CHAPTER 33
3RD PERSON's POV
INIHINTO ni Salamander ang kanilang sasakyan sa tapat ng isang bahay na malayo sa ibang kabahayan. Hideout kasi ito ng dalawang lalaki na kasama no'ng lalaki na pinatay ni Nevaeh sa kompanya ni Grey kaninang umaga.
Dito kasi natagpuan nila salamander ang sasakyan ng mga ito kaya sigurado rin siyang narito ang mga stupido.
‘They are really stupid, aren't they?’
Akala ba talaga nila ay hindi niya sila mahahanap? They are too careless. Hindi man lang sila nag-effort na magtago at magpakalayo-layo.
Well, understandable. After all, they do not know what she's capable of doing dahil kung alam nila, they won't even think of messing with her in the first place.
She went out of their car dala ang katana na matagal niya na ring hindi nagagamit.
These bastards didn't directly harm grey but they are an accomplice so they don't deserve a painless and quick death.
“Be careful, master.” Pahabol ni Salamander kaya napailing siya.
“You're spouting a joke, salamander. But thanks.” Aniya tsaka ito tinalikuran.
Pareho naman kasi nilang alam na hindi siya mapapahamak. So, there's no need for him to worry.
Kagaya ng nakasanayan ay walang tunog ang bawat paghakbang niya na tila isang multo.
She stopped in front of her target's door at mula roon ay dinig niya na agad ang pagtatalo ng dalawang tao na nasa loob.
“Paano na tayo ngayon n'yan? Hindi natin makukuha 'yong buong bayad!”
“Ayon pa talaga ang iniisip mo? Paano naman 'yong nawaldas na natin na paunang bayad huh?!”
“Tangina naman kasi! Bakit hindi na lumabas si Ador? Nahuli ba siya? Wala man lang paramdam!”
“Punyeta talaga! Anong ibabayad natin kay Henry ngayon?”
“Bayad? Pumalpak na tayo. Alam na rin natin ang balak nila. Paniguradong ipapaligpit na din nila tayo!”
“Manghingi kaya tayo ng isa pang pagkakataon?”
“Huwag ka ngang tanga! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Tsaka sige nga, kung pumayag siya, sinong papatay sa Grey na 'yon? Ikaw? Ako? Eh, sa ating tatlo ay si Ador lang naman ang magaling pagdating sa pagpatay!”
“Edi tumakas na tayo!”
“Saan naman tayo pupunta? Naubos na natin 'yong pera na ibinayad ni Henry!”
“Hintayin nalang natin si Ador dahil kung mahuli man siya ay paniguradong makakatakas 'yon. Si Henry nalang din ang patayin natin tapos nakawin natin 'yong pera niya.”
“Tanga! Madali nga lang 'yon gawin dahil nakakalapit tayo sa kan'ya pero hindi mo ba alam? May koneksyon 'yon sa mga mafia! Gusto mo ba na ma-hunting ng mga mafia? Matorture pagkatapos mahuli?”
“Tangina talaga!”
Tumaas ang sulok ng labi ni Nevaeh dahil sa mga narinig.
Kung gano'n pala ay hindi rin basta-bastang tao si Henry Lu. But what mafia organization is he involved to? Well, it doesn't really matter because either way, it won't change the fact that he's destined to die in her hands kaya imbis na mabahala sa mga nalaman ay napangisi nalang siya.
BINABASA MO ANG
Ceo's Hated Wife's Secret
ActionAng asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?