CHAPTER 7
GREY's POV
IKINUYOM ko ang kamao habang hilaw na nakangisi. I'm inside of my car here in the parking lot of my company.
I feel guilty. Yes, I am.
I closed my eyes nang maalala ang ginawa ko kanina. I didn't mean to push her and hurt her but....I DID.
Palagi nalang na mas nangingibabaw ang galit ko sa tuwing nakikita ko siya.
“What the hell am I doing...?”
Hindi ko na alam sa totoo lang.
I want to apologize. I want to take care of her earlier after i pushed her but my body did different.
She was hurt. Natapunan siya ng mainit na sopas and the only option I thought to help her without showing being concern is to poured a water on her. Para mabawasan ang hapdi sa braso niya.
I left. I left her in that state because I feel like if I stayed there any longer ay bibigay ako. Bibigay na naman ako sa kan'ya. Sa mga pagpapanggap niya.
Na ako na naman 'yong t*nga na uunawain na naman siya. Na aasa na naman na p'wede pa kaming magkaayos at maging masaya
Heaven is my childhood friend. Bata palang ay magkakilala na kami at palaging magkasama dahil na rin sa Bestfriend ang magulang namin.
See? From the start we are destined for each other. Nakatakda na dati palang na kami ang magiging mag-asawa. She was 15 when I courted her. Sinagot niya 'ko noong 18th birthday niya. We became in a relationship. She became my fianceé and I became her fiancé. Ilang taon din kaming nagsama. But one month before our wedding I found out her secret. I found out that she's actually in love with someone else. She's cheating behind my back.
She has been seeing a guy named Angelo. Someone she met and became friends with since three years ago.
She mentioned him once to me na 'kaibigan' niya raw pero 'Ka-IBIGAN' pala.
It was our 8th anniversary. 8 years matapos maging kami. Sa mismong anniversary namin ay nalaman kong niloloko niya lang ako.
1 week before our anniversary ay nasa ibang bansa ako dahil sa mga business meeting na kailangan kong puntahan. Puno ang schedule ko ng buong week. It was sunday, sakto na kinabukasan ay anniversary namin kaya naman walang pahinga-pahinga ay agad akong dumiretso sa private jet ko upang makauwi na. Take note. Lumipad agad ako pagkatapos MISMO nang last meeting na pinuntahan ko nang araw na 'yon.
Tomorrow is our anniversary at mahalaga sa 'kin 'yon higit sa kung ano pa man.
Habang nasa flight ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko. I told them that I am planning to surprise Heaven at bilang mga supportive na kaibigan ay sila na ang bumili ng bulaklak, cake at iba pang pagkain.
Nang makababa sa lupa ay agad akong humanap ng bilihan ng bulaklak. Alam ko naman na mayro'n siyang mga bulaklak since she has a flower shop dahil hilig niya ang mga bulaklak but I still want to buy her one and give it to her.
I also bought her chocolate since she loves sweets tsaka ako sumakay sa kotse nang mga kaibigan ko na sinundo ako.
Hindi na 'ko bumili ng regalo pa dahil may napagawa na 'ko. Unang dating ko palang kasi sa ibang bansa ay nagpasadya na 'ko na magpagawa ng necklace at ang heart na pendant no'n ay may picture naming dalawa sa loob.
I called her and asked where she is para naman makasigurado na hindi papalpak ang surpresa ko at ang simple niyang sagot ay nasa, “Flower shop.” Nandoon daw siya.
Mukha pa ngang nagmamadali siya dahil hindi pa man ako nakakapagsalita ulit para batiin siya ng happy anniversary ay nagpaalam na siya dahil marami raw siyang customers.

BINABASA MO ANG
Ceo's Hated Wife's Secret
AçãoAng asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?