(30)

660 30 15
                                    

CHAPTER 30

3RD PERSON's POV

NAPALUNOK ang dalawang lalaki na ngayon ay namumutla. Bakas ang takot at pagkabahala sa mukha ng mga ito and seeing their reactions, Nevaeh felt relief dahil mukhang hindi mafia ang mga ito na ipinadala ng kan'yang mga kaaway.

Ibig sabihin lang no'n ay wala pa rin sa mga kaaway niya sa mundo ng mga mafia ang nakakaalam sa kung ano ang kasalukuyan niyang ginagawa at kung nasaan siya ngayon which also means ay hindi niya pa nailalagay ang buhay ni Grey sa kapahamakan and she doesn't need to leave his side yet.

Napailing nalang siya. Why did she suddenly felt unpleasant when she realized that she'll have to leave his side once that happened? When it was already decided from the start.

She shook her head as she stared again on the two assholes.

Matangkad lang ng kaunti sa kan'ya ang mga ito and there's really nothing special about their looks or aura. They even looked too ordinary kaya siguro sila ang ipinadala to get Grey since it will avoid suspicions and without a doubt, these bastards were sent again by Grey's enemies in business.

“How annoying...” Naibulong niya nalang as they kept on appearing.

But well, pabor naman iyon sa kan'ya dahil hindi niya na kailangan pang isa-isahin na hanapin ang mga ito dahil sila na mismo ang kusang nagpapakita sa kan'ya. Besides, magpakita man sila o hindi ay iisa lang naman ang kahahantungan nila at iyon ay walang iba kung hindi  KAMATAYAN. Since, the moment they chose to go against Grey, their grave was already prepared for them to occupy in advance.

Sinenyasan niya ang mga ito na sumugod na sa kan'ya since they are wasting her precious time for too long.

Tsk!

Bakit ba kasi ang daming paepal at hadlang ngayong araw sa kan'ya? Kanina lang ay maganda ang kan'yang mood subalit dahil sa mga ito ay pumangit iyon.

But well, thinking that she'll be able to see blood again after a long time of not seeing one. It made her smirks like a devil who's excited to see it leaves their lifeless body.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Paniguradong nagtataka at naguguluhan ang mga ito kung bakit tila normal lang sa kan'ya ang pumatay. Kung bakit iba siya sa pagkakarinig nila na siya. Kung bakit tila isa siyang professional pagdating sa pakikipaglaban dahil wala ka man lang mababakas na kahit katiting na takot sa mukha niya.

Nag-alangan tuloy ang mga ito na sumugod sa kan'ya but they also have no plan to run away.

Nanghihinayang kasi ang mga ito sa pera na ibabayad sa kanila ng kanilang amo sa oras na magtagumpay sila sa kanilang trabaho. Isa pa, paniguradong sila ang mayayari kung hindi nila tatapusin si Grey kaya naman balak nila na kunin ang asawa nito at gamitin bilang pain upang mapalabas nila si Grey sa lungga nito.

Hindi kasi sila makapasok sa loob ng kompanya nito dahil tanging ang mga may ID o appointment lamang dito ang pinapapasok ng g'wardiya at kahit pa makapasok sila ay mahihirapan din sila na patayin si Grey dahil paniguradong mahuhuli lang sila at hindi naman 'yon p'wede 'no.

Ayaw nilang mabulok sa kulungan kahit na ito sila ngayon at gumagawa ng bagay na maaaring maging dahilan para mangyari 'yon.

Well, hindi naman sila nababahala tungkol doon since kailangan lang naman nila na mag-ingat. Isa pa, mukhang tagumpay na sila dahil palagay naman nila ay hindi naman sila mahihirapan na kunin ang asawa ni Grey at gamitin ito para si Grey na mismo ang palapitin sa kanila nang sa gano'n ay walang sabit nila itong mapatay.

Mabuti nalang talaga at aksidente nilang nakita ang asawa nito sa labas at namukhaan dahil binanggit ito ng kanilang 'amo' at ipinakita rin ang larawan nito sa kanila nang utusan sila nito na iligpit si Grey dahil napakalaking sagabal ng lalaki sa paglago ng kanilang negosyo.

Ceo's Hated Wife's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon