(36)

718 30 15
                                    

CHAPTER 36

3RD PERSON's POV

NAPABUNTONG-HININGA nalang si Nevaeh na kasalukuyang papunta sa sala. Katatapos niya lang kasing maligo.

Napahinto siya sa akmang pagbaba sa hagdanan matapos makita si Grey na nasa sala at nanonood ng tv.

Hindi niya naman naiwasan na hindi ito titigan at naalala niya naman ang ginawa nitong pagtawa kanina.

His laughs was like a music. It was captivating.

He looks peaceful.

Isn't it good?

Epektibo ang ginagawa niyang pagpapanggap bilang si Heaven para sa pagbalik nito ay maayos na ang relas'yon nila ni Grey. Pero...

‘Pagpapanggap nga lang ba talaga ang lahat?’

What she always wanted is for Heaven to come back already so that she can go back as well to her real life but why is the thoughts of Heaven taking back her place sounds unpleasant?

Ikinuyom niya nalang ang kamao tsaka iyon inalis sa kan'yang isipan.

She must not forget her place.

Tuluyan na siyang bumaba ng hagdanan at tumabi kay Grey sa couch at napalingon naman ito sa kan'ya.

“What? Starstruck with my beauty?” Ngising aniya at ngumiwi naman ito.

“Saan ba nanggagaling ang kahambugan mo?” Sambit nito at itinuro niya naman ang mukha.

“Where else? My face of course.” Kaswal niyang sagot at mas lalo naman itong napangiwi.

Iniwas nalang ni Grey ang tingin sa asawa. Well, maganda naman talaga ang asawa. Even with those eye glasses ay hindi maikakaila na may maipagmamalaki ito pero s'yempre, hindi niya 'yon sasabihin dito. Baka mamaya ay mas lalo pang lumaki ang ulo nito at maging hambog.

Natahimik na silang dalawa at tanging ang tunog nalang na nanggagaling sa kanilang pinapanood ang nagbibigay ingay sa kanilang paligid.

Hindi tuloy maiwasan ni Grey na hindi mailang. He feels nervous at malakas din ang kabog ng dibdib niya na as usual ay nangyayari kapag nandyan ang kan'yang asawa o 'di naman kaya ay kapag naiisip niya ito. Iba rin talaga kapag silang dalawa lang tapos wala silang ginagawa na makakaagaw sa atens'yon nila.

Hindi niya rin kasi ma-focus ang atens'yon sa pinapanood. But seriously, he don't dislike that his wife is here with him. Na naupo ito sa tabi niya although, nasa magkabila silang dulo ng couch. Mabuti na nga lang at medyo malaki ang pagitan nila sa isa't isa kaya sigurado siyang hindi nito maririnig ang mabilis na pagpintig ng puso niya.

Pasimple niya itong sinilip but to his surprise ay nakita niya ito na titig na titig sa kan'ya. She looks so serious yet those stares seems to be drowning him. Para siyang nalulunod sa mga tingin nito.

Kanina pa ba ito nakatingin sa kan'ya?

Mabilis niyang iniwas ang tingin as he shook his head. Baka kasi mamaya ay namamalikmata lang siya but when he glanced at her again ay nakatitig pa rin ito sa kan'ya.

He already caught her earlier yet she still didn't take away her gaze. Is she teasing him?

“S-stop staring!” Asik niya rito nang hindi na makatiis pa.

Nilingon niya na rin ito at ngumisi naman ito na akala mo'y hindi niya ito nahuli na nakatitig na naman sa kan'ya.

“Then stop glancing.” Kaswal na sabi nito kaya sinamaan niya ito ng tingin.

Ceo's Hated Wife's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon