CHAPTER 1
NEVAEH's POV
NAPAMULAT ako ng mata matapos may maramdaman na tao sa paligid ko subalit agad din na napapikit nang salubungin ako ng sinag ng araw.
“Close it, Belle.” Utos ko sa disi-siete anyos na si Belle na naaninag ko sa tabi ng bintana matapos kong muling idilat ang mata habang nakaharang sa harapan ko ang braso upang hindi diretso na tumama sa 'kin ang liwanag.
Mukhang siya ang humawi sa kurtina ng glass window ko.
“Good morning madam! Tanghali na po, bumangon na kayo. Nakaluto na po si Tiya Betty.” Nakangiti niya namang sabi. Binaliwala ang utos ko kaya napailing nalang ako.
Sinunod ko ang sinabi niya tsaka ko ipinusod ang buhok. “What time is it now?” I asked
“Twelve na po sakto.”
“I see. Wala ba si Grey?” Tanong ko ulit na ang tinutukoy ay ang lalaking pinakasalan ko 3 months ago.
“Wala po si master grey. Maagang umalis kanina. Nagmamadali nga po e. Hindi po siya kumain.” Sagot niya kaya napatango nalang ako
He really hates seeing me huh?
I went down the bed tsaka tumayo at dumiretso sa banyo upang maghilamos.
Until now I still can't believe that I'm already married.
To someone who despises me—or should I say the 'REAL' Heaven?
Matapos makapaghilamos ay lumabas na 'ko sa k'warto ko sa third floor at dumiretso sa dining area. Malaki ang bahay namin ni Grey. Matatawag na nga itong mansion e. Tatlong palapag ang bahay at ako lang ang nasa third floor habang kay grey naman ang second floor at tungkol naman kay belle at Betty ay dito sila sa first floor natutulog.
Kapag nandito si grey ay bawal akong umalis ng third floor dahil paniguradong magagalit siya at pag-iinitan ako sa oras na mag-krus ang landas naming dalawa.
That b*stard hates 'Heaven' to the bone after all.
“Good morning,” Kaswal na bati sa 'kin ni Betty at tinanguan ko lang naman siya tsaka ako naupo at nag-simulang mag-sandok ng pagkain.
“Take a sit. Sabayan niyo 'ko.” Sambit ko
“We can't do that milad—”
“I'm not asking you, Betty. I'm ordering you and that means, you can't say no.” Putol ko sa sasabihin niya kaya yumuko siya
“My apologies, milady.”
“It's fine. Just sit down.”
Sinunod nila ang sinabi ko and I can't help but winced dahil kulang nalang ay kuminang ang mga mata ni Belle habang nakatingin sa 'kin.
“Ang bait mo po talaga madam!”
Bait huh?
Sino?
Siya?
Nakakatawa.
“Behave yourself in front of our lady, Belle.” Agad naman na saway sa kan'ya ni Betty
“Sorry po madam!”
“Okay. Just eat already.” Hindi na sila nagsalita pa kaya naging payapa ang tanghalian namin subalit naputol iyon nang tumunog ang cellphone ko kaya naman dinukot ko iyon sa bulsa ng suot na mahabang palda.
Tristan? Why is he calling me at this hour? I told him to contact me only at night.
Kunot na pinindot ko ang answer button tsaka ito hinintay na magsalita.

BINABASA MO ANG
Ceo's Hated Wife's Secret
ActionAng asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?