(38)

635 46 13
                                    

CHAPTER 38

3RD PERSON's POV

NAPALUNOK nalang si Nevaeh habang nakatuon ang mga mata kay Grey na ngayon ay palapit na sa kanilang direks'yon.

Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa mga oras na iyon. Ibang klase talaga.

Si Grey lang ang kayang magpakaba sa kan'ya ng ganito. Si Grey na isa lamang ordinaryong tao.

Pilit niyang itinago ang kaba habang iniisip niya kung anong palusot ang sasabihin sa oras na makalapit ito sa kan'ya at magtanong.

Nasa kalignaan siya ng pag-iisip ng idadahilan nang matigilan siya dahil saktong pagtapat ni Grey sa kan'ya ay bigla nalang nitong sinapak ang lalaki na nasa may gilid niya.

Nang matauhan siya sa ginawa nito ay agad niya itong pinigilan nang akmang susugurin pa nito ang nagulat na lalaki na napaupo nalang sa sahig habang dumadaing at sapo-sapo ang dumurugo nitong ilong.

“A-ANONG PROBLEMA MO?!” Galit na asik nito kay Grey na matalim lang naman itong tiningnan.

“It's my WIFE whom you're trying to touch, you ASSHOLE.” May diin naman na sagot ni Grey na nanlilisik din ang mga mata ngayon.

Natigilan naman ang lalaki subalit kalaunan ay suminghal din ito tsaka banas na tumayo.

“Bakit ba kasi hinahayaan mong pumunta rito ang asawa mo huh!? Tapos ngayon ay magagalit ka!” Maangas na singhal nito kaya napasinghal din si Grey na hindi nagustuhan ang sinabi ng lalaki.

“Ano naman sa 'yo? Look here, BASTARD. Hindi ikaw ang magsasabi kung saan pupunta ang asawa ko, NAIINTINDIHAN MO? Huwag mo ring ISISISI sa iba ang kawalan mo ng respeto dahil unang-una sa lahat ay wala kang karapatan na bastusin ang kahit na sino lalo na kung alam mong hindi naman interesado sa 'yo 'yong tao!” Mahabang litanya ni Grey tsaka itinulak ang balikat ng lalaki na hindi naman makapaniwalang suminghal bago tinabig ang kamay niya at pumaywang.

“Ha! Paano mo naman nasabi na hindi interesado sa akin ang asawa mo huh?” Nanggigigil na sambit ng lalaki na halata mo sa mukha ang galit dahil napapahiya na ito.

“Paano mo rin naisip na posibleng interesado siya sa 'yo huh? Pero sige. Kung curious ka ay bakit hindi ka tumingin sa salamin? Nang makita mo ang sagot sa tanong mo. Pero kung ayaw mo sige, sasabihin ko na. Hindi mahilig sa PANGIT ang asawa ko. In short, ang PANGIT MO! Mukha kang BLOBFISH!”

Palihim na natawa ang mga tao roon na malapit sa kanila. Mabuti nalang at maingay pa rin sa paligid nila gawa ng tugtog na hindi naman pinatay ng DJ kaya hindi sila rinig ng karamihan na sa palagay ni Nevaeh ay busy pa rin sa pag-usyoso sa kabilang banda dahil mukhang hindi pa rin tapos ang gulo ng mga kaibigan ni Grey doon.

Luminga nalang siya sa kanilang paligid.

Naagaw na pala nila ang atens'yon ng ilang malapit sa kanila kaya ngayon ay pinapanood na ng mga ito ang nangyayari.

Napaatras naman ang lalaki na nasapo nalang ang dibdib dahil sa sinabi ni Grey.

Mukhang na-offend ito sa sinabi ng asawa. Pinanlakihan pa nga nito ng mata ang mga nakatingin sa kanila at palihim na bumubungisngis.

Even her, almost laugh. Mabuti nalang at agad niyang napigilan ang sarili kaya peke nalang siyang napaubo.

“A-aba—GAGO ka ah! Ang sakit mong magsalita!” Sigaw ng lalaki kay Grey na hindi naman nagpatinag.

“I'm just telling the truth. Ang tanda mo na pero wala ka pa ring pinagkakatandaan!” Matapang pa ring sambit ni Grey.

Right. Ang lalaki kasi ay mukhang nasa edad 50 na. Although, mukhang mayaman ito dahil sa ilang ngipin nito na gawa sa ginto. Marami rin itong alahas sa leeg at mga daliri.

Ceo's Hated Wife's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon