CHAPTER 12
NEVAEH's POV
NANG makarating sa tapat ng Headquarter ng SILGADO ORG ay agad akong bumaba sa motor ko't walang pasabi na sinapak ang dalawang lalaki na nagbabantay sa gate at palapit sa akin dahilan para agad silang mawalan ng malay.
Sinipa ko ang gate na agad naman bumukas kaya dire-diretso akong lumakad papasok doon at agad naman na naalisto ang mga naroon matapos akong makilala.
“Come at me and YOU'LL DIE.” Kaswal kong sabi at agaran namang nag-iwas ng tingin ang mga ito na akala mo'y hindi nila ako nakita.
Tsk. Ngayon ay patay malisya sila.
Wala man lang nagbalak na lapitan ako sa takot na totohanin ko ang sinabi ko sa kanila.
Nabahag na naman ang kanilang mga buntot kaya nagpatuloy na 'ko sa paglalakad tsaka huminto nang makarating sa pakay ko.
“Open the door,” Utos ko sa dalawang lalaki na nasa may pintuan ng building na HQ ng mga ito at nagkatinginan naman sila
“Don't make me say it twice; Otherwise, I'll repeat it with a knife already pierced in your heart.” Dahil sa sinabi ko ay hindi na sila nagdalawang isip pa at agad ng binuksan ang pintuan para makapasok ako.
“Good dog,” I spoke as I tapped their shoulders and gave them a chilling smirks bago ako nakapamulsang tumuloy sa loob.
I entered their place casually as if I am welcome there and I owned it.
“I'll give you 1 minute to bring the assholes who dared to hurts my people or else I'll consider all of you as the culprit.” Sambit ko subalit nagkatinginan lang ang mga naroon na mukhang walang mga ideya sa sinasabi ko kaya naman nagsimula akong magbilang.
“Fifty-seven,”
“Fifty-eight,”
“Fifty-ni—” Napahinto ako sa pagbibilang nang may biglang sumigaw
“I-ikaw! Ano'ng ginagawa mo rito?!” Napangisi nalang ako matapos makita ang pagbakas ng gulat at takot sa mukha nito nang makita ako
“So, you're one of them huh?” I walked towards him at napaatras naman siya
“Don't try to run away, you won't be able to escape from me.” Babala ko kaya ikinuyom niya ang kamao tsaka sumigaw at tumakbo pasugod sa akin
“Good.” Sambit ko tsaka humakbang patagilid at hinuli ang kan'yang braso tsaka iyon pinilipit papunta sa kan'yang likuran dahilan para mapahiyaw siya
Malakas kong sinipa ang likuran ng kan'yang tuhod at dinig ng lahat ang pag-crack ng buto niya roon kaya mas lalo siyang napahiyaw sa sakit but that's not yet the end of his suffering dahil binali ko rin ang braso niyang hawak ko bago ko siya marahas na binitawan kaya napaiyak siya't namilipit sa labis na sakit.
He's one of those four bastards that managed to escape from my men.
How did I know? It was because of his reaction after he saw me.
There are only 6 people I ordered to watch over Grey so it's no longer a surprise that these morons managed to escaped from them dahil kahit papaano naman ay may ibubuga sila but too bad, napakalayo pa nila para maabot ang kasalukuyan kong level.
Marami pa silang kailangan na pagdaanan para maging bihasa sa larangan ng pakikipaglaban pero sa kasamaang palad ay hindi na nila 'yon mapagdadaanan pa because the path they will walk through this night will be the way to hell.
I'll send them to that place by ending their useless lives.
“What the hell are you doing?!” Napalingon ako sa taong sumigaw at napangisi nalang matapos makita ang matandang si Albert na sa wakas ay nalaman na rin na naroon ako.
BINABASA MO ANG
Ceo's Hated Wife's Secret
AzioneAng asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?