Jongin
"Hala, Dudu, kiss mo sya oh!" Namutla si Kyungsoo sa sinabi ni Asher, "Kiss mo na sya para gagaling na po sakit ni Appa oh." dagdag pa nito. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Paano na kung naging mahina si Kyungsoo noon? I just want to thank him for being strong. Seeing Asher, nilalamon ako ng pagsisisi. I should have given him a 'HAPPY FAMILY' pero inintindi ko lang ang sarili ko. "Appa, kayo nalang po. Hihihihi! Kiss mo si Eomma!" Pangaasar ni Asher.
"A-Ano bang sinasabi mo, Ash?"
"Appa, kiss mo sya." bulong ni Ash.
"Kapag kiniss ko sya, happy ka na?"
Tumango sya. Nanlaki naman ang mata ni Kyungsoo at umatras palayo. "Tigilan nyo akong dalawa. Ayaw ko ng ganyang biro." Pinandilatan nya ako. I just bursted out in laughter. "Tinatawa-tawa mo dyan!? Aish. Asher, isa, hindi ako natutuuwa! S-Sabi ko huwag makulit 'di ba? Pagpapawisan ka." Binaba ko si Asher na hinila si Kyungsoo.
"Hayaan mo na nak." Pagpigil ko saka nya hinawakan ang kamay ko as he pouted his lips, "Baka magalit si Tito Chanyeol mo." I added. Kyungsoo rolled his eyes at me as he shooked his head, "Sino mas gusto mo, si Tito Chanyeol o, Appa?" Tanong ko kay Asher. Tinuro nya ako, "Nuukks. Masyado kang biased. Paano kung may dala syang maraming Chicken eh, sino na gusto mo?"
"Tito Chanyeol po."
Ginulo ko ang buhok nya, "Hindi ka talaga marunong magsinungaling ano? So, hindi mo na ba love si Appa kapag hindi na kita mabibili lagi ng Chicken?" Umiling naman sya, "Good boy. Hindi bale nak, ibibili kita ng marami. Mas marami sa Tito Chanyeol na yun," Sinulyapan ko si Kyungsoo pero nagiwas lang sya, "Onga pala, marunong kang magswimming?" Umiling sya, "Gusto mo bang matry magswimming sa pool sa bahay?" His eyes sparkles for what I said and nodded, "Okay, bukas dun tayo ha?"
"Yehey! Sama po natin si Tita Luhan saka po si Ken para happy po si Tita Luhan kasi may partner na po sya. Excited na po ako magswimming! Pero kiss nyo po muna si Eomma!" He said, giggling as he crossed his small arms. "Hindi ako sasama kapag hindi mo sya kiniss." dugtong nya at saka tumayo mismo sa sulok sa harap ng pader. I scratched my neck, trying so hard not to laugh at his cuteness. Asher, he's my son.
Nilapitan ko sya, "Hey there big boy. Sige na, kikiss ko na si Eomma." Binuhat ko sya at hinarap si Kyungsoo na hindi maexplain ang muka. Namumutla na parang natatae lang. "Ito na," Lumapit ako at hinawakan ang bewang nya. I felt his body stiffened, holding his breath. "Relax, Kyungsoo. 'Di naman kita rereypin." bulong ko sa kanya. Inangulo ko lang ang mukha ko na pwede maniwala si Asher na hinalikan ko nga sya.
"Ayiiih." Kinikilig na bulalas ni Asher.
Sinipa ni Kyungsoo ang binti ko, "Neknek mo, Kim Jongin. Aish!" Tinignan nya ako ng masama. Natawa ako. Naalala ko kasi ang Kyungsoo noon. When we're still the best of friends. Ang dami kong sinayang, sobra. Nakakamiss pala. Namiss ko sya. I missed the old 'US'. I heave a long sigh.xx
"Ang saya ko po." sambit ni Ash, "Eomma dudu! Gusto ko ng graham! Gawa po tayo, please? Gawa na tayo ngayon, sige na." He intertwined his hands and pleaded, "Dudu, sige na, puhlease. Tutulungan tayo ni Appa ngayon. Di ba dito kayo matutulog, Appa?" Nagulat kaming pareho ni Kyungsoo, "Dito po kayo matulog ha? Tabi po tayo." aniya.
"Ah, Ash kasi.."
"Pwede mo syang tabihan ngayon lang. Oo na, bulilit. Bakit ang hyper mo ngayon ha? Happy ka ba talaga?" Asher nodded, "Sige na, sige na. Gagawa tayo ng graham." sabi nya at saka napatingin sa akin, "Kunin mo yung mango sa ref, bilis." Sinunod naman sya ni Ash na tumakbo sa ref, "Ganito lang talaga si Asher; hyper, madaldal, matakaw talaga," He laughed, "Masayahin lang sya."
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]
FanfictionKim Jongin came back after undergoing a psychiatrict treatment due to a car accident they encountered causing for his son's death and wife in coma. He received a post-letter from his ex-wife Do Kyungsoo written four years ago containing all his suff...