CHAPTER 30

106 25 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 30

"We have to talk," Hindi ko akalain na pupunta mismo sa bahay namin si Sam. She really looks like me. Magkaparehong-magkapareho ang features ng mukha naming dalawa.

Pero nagkausap na kami ni mama kagabi at nasabi niya na sa akin ang mga bagay na dapat noon ko pa nalaman. Alam kong masakit ang katotohanan pero sa huli, kailangan ko pa rin itong tanggapin.

Si Milagros pala na mommy ni Samantha ang nagustuhan ni dad noon pa. Nagkarelasyon na sila simula high school hanggang sa nagtapos na sila sa pag-aaral.

My dad loved her. That's for sure and I can also tell that she loves my dad. Everything was perfect not until my grandfather forced my dad to marry my mom.

Sa simula palang, mali na ang lahat. Napilitan lang si dad na pakasalan si mom dahil magkalapit na magkaibigan ang mga ama nila. Hindi rason ang pag merge ng kanilang business kundi nagustuhan talaga ni lolo si mama para sa kaniyang anak.

Nakasal nga sila pero huli na nang nalaman ni mama na may anak na pala si papa sa kaniyang girlfriend na si Milagros. Kung alam lang ni mama na may anak si papa sa ibang babae, hindi siya magpapakasal dito pero huli na nang nalaman niya yun.

Itinago ni Milagros ang bata at inilayo niya ito sa Pilipinas kaya doon na lumaki sa Australia si Sam. Sooner, nalaman rin ni papa na nagkaanak sila ni Milagros kaya hinanap niya ito. Kaya pala laging nasa ibang bansa si papa.

He was with Sam's mother all along. Hindi yun lingid sa kaalaman ni mama pero nanahimik lang siya. Kahit kasal sila ni papa, mas pinili pa rin ni papa na makasama ang unang pamilya niya.

Kahit kami ang legal na asawa at anak, talo pa rin kami sa pagmamahal ni papa kay Sam at tita Milagros. Natutunan na rin ni mama na mahalin si papa kaya kahit anong pilit ni papa na mag divorce sila ay hindi siya pumayag. Para na rin yun sa kapakanan ko. Ayaw niyang masaktan ako. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nasaktan pa rin ako.

Kami nga ang legal na pamilya pero pangalawa lang kami sa pagmamahal niya. Kaya pala kahit anong pilit ko na umuwi siya kada birthday ko, hindi siya nakakauwi. Kahit yun lang, hindi magawa ni papa para sa akin.

Hindi naman yun kasalanan ni mama dahil hindi niya rin kagustuhan iyon pero wala kaming magagawa.

"Yeah. We should probably talk." Sumakay na ako sa passenger seat.

"It's about time, huh?" Nakapukos ang mga mata niya sa daan. "Siguro naman alam mo na ang totoo? O itinago sayo ni tita Miran?" Tumawa siya. "At some point, I pity you,"

"Alam ko na."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Really? Alam mo na? So, alam mo na rin pala na inagaw niyo sa amin ni mommy ang legality na dapat ay para sa amin. Kami ang totoong pamilya na minahal at pinahalagahan niya. Ni katiting na atensyon hindi mabibigay sayo ni daddy dahil mas priority niya kami ni mommy." Ramdam ko ang diin sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"Pero hindi kasalanan ni mama ang nangyari. Napilitan lang rin siya and she suffered. We suffered and we don't deserve it." Malumanay ang boses na sabi ko. Pinilit ko talaga na pakalmahin ang sarili. This matter hits a fragile spot in my heart.

"Alam niyo naman siguro kung saan kayo lulugar, diba?"

Napabuntong hininga ako. Kagabi ko pa nalaman at pinipilit ko talaga ang sarili ko na tanggapin ang lahat ng yun.

"Let's talk it out with a cup of coffee," Itinigil niya ang kotse sa harap ng isang coffee shop. Sumunod ako sa kaniya. Dahil magkapareho ang mukha namin, may iilan na napapatingin sa pagpasok namin.

I should comfront her. Mali ang ginagawa niya. Pagkatapos umorder, hinarap ko na siya.

"Your mom kept her distance and a piece of advice, you should follow her foot steps. Hindi siya ang nauna kaya alam niya kung saan siya lulugar." Uminom siya sa frappe niya.

"Did you get my point, Cheese? Ako ang nauna kay Hyden kaya lumugar ka!"

"Why did you copy my face?" Nakipagtitigan ako sa kaniya. Hinding-hindi ako magbabawi ng tingin. May karapatan ako.

"Copy your face? Dream on." Inirapan niya ako.

"Nakita ko na ang totoong mukha mo. Normal lang na may magkapareho tayong features pero hindi ganyan ang tunay na mukha mo." Kinalkal ko kagabi ang mga papeles sa loob ng office ni dad at nakita ko ang mga larawan ni tita Milagros at Samantha.

Sam doesn't look like me before. Magkaiba talaga kami ng mukha. Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Hyden noon na nadisgrasya si Sam at nasira ang mukha niya. Baka nagpa full face surgery siya. Nagpaayos ng mukha pero bakit mukha ko pa ang ginaya niya?

Hinampas niya ang mesa. "Hyden is mine!" Nabigla ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. "Ugali ba talaga ng pamilya niyo ang mang-agaw, huh?!" Nag eeskandalo siya sa loob ng coffee shop. Hindi ko akalaing maging ganito ang pag-uusap namin.

"For everyone's information! This bitch right here seduced my fiancé! Kagaya siya ng ina niya na inagaw rin ang daddy ko! She's my half sister and she wanted to take everything from me!!" Hindi ko mawari ang ginawa niya. She screamed then started crying. She pointed her fingers right at my face.

"Mag-usap tayo ng maayos, Sam."

"Mag-usap ng maayos?! Mang-aagaw ka! You should be ashamed of what you and your bitch mom has done!" Huli na nang napagtanto ko na maraming nagrerecord sa amin ni Sam. I don't want this. Kung ganito siya makikipag-usap sa akin, aalis ako.

Tumayo ako at aalis na sana nang mariin niyang hinila ang buhok ko. "Stop it!"

She laughed. "You deserve this!" Hindi siya tumigil sa pagsasabunot at pagkalmot sa mukha ko. I am no match with her. Mas matangkad siya at mas malakas kaya kahit anong pilit ko, hindi ako makakawala sa kaniya.

Napadaing ako nang tumama ang mukha ko sa matigas na stool. Hindi. Hindi maaaring magpapaapi ako sa babae na to. Kaya pilit kong inaabot ang buhok niya at gumanti. Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko, malakas ko siyang itinulak dahilan para makawala ako sa kaniya.

Pero hindi ko inakalang humandusay siya sa sahig at may tumulong dugo mula sa ulo siya.

"She's bleeding! Tumawag kayo ng ambulansiya!"

Everything happened so fast. Kumawala lang ako sa kaniya. Hindi ko akalaing makakita ng dugo mula sa ulo niya. Oh god!

"Cheese!" Niyakap ko si Juniper nang dumating na siya. "Oh my god! Anong nangyari sayo?"

"I-I didn't k-know..."

"Cheese? Cheese?" Nakaramdam ako ng panghihina. Nandilim ang paningin ko.

"Cheese!"

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon