(25)

665 39 10
                                    

CHAPTER 25

3RD PERSON's POV

GREY looked at the clock on the wall. Ilang minuto na ang nakalipas magmula noong umalis ang asawa sa kan'yang opisina subalit hindi pa rin ito bumabalik.

Ang tagal naman nito?

Nakikipagk'wentuhan pa ba ito sa mga empleyado niya?

Itinigil niya ang pagpirma sa mga papeles na nasa harapan matapos maalala ang nangyari kanina. Noong muntik na silang mabangga.

Now that he thinks about it, his wife was driving fine.

She's in the right lane but the car that almost bumped into them suddenly overtake their lane. Inunahan sila nito tsaka sila sinalubong.

His eyes widened nang mapagtanto na hindi iyon kasalanan ng asawa. Na hindi aksidente ang nangyari kung hindi sinadya. Besides, nakakapagtaka na hindi huminto ang mga ito.

“S-shit!” Nasambit niya nalang.

Ibig sabihin ay kung hindi naiwas agad ng asawa ang sasakyan nila ay paniguradong nadisgrasya na dapat sila kanina.

Bigla siyang kinabahan. Hindi siya mapakali sa kinauupuan at mabilis nalang siyang napatayo nang maalala ang kape at cake na idineliver sa kanila na ang sabi ay galing daw sa kan'yang magulang but isn't it strange?

They didn't inform his parents that he'll go back to work. So, how did they know that he's here if those foods are really from them? And why did they only ordered for one person?

Imposible naman na ang asawa niya ang nagsabi sa magulang na bumalik na siya sa trabaho because there's no way that they will only order one if they knows that he's with his wife. At kung hindi rin siya nagkakamali ay ube ang flavor ng cake kanina and neither her or heaven is fond of it so isn't it strange that his mother who knew what they don't like to eat would ordered that for them?

Doon palang ay may mali na.

Wala na siyang sinayang pang oras at kahit masakit pa rin ang paa ay nagmamadali siyang lumabas sa kan'yang opisina at hindi na ginamit pa ang saklay dahil magiging sagabal lang iyon sa paglalakad niya nang mas mabilis.

Lakad-takbo na ang ginawa niya habang kagat-kagat ang labi. Pilit niyang tinitiis ang kirot ng paa. Ang mahalaga sa kan'ya ngayon ay makita ang lagay ng asawa.

Sigurado siyang may mali sa kape at cake na 'yon. Pero sana nga ay mali siya. Sana hindi iyon kinain ng asawa.

Masama na kung masama pero hinihiling niya na kung tama man ang kutob niya ay sana naibigay na iyon ng asawa sa kan'yang empleyado.

Gamit ang pader na ginawa niyang alalay ay nakarating siya sa p'westo ng mga empleyado.

“Eav!” Agad niyang sambit matapos buksan ang pintuan ng kinalalagyan ng mga ito dahilan para lahat sila ay mapatayo?

“Sir? H-hala! Bakit po hindi niyo ginamit 'yong saklay niyo sir? May problema po ba si—”

“Ang ma'am niyo? N-nakita niyo ba? Did she went here?” Pagputol niya sa sinasabi ni June. Isa sa bakla niyang empleyado.

“Huh? Hindi naman po nagawi rito si ma'am, sir. Hindi ba po kayo ang magkasama kanina? Baka po nasa restroom siya sa floor niyo, sir.”

“Right...” He didn't checked the restroom.

“Thanks.” Tinalikuran niya na ang mga ito at muntik pa siyang matumba pero mabuti nalang at mabilis niyang natukod ang palad sa may glass door.

Nilapitan naman siya ng mga empleyado.

“Kailangan niyo po ba ng tulong, sir? Or kunin po namin 'yong saklay niyo?”

Ceo's Hated Wife's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon