Anong era kayo mga bebe?:)
----------------------------------------------------------------------------------------------
Luhan"Shhh. Tahan na. Huwag ka ng umiyak, Asher." Pero kahit na anong sabihin ko, hindi pa rin sya tumitigil. I placed him on the matress. "Don't cry baby don't cry. It's my turn to cry." Namumula na sya kakaiyak, "Shh. Babalik naman si Tito Jongin eh. Maglalaro kayo ulit kaya 'wag ka na umiyak kundi, hindi na sya pupunta. Hindi ka nya dadalhan ng Chicken kapag umiyak ka. Ayaw nya ng iyakin. Kita mo na, ang panget mo na!"
"Chicken," He murmured.
Takaw talaga ng anak ni Kyunggie. Tingini. Hirap nito alagaan eh. Inaasar ako. Mag-ina talaga sila ni Kyung. Nasa dugo na ba? "Oo chicken. Maraming chicken so huwag ka na umiyak ah? Tetext nalang natin sya 'no? O ipapafollow natin sya sa FB o twitter o sa insta oki? Basta manahimik ka lang dyan bebe boy. Dito ka lang at bababa ako. Laro ka lang dito ha?" Sana mauto ko.
"Ano FB? Twittuh? Insta?"
"Site yun bebe boy. Marami tao dun, may chaka, may pogi at may feeling ganda na kung makaselfie wagas pa. Yung nanay mo wala nun kasi sa kweba namalagi yun. Ang alam lang ni eomma dudu mo ay friendster. Napagiwanan na. Hahaha." Ginulo ko ang hair nyang ang lambot, "Gagawan kita nun, follow mo si Jongin. O kaya add natin sya sa clan ko sa COC. 10 na kami."
"Di ko gets, ano po yun, Tita?"
I sighed, "Pagkain yun bebe boy."
"Masarap po ba yun? Bili mo ako."
Napafacepalm lang ako. Ayoko na. Kailangan talaga marami kang baon kapag kausap mo si Asher. Hindi lang isa ang tanong nya -- marami. Kasi naman dami kong binanggit eh. "Malayo kasi nabibilhan nun bebe eh. Tatawid pa ako ng bundok, lalangoy pa sa pacific ocean at huhulihin ko pa ang Ibong Adarna. Antayin nalang natin lulutuin ni Eomma mo ha?" He nodded. Sa wakas, end of discussion. Haha. Little Kyunggie.
"Anong bundok po? Kayo lang po? Baka po mahulog kayo kasi ang payat nyo eh. Kaya nyo po lumanggoy sa pacific ocean? Hindi po nakakangawit?" Bumaba sya at may kinuhang mapa, "Laki po oh." aniya. Litsi. Paano nya nalaman ang pacific ocean? Gusto ko na tumakbo pababa. "Eh, ano po gagawin nyo sa Ibong Adarna kapag nahuli nyo? Hihihih. Gusto ko makita!"
Napahiga ako at napangiwi, "Huehue. Bakit ba hindi ka nawawalan ng sasabihin bebe boy?" Naiiyak ako. Inupuan nya ang tyan ko't tumalon-talon. Kaya nga siguro nilalayasan 'to ng yaya nya. "Huehue. Huwag bebe boy baka mapirat ang baby sa tyan ko." Mana sya kay Jongin sa mukha. Hindi ba nila napapansin na halos pinagbiyak na bunga sila? Jeske, ano kaya pinagsasabi ni Kyunggie sa baba? Baka makapatay.
"Hihi. Umiiyak kayo, ampanget nyo!"
Tingini. It's my turn to cry nga.
Nung muntik na maaksidente si Kyungsoo, kami ni Appa ang kumopkop sa kanya. Buntis sya nun saka malapit na manganak. Tinatanong namin sya kung tatawagan namin ang asawa nya pero ayaw nya. He always cry in the corner kahit alam nyang masama yun para sa baby nya. Knowing his story, I pity him. Carrying the child on his own, ni walang karamay sa paghihirap nya then, his parents bought this house para sa kanila ni Asher tapos dito pa sila magkikita.
This is how fate works.
Tinago ni Kyungsoo ang tungkol kay Asher mula sa mga byanan nya especially kay Jongin. He showed up para sa annulment dahil wala na ang bata. Ewan ko at kinagat nila yun. Now, nagugulo ulit ang buhay nya dahil nagkita ulit sila. Seeing Kyungsoo, hindi pa rin sya nakakaget over sa past nya. Sa lahat ng sakit na pinaranas sa kanya ni Jongin habang kasal sila.
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]
FanfictionKim Jongin came back after undergoing a psychiatrict treatment due to a car accident they encountered causing for his son's death and wife in coma. He received a post-letter from his ex-wife Do Kyungsoo written four years ago containing all his suff...