(39)

426 27 6
                                    

CHAPTER 39

3RD PERSON's POV

NAPABUNTONG-HININGA nalang si Nevaeh habang nakapamulsa itong lumalakad palapit sa direks'yon nila Anthon na bakas ngayon sa mukha ang pagkabahala dahil sa kanilang sitwasyon.

Nalaman ni Anthon mula kay Marco na bigla nalang daw binatukan ang mga ito ng mga lalaki dahil sa kanila parating lumalapit ang mga babae roon.

Hindi naman na 'yon nakapagtataka pa dahil medyo nakakatakot ang itsura ng mga lalaki. Matatangkad kasi ang mga ito. Mahahaba pa ang buhok, may bigote, tapos maskulado rin dahil mga naka-itim na sando kaya kitang-kita ang naglalakihan nilang mga braso.

In short, mukha silang mga gangster na hindi gagawa ng maganda.

Ngunit sa kabila ng mga iyon ay kaswal lamang na dumaan si Nevaeh sa pagitan ng dalawa sa mga lalaki tsaka ito dire-diretsong lumapit kayla Anthon.

Agad namang bumakas ang gulat sa mukha ng mga ito nang makita siya.

“H-heaven? What are you doing here? Go away, immediately!” Mabilis na sambit ni Anthon sa kan'ya.

Hindi naman siya kumibo.

“Oh, shit! Ba't ka nandito, Heaven? Hinahanap mo ba si Grey? Sa tingin ko ay nasa loob pa siya. Dali, pumunta ka na roon.” Sambit din naman ni David.

“Umalis ka nga rito! Hindi mo ba nakikita na hindi maganda ang sitwasyon namin? Gusto mo bang madamay?!” Inis na sambit naman ni Marco.

Although he dislike seeing his friend's wife ay ayaw niya naman itong mapahamak dahil sa kanila dahil paniguradong magagalit si Grey sa kanila.

After all, despite of not being a good wife ay alam nilang mahal na mahal ng kanilang kaibigan ang asawa nito kahit pa itanggi nito iyon.

“Hah! Hoy! Nakalimutan niyo na ba kami? Anong ‘alis’? Walang aalis! Ikaw babae! Maganda ka huh? Why don't you play with us?” Lumakad palapit sa kanila ang lalaki na mukhang pinakaleader ng mga ito kaya kahit natatakot sa posibleng mga mangyari ay mabilis na hinatak nila Anthon si Nevaeh at itinago ito sa kanilang likuran.

“Paniguradong bugbog tayo nito. Hindi bale, tanggap ko na. Sana lang ay hindi mapuruhan ang mukha ko. Sana rin ay hindi tayo gaanong magtagal sa hospital.” Ngiwing sambit ni David na tanggap na ang maaaring mangyari sa kanila.

Alam kasi nila na hindi sila mananalo but they'll at least take down some of these guys.

“Listen, Heaven. Bibilang kami ng tatlo tapos tumakbo ka na papunta ng sasakyan mo, okay?” Ani Anthon.

Hindi naman sumagot si Nevaeh at natigilan nalang sila Anthon when she suddenly pat their heads like they are some kids.

“You guys are nice,” Aniya tsaka lumabas sa likuran ng mga ito.

“I'll take care of it.” Kaswal niyang sabi at nanlaki naman ang mata ng mga ito.

“H-hey!” Agad na sigaw ng mga ito matapos niyang magsimulang humakbang palapit sa leader ng mga kaaway.

“T-take care of it? How will she do that?”

“Did she finally lost her mind?  Nababaliw na ba siya?”

Akmang susundan siya ng mga ito subalit mabilis siyang sumenyas na manatili nalang sila roon kaya napatigil ang mga ito.

“Natatakot ba siya ng husto kaya ginagawa niya 'to?”

“Magmamakaawa ba siya sa kanila?”

“Tsk! Why did she even approached us despite seeing our current situation? She's really stupid!”

Ceo's Hated Wife's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon