CHAPTER 27
3RD PERSON's POV
IT only took 3 minutes and 20 seconds for Venus to call back after Nevaeh asked her for a favor.
Her skill is really incredible. It's such a big help to them.
“I already deal with it. What's your next plan?” Bungad nito matapos niyang sagutin ang tawag.
“Well, find the mastermind behind those bastards, of course.” Simple niyang sagot as she clenched her fist, tightly.
“Hmm...Do you want me to help you find them?”
“No need. I already assigned your subordinate with that job. Just take a rest.” Sagot niya.
Ayaw niya naman na istorbohin pa ang kaibigan. Parati na lamang siyang humihingi rito ng tulong. She's indebted to her already.
“Okay. If you say so.”
“I'll end the call now. Thanks for the help.” Pagpapaalam niya na rito dahil may kailangan pa siyang tapusin na mga papeles.
“Sure. Always welcome, my dear.”
Napailing nalang siya as she ended the call at bumalik sa may upuan ni Grey.
She started browsing and scanning what were written on the papers as she signed all the proposals that she finds beneficial to Grey's company. Hindi naman na bago sa kan'ya ang ganitong gawain because she's also a ceo in the company of her grandfather that was given to her and doing these kinds of things is a part of her job there.
Lumipas ang ilang minuto na kalaunan ay naging oras na rin dahil sa tambak na gawain ni Grey na agad namang napabalikwas ng bangon matapos maalimpungatan at maalala ang tungkol sa trabaho nito.
Napamura nalang siya matapos mapagtanto na nakatulog pala siya. Ang sabi niya sa sarili kanina ay ipapahinga niya lang ang mata e.
Kinusot nito ang mata tsaka agad na hinanap ang asawa na nakita niya namang sobrang focus ang atens'yon sa mga papeles na kaharap.
Umawang naman ang kan'yang bibig habang nakatitig dito. Seryoso ang mukha nito and by the way his wife handles the paper and played with the pen with her fingers, she looks like a CEO herself.
Idagdag pa ang reading glasses na suot nito. He can't help but finds her cool and attractive.
Nang maramdaman ni Nevaeh na may nakatitig sa kan'ya ay agad itong napatingin sa kan'yang direks'yon at nang magtama ang kanilang paningin ay ngumiti ito.
“You're awake. Did you have a good rest?” Sambit nito subalit hindi siya agad nakasagot.
Pakiramdam niya'y biglang tumigil ang oras. Hindi maalis sa kan'yang isip ang nakangiti nitong mukha. Para iyong itinatak sa paningin niya. He can't even think properly at this moment. Nabablangko siya.
Isinalansan ng maayos ni Nevaeh ang mga papeles na napirmahan bago ito tumayo sa kinauupuan tsaka lumakad palapit sa kan'ya subalit hindi pa rin siya nakababalik sa kan'yang wisyo.
Natauhan lamang siya nang huminto ito sa kan'yang harapan at bahagyang yumuko at hinawakan ang baba niya.
“Your mouth darlin'. Baka Pasukan ng langaw.” Sambit nito kaya agad niyang naitikom ang bibig as his face and ears turned red.
Binawi naman nito ang kamay tsaka siya pinagmasdan pero iniwas niya ang tingin.
Ano ba'ng ginagawa niya? He looks like a fool. Parang gusto niya tuloy magpakain ngayon sa couch na kinalalagyan o 'di naman kaya ay suntukin ang sarili niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/342120527-288-k529564.jpg)
BINABASA MO ANG
Ceo's Hated Wife's Secret
ActionAng asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?