(43)

784 55 46
                                    

CHAPTER 43

3RD PERSON's POV

NAPASULYAP si Angelo sa kasintahan na tahimik lamang sa kan'yang tabi subalit alam niyang sa loob-loob nito ay kinakabahan ito at hindi mapakali kaya naman pinisil niya ang nanlalamig nitong kamay na hawak niya dahilan para mapalingon ito sa kan'ya.

“It's fine. I'm here.” Pang-aalo niya rito at tipid naman itong ngumiti kasabay nang paghigpit ng hawak nito sa kan'yang kamay.

He look ahead of them tsaka agad na nagsalita matapos makita na nakarating na sila sa bahay na kasalukuyan nilang pinagtataguan.

“Sa tabi lang ho, manong.” Aniya sa driver ng taxi na mabuti nalang ay agad nilang napara kanina kaya nakalayo sila kay Grey.

Nang huminto ang taxi ay agad siya ritong bumaba tsaka pinagbuksan si Heaven ng pinto at inalalayan ito sa pagbaba.

Nang makabayad sa driver ay umalis na rin ito at napabuntong-hininga nalang si Angelo nang makita na kagat-kagat ni Heaven ang kuko ng hinlalaki nitong daliri.

Her mannerism everytime she's nervous or her mind is in a mess.

“H-he saw us...”

“G-grey saw us...” Tumingin ito sa kan'ya at agad na namutla.

“W-what if he tell it to my parents? W-what if they find us?” Agad niya itong sinalo nang akmang matutumba ito dahil sa panlalambot ng mga nangangatog na tuhod.

Natutuliro ito sa mga posibleng mangyari ngayon na alam na ni Grey na naroon lang siya at may iba ng kinakasama.

“P-paano kung ilayo nila ako sa 'yo? I-i can't leave without you. I-i don't want to be separated from you. H-hindi ko kaya!”

Nakagat ni Angelo ang ibabang bahagi ng labi tsaka niyakap ang nobya habang nakasubsob ang mukha nito sa kan'yang dibdib at mahigpit ang kapit nito sa kan'yang polo.

“Sssshh, sshhh, calm down. That won't happen. I won't let that happen.” Pagpapakalma niya rito dahil humahagulgol na ito ng iyak.

“No one will be able to take you away from me. I'll make sure of that. So, don't cry anymore, please? It hurts me seeing you like this.” He hugged her tightly to calm her down. To assure her that everything will be fine.

He know it was wrong. To take someone else's woman but he fell for Heaven. Isa pa, hindi naman mahal ni Heaven si Grey at hindi rin nito tatanggapin bilang boyfriend si Grey matapos nitong manligaw dito kung hindi lamang dahil sa mga magulang nila.

“Let's go inside. Malamig na rito sa labas.” Pinahid niya ang luha nito tsaka niya ito binuhat at ipinasok na sa loob ng bahay na tinitirahan nila.

He went straight to their room and carefully put Heaven down on their bed.

“Magpahinga ka na. Dito lang ako sa tabi mo. Magiging maayos din ang lahat. They won't find us here. I promise.” Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ni Heaven sa narinig.

“Thank you and I'm sorry for burdening you.” Sambit ni Heaven.

“What are you saying? You're not burdening me. Magkasama tayo rito, it's both our problem. Sige na matulog ka na. Goodnight, Love.” Sagot naman nito tsaka siya hinalikan sa labi kaya napangiti nalang siya tsaka ipinikit ang kan'yang mga mata habang pilit iwinawaksi ang mga bumabagabag sa kan'ya pero hindi iyon maalis sa isipan niya.

Sinubukan niya naman na mahalin si Grey that's why she gave him a chance to court her and eventually ended up accepting him as her boyfriend because she thought it will somehow work but it didn't. Hindi niya talaga magawa na ibigay ang puso rito. She can't also fully accept his love. Hindi niya talaga makita ang sarili na bubuo ng pamilya kasama ito.

Ceo's Hated Wife's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon