CHAPTER 2

281 31 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 2

"I'm sorry."

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang inaayos niya ang tent sa clearing. Tuluyan na talaga kaming naligaw. Naiwan niya ang mapa sa kung saan kaya naghanap nalang rin kami ng pwedeng mapagpahingahan.

"I still hate you for that prank." Hindi talaga ako makapaniwalang gagawin nila iyon sa akin.

Pina-plano na pala nilang tatlo na iwan ako. Nagtatago lang pala sila sa paligid. Narinig nila ang pag-iyak ko pero hindi sila lumabas para magpakita.

Hinintay nila kung kaninong pangalan ang unang babanggitin ko. Nagawa na raw nila ito last year nung nag hiking sila sa ibang spot. Kung kaninong pangalan ang unang mabanggit ng babae, siya ang makakasama nito all the way sa hiking.

More like pinaglalaruan lang nila kaming mga babae. Pero in my case, wala akong tinawag na pangalan nilang tatlo. Bagkus ay umalis ako dun at bumalik sa dinadaan namin kanina.

Naghiwa-hiwalay silang tatlo nang mapansing nawala na ako dun. Hyden saw me. Pero hindi na namin nakita sila Cade at Agustin. Useless rin ang cellphone namin dahil wala namang signal.

"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" Umupo siya sa tapat ko.

Bumilis ang pintig ng puso ko nang tumitig siya sa akin. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya saka tumayo. "Hahanapin nalang natin sila Agustin." Iniwas ko ang topic na yun.

Tumayo na rin siya. "No need. Alam ni Cade ang daan patungo sa destinasyon natin. Pati si Agustin. They've been here a couple of times before."

Napatingin ako sa kanya. "So, alam mo rin ang daan sa pupuntahan natin?"

"No." Iniwas niya ang tingin sa akin. "First time ko dito."

Napakagat labi nalang ako. Damn. We're lost. Paano na? "Anong gagawin natin?"

"Hapon na. Dito nalang tayo magpahinga. Bukas, ipagpatuloy natin ang pag-akyat. Iisa lang rin naman ang pakay nating lahat. Ang makarating sa tuktok." Tumango ako sa sagot ni Hyden.

So I guess, kaming dalawa nalang muna ngayong gabi? Napa-iling ako sa naisip. What the heck?!

Bahala na nga.

Malaki naman ang tent na dala ni Hyden kaya napag-usapan naming mag-Share nalang. Natatakot rin kasi ako kung ako lang mag-isa sa tent ko.

We were in the middle of nowhere! Paano kung may maligaw na wild animals? Inatake na naman ako ng takot sa naisip.

Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko sa loob, lumabas na ako. Nadatnan kung nagluluto si Hyden. Buti nalang pala na marunong siyang magluto kundi, magugutom ako ng wala sa oras.

Malaki naman kasi ang tiwala ko na makakasama ko si Mac. Magaling kaya siyang magluto kaya pa chill-chill lang ako.

"How old are you anyway?" Magkatapat kami ni Hyden. Iniinit niya yung de lata na uuulamin namin.

"Ugh, 18. Ikaw ba?"

Tiningnan niya akong mabuti. "Turning 20 this year."

"Oh," Tumango ako. "Classmates kayo ni Mac?" Sa pagkakaalam ko kasi mula kay Juniper, second year na silang lahat na magbabarkada.

"Nope. Criminology si Mac. I'm into Business Administration." Inihain na niya ang pagkain namin. "Let's eat,"

Magkatabi kaming kumain habang nag-uusap sa kung anu-anong bagay.

"Where's your boyfriend, by the way? Di mo sinama?" Tumawa ako sa tanong niya.

"Kung meron man, edi sinama ko na sana."

"Oh?" He eyed me with an amused expression. "Well, let's talk about your ex." Nanunukso ang tono niya.

Mas lalo tuloy akong natawa. "Wala akong ex no,"

Nabigla naman siya sa sinabi ko. "Di nga?"

"Wala nga. Ikaw ba?"

"Uh-oh," Ngumisi siya. "Sayo muna ang spot light ngayon. Any flings?"

Umiling ulit ako.

"Wala kang flings?" Napa-inom pa siya ng tubig pagkatapos itanong yun.

"Wala nga. Ba't ang kulit mo?"

"Because your unbelievable!"

Inirapan ko siya. "Telling the truth here,"

Tumitig ulit siya sa akin ng nakataas ang kilay. "Who's your first kiss?"

Namula ang pisngi ko sa tanong niya. "Seriously? Anong klaseng tanong yan?"

"Just answer it," Ngumisi siya.

"Ayoko nga. Baka pagtawanan mo ako." Ngumuso ako sa kanya.

"No, really. Hindi ako tatawa promise." Sumiryoso ang mukha niya.

"Ayoko nga." Nakakahiya no. Lalaki pa talaga ang nagtanong sa akin nito? What the effin' heck?!

"Sige na. I won't really laugh at you." Persistent rin talaga ang mokong na to. Akala ko pa naman suplado to e.

"No first kiss for me," Umawang yung bibig niya sa sinabi ko. "Oh, anong reaksyon yan?" Ngumuso ako nang tumahimik siya.

"Ugh, Chisa may dumi ka sa mukha."

"Saan banda?" Pinunasan ko gilid ng labi ko. Nakakahiya!

"Hindi diyan," Lumapit siya sa akin. "Dito,"

Feeling ko namumula yung pisngi ko nang dumapo ang isang daliri niya sa labi ko at kinuha ang isang butil ng kanin. My God! Nakakahiya.

"Ah,-"

Nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. "There, wala na talaga."

Hindi agad ako nakapagsalita sa ginawa niya. That was my first kiss?!

Hindi pa ako nakabawi sa ginawa niya nang muling lumapat ang labi niya sa akin. "Open your mouth, baby." Masuyo niyang bulong.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya ibinuka ko ang bibig ko gaya ng sinabi niya. Mas pinalalim niya ang paghalik sa akin habang para lang akong tuod na napapikit sa ginawa niya.

~~
If you want dedications for the next chapters, drop a comment or vote for this story. THANK YOU!

SEE YOU TOMORROW 💌

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon