CHAPTER 12

146 27 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

[ Chapter 12 ]

Naging busy ako nung hapon na yun kaya hindi ko na replyan si Hyden. Alas tres yung vacant period ko kaya tumambay nalang muna ako sa bench. Napaismid naman ako nang tumawag na naman ang damuhong si Leandro. Ano na naman kaya ang iuutos ng mahal na kamahalan ng mga angry birds?

"It's your vacant time, where are you?" Tanong agad ang ibinungad niya sa akin.

"Talagang kina-carrier mo na ang pagiging tatay ko?" Naiimagine ko na nagsalubong na naman ang kilay ng angry bird.

"I'm not your father, where the hell are you?" Talagang hindi siya titigil kong hindi ko sasabihin kong nasaan ako. Ang bossy niya talaga.

"Nasa bench ako, kuya." Nakarinig ako ng pagtikhim sa kabilang linya.

"What? What did you just called me?"

Umikot na talaga ang eyeballs ko. "Bingi ka rin pala?"

"I'm asking you."

"I called you kuya. Kuya Leandro. Kuya, kuya, kuya..." Inulit-ulit ko talaga para marinig niya. I rolled my eyes. Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya. Wait, tumatawa rin pala ang mga angry bird?

"Why are you laughing?" Inosenting tanong ko.

Narinig ko ang muling pagtikhim niya. "Your driving me crazy, Moreda. Gotta end this. Don't talk to strangers." Gaya kanina, binabaan niya na naman ako ng tawag. Walang hiya talaga ang angry bird na yun.

Don't talk to strangers, huh?

Nang tingnan ko ang relo, may isang oras pa akong natira bago ang last minor subject ko. Minsan ko nang narinig ang student's lounge area pero hindi ko pa ito napuntahan kaya dumiritso ako dun.

Maluwag naman ang Lounge. May mga upuan sa loob. May mahabang sofas. May pang-isahan rin. Free wifi at airconditioned rin kaya maraming tumatambay.

I was about to check my socials nang may tumawag sa phone ko.

"Bakit di ka nagreply?" Lumabas ako sa lounge dahil medyo maingay.

"Busy ako, Hyden."

"Nasaan ka ngayon?" Nagdalawang-isip pa ako kung sabihin ko ba sa kanya ang totoo o sabihin kong nasa classroom ako. Baka kasi bigla nalang niya akong puntahan. Ayokong ma-issue.

"Uhm, nasa klase bakit?"

Tumawa siya sa kabilang linya. "Nice try, Chisa. Pero kitang-kita kita mula dito sa kinatatayuan ko." Napalinga tuloy ako sa paligid ng wala sa oras. Shit.

"Stay where you are, Hyden." Banta ko sa kaniya. "Gusto mong mag-usap tayo? Heto, nag-uusap na tayo." Geez. Ayokong may makakita na magkasama kami ni Hyden. I hate issues at baka nasa loob lang rin ng campus ang girlfriend niya.

"Chisa, let's talk somewhere else. I want to say this in person," Somewhere else talaga? Baka sa hotel na naman kami mapupunta. Ayoko ng mangyari yun.

"Through phone call na tayo mag-usap. Ang sagot sa tanong mo kanina sa text ay no, not, nope." Ayokong banggitin ang pregnant word dahil baka may makarinig. Marami pa namang estudyante sa paligid. Nakakahiya.

"Your not pregnant? How did you know?" Tumaas ang boses niya sa kabilang linya.

"I got myself checked." Naglakad ako patungo sa malapit na bench. Iilan lang naman ang tumatambay kaya okay lang.

"How sure are you that it is accurate? Paano pag nagkamali? Kailangang ma-check ka ulit." Napa-irap ako sa inasal niya.

"I got checked twice," Bakit ba ang kulit niya? Hindi nga talaga ako buntis. Tatlong clinic pa nga ang pinuntahan ko para lang makasiguro. Katawan ko to e. Talagang madi-disappoint si Mama kapag nalaman niya na nabuntis ako. I promised to be good habang wala siya.

"Pupuntahan kita dyan sa bench, ngayon din."

Napatayo ako ng wala sa oras sa sinabi niya. "No! Wag na, please. Ayokong ma-issue. Baka makita tayo ng kakilala mo o kakilala ni Samantha. May girlfriend ka, Hyden."

"She's not here."

"No, kahit na. Napag-usapan na natin to." Tumahimik siya sa kabilang linya. "Stop texting or calling me." Tinapos ko na ang tawag at umalis na sa bench. I can't risk myself. Bawal kami ni Hyden. Hindi kami pwede.

Sa last minor subject ko, classmate ko ulit si Morie pero hindi na ako tumabi sa kanya o nakipag-usap ni kanino. Pumasok naman ako para mag-aral, hindi makipag-chickahan. Don't talk to strangers nga ang bilin sa akin ni Leandro e.

Hay. Paano ko makikila 'tong mga stranger na kaklase ko kung hindi ko sila kakausapin? Makitid rin pala ang utak ng angry bird na yun.

"Wait for me at the parking. I'll be there in 3 minutes," Tingnan nga natin kung darating ba siya within 3 min. Malayo-layo pa naman ang ED building sa Parking lot.

But to my surprise, dumating nga on time si Leandro. Siguro lumipad to e. Ginamit niya ang pagiging ibon niya. "Exactly 3 minutes, huh?"

"I'm a man of my word." Mayabang na sabi niya.

"Really? Tingnan natin sa susunod na mga araw."

Tumawa na naman si Leandro. "I'd like to see you surprised,"

"Sus, mayabang," Umismid ako sa kanya. "Nga pala. Ano na? May nabingwit ka na bang girlfriend?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"I had my eyes on this particular girl," Sagot niya na naka-fucos ang tingin sa harap.

"So, wala ka na palang mata ngayon? Kawawa ka naman,"

Sinamaan niya ako ng tingin. "I had my eyes on her but she has her eyes on someone else," Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. He is serious!

"Uy, kawawa ka naman pala. Hanap ka nalang ng ibang babae bukas. First day pa naman ngayon." Tinawanan ko siya.

"I can't do that. I'm committed to her,"

Napanganga na talaga ako sa kanya. "Seriously? Kakakita mo lang sa kanya, committed ka na agad? Sinong niloko mo, angry bird?"

"What?" Natampal ko ang sariling bibig. Shit. Nasabi ko talaga yun? Pahamak talaga tong bibig ko.

"I mean. Sinong niloko mo, si angry Bird? Ganun yun."

"Silly." Huminto na ang kotse niya sa parking lot.

"Atleast, hindi katulad mong biktima ng one-sided love!" Nag make-face ako sa kanya saka nauna nang lumabas sa kotse. Mas malayo sa kanya, mas mabuti. Baka bugahan ako ng apoy kapag napikon yun.

--

A very late update since I got real busy lately. Peace. Anyway, I would really appreciate your votes in every chapter of this story. It motivates me to write more chapters. Thank you so much for reading!

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon