CHAPTER 21

120 28 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 21

"Siguro naman, pwedi na nating pag-usapan ang mga bagay na dapat nating pag-usapan?"


"Chisa," Magkatabi kaming nakaupo sa damuhan habang tinatanaw ang city lights sa baba. Pinasuot niya sa akin ang hoodie niya at pinasandal ako sa balikat niya.

"Di mo alam kung saan mo sisimulan?" Muli akong nagsalita nang hindi siya umimik. Mahirap ba talagang ipaliwanag sa akin ang lahat? "Sige. Magtatanong nalang ako at gusto kong sagutin mo ang lahat ng tanong ko."

Hindi pa rin siya umimik. Kung di lang 'to seryosong usapan, kanina ko pa binatukan ang isang 'to. Kanina sa kotse ang daldal niya tapos ngayon ayaw na umimik.

"So, ano ba talaga ang score niyo ni Samantha? Nasaan siya ngayon? Why did you said you love me when you have her? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Ano ba talagang gusto mo, Hyden?"

Hinaplos niya ang buhok ko. "Ang dami mo namang tanong."

Di ako makapaniwala sa sagot niyang yun. "Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Sasagutin mo ang mga tanong ko o sasagutin mo ang mga tanong ko?"

Bumuntong-hininga siya. "Alright, makinig ka." Nakatingin lang ako sa harap habang hinihintay ang paliwanag niya.

"It all started when my mom died 5 years ago," Humina ang boses niya. "She died because of dad's business... it's a business rivalry thing. After that, my dad acts like he didn't care for me and focused on his hoes and business. Wala akong pakialam sa buhay niya at wala rin siyang pakialam sa buhay ko... it's a good thing..."

"So I go on parties... and one night, I was drunk but I drove my car like wasted and I hit something on the road...I don't have any idea what it was...when I checked it out, it was girl. She was lying on the ground and I saw blood everywhere."

Napatakip ako ng bibig. "Oh my God, namatay ba siya?"

"No. She's alive... but she has bone fractures all over her body. Her face was ruined. She literally went insane when she woke up... but my life got really fucked up when we knew that it was the daughter of dad's rival..."

"Anak ng rival ng dad mo?"

Tumango siya. "Samantha was a daughter of dad's business rivals. Well, marami naman silang rival ni dad but Sam's dad was a bigtime business man."

"Oh, si Sam pala yun?" Lagi ko pa naman siyang sinasali tuwing magkaaway kami ni Hyden. I didn't know she was a victim.

"The thing is, okay na ang fractures niya sa katawan...kung titingnan mo siya, everything was fine but not her face... she didn't get a surgery. I don't why but maybe she was insane and...

"...she wants to marry me."

Dun na nanlaki ang mga mata ko. "She wants to marry you?"

Tumango si Hyden. "Yes and both of our dads sign a contract of partnership for their businesses since we're goin" Rinig ko ang buntong-hininga niya. "and I had to do it..."

"Are you married already?" Di ko mapigilang itanong yun. Kung sakaling oo, aba ako pa naging kabet, saklap naman.

Hindi ko inaasahang yakapin niya ako. "Nope...and I only want to marry the girl that I love, want, need...

and it's not her."

Kahit anong pilit ko na pagaanin ang loob, wala pa ring nangyayari. Kung si Hyden ipapakasal kay Sam, I don't wanna assume that Leadro and I will do the same. Kakausapin ko na talaga si dad about Leadro at sana talaga, pinabantayan niya lang ako kay Leandro... not to the point na ipakasal kami.

Gusto ko pa sanang itanong kung ano ba talaga ang score namin ni Hyden. Ano ba talaga kami... pero parang hindi pa ngayon ang tamang panahon at hindi pa rin talaga ako handa dahil gulong-gulo pa ako sa buhay ko.

Call me a coward but that's what I feel.

After hours of admiring the city lights, napagpasyahan na rin naming umalis kasi lumalalim na ang gabi.

Shit. Baka umuwi na si Leandro at wala pa ako dun. But then, it doesn't matter. Buhay ko naman 'to.

"Kailan lang kayo nagsama ng Lander na yun?" May himig ng pagseselos ang boses niya.

"Since bakasyon?" Napangiwi naman siya sa sagot ko.

"Is he your boyfriend?" Tumalim ang tingin niya sa gawi ko kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

"It's complicated," Komplikado naman kasi ang lahat e.

"Complicated? Did you two..." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"No! Anong klaseng tanong yan?"

Napangisi naman siya sa sagot ko. "Wag kang magkakamaling magpadala sa lalaking yun," Napasinghap ako nang dumapo ang kaliwang kamay niya sa hita ko. "Ano ba, mag focus ka sa pag ddrive,"

"Akin ka lang..." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Ako lang ang mag ddrive sayo." Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Umayos ka nga dyan," suway ko sa kaniya pero tumawa lang siya at kahit inilalayo ko ang kamay niya sa hita ko, ibinabalik niya pa rin yun.
"Sige ka, mababangga tayo."

"Sinasabi ko sayo Hyden, umayos ka sa pag ddrive." Patingin-tingin kasi siya sa akin, e maraming sasakyan sa daan.

"Just let me hold you, okay?" Sa huli pinabayaan ko nalang talaga ang kamay niya. Kanina pa nga ako hindi mapalagay kasi ang likot ng kanang kamay niya habang yung kaliwa ang nagmamaneho.

Akala ko talaga ihahatid niya lang ako sa unit ko pero nabigla ako nang binuksan niya ang kabilang unit na nasa tapat ng unit ko. "Wag mong sabihing diyan ka na nakatira?"

"I already told you, Chisa. I live here sweetheart... so feel free to come and visit me anytime." Kumindat pa siya sa akin. Bago pa ako madadala sa kaniya, pumasok na ako sa loob ng unit ko.

Pagpasok ko naabutan ko si Leandro na umiinom ng juice sa couch. "It's so late, where have you been?"

"Kumain ng dinner sa labas," Nilagpasan ko siya.

"With who?"

"With Juniper..." Pumasok na ako sa loob ng kwarto bago pa madagdagan ang kasinungalingan ko.

I'm sorry Leandro. 

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon