out by 6 pm, right?"

Ngayon na magsisimula ang klase. Excited naman ako pero parang hindi pa ako ready na makita muli si Hyden. Though maayos naman yung last na pagkikita namin sa hotel, hindi ko pa rin alam kong ano ang iaakto ko kapag makikita o makakasalubong ko siya.

We're still friends naman siguro o baka back to zero na? Strangers.

"Moreda?" Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami sa kotse ni Leandro at nakataas ang dalawang kilay niya na pinagbuksan ako ng pinto.

"Ugh, thanks." Pumasok na ako sa kotse at inaayos ang skirt ko. Feeling ko, sobrang ikli nito.

"Nervous?" Ini-start na niya ang kotse.

"Nope," Inaayos ko naman ang seatbelt ko. Safety first e.

"Your face say's so," Diritso lang ang tingin niya sa harap.

"Whatever," Malapit lang naman ang CU sa Cone towers na tinitirahan namin kaya madali lang kaming dumating.

"Let's meet here at six?" Kapwa namin inalis ang seatbelt.

"Yep." Nauna na akong lumabas. "Medyo malayo nga pala ang Engineering Department mula dito, I'll give you six-thirty or so,"

"6:10 would be fine. I'm quite good at running," Nag-wink pa sa akin ang good mood na angry bird at sinasabayan ako sa paglalakad.

"Hindi dito ang daan patungong ED Building, Leandro." Sita ko sa kanya nang sumabay pa rin siya sa akin.

"I know,"

"Alam mo naman pala e. Bakit nandito ka pa?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Aha, alam ko na!" Sinagi ko ang balikat niya.

"Know what?" Nagsalubong na naman ang kilay niya.

"Kaya ka dumaan dito para makabingwit ka ng babae. Kayong mga lalaki talaga, halatang-halata kayo e." Umiiling ako sa kanya. Hindi rin naman impossible na may makuhang babae tong si Leandro e.

Gwapo naman to, mukha nga lang masungit. Hindi rin ngumingiti pero pwede nang pagtitiyagaan.

"Tss. Can I see your schedule?" Biglang tanong niya.

"Bakit?" Takang tanong ko pabalik.

"Just give it to me." Angry bird mode na naman ang damuho. Binigay ko nalang sa kanya ang schedule ko. Parang bubuga pa naman siya ng apoy kapag nagagalit.

"Damn. We have conflict schedules," Aniya at pinicturan pa talaga ang sched ko bago binalik sa akin. "Gotta go. Don't entertain boys, Moreda." Hinapit niya pa ako papalapit sa kanya at hinaplos ang buhok ko.

Natulala tuloy ako sa inakto niya at kunot-noong sinundan ng tingin ang papalayong imahe niya. Nyare sa Angry bird na yun?

Pagdating ko sa first minor subject ko, namataan ko si Morie. Thank God. May kakilala ako dito, hindi nga lang kami close. May pagka-suplada pa naman siya at kadalasan ko rin siyang nakikitang kasama si Luca. Bitch pa naman ang babaeng iyon.

"Hey," Nakangiting umupo ako sa tabi niya. Tiningnan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala.

"I'm Cheese," Kinapalan ko na talaga ang mukha at kinausap siya kahit mukhang wala naman siyang interes. Tin-ry ko lang naman. Wala naman akong ibang kakilala dito dahil sa ibang private school naman ako gumraduate ng high school.

"I know," Binalik niya ang tingin sa harap.

"Uhm, if you don't mind me asking--"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Chemical Engineer si Hyden." Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi yun ang itatanong ko.

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon