iii

11.2K 700 140
                                    

Kyungsoo

"Nagkita kami ulit." ani ko.

"Ni Jongin?" Luhan asked. Tumango ako at umupo sa tabi nya, "Alam ba ni Chanyeol?" Umiling ako. Hindi ko sinabi kay Chanyeol ang tungkol kay Jongin. "Kailangan nyang malaman, Kyungsoo. Baka in the end, he's the first person who'll be torn in between."

"Hindi mangyayari yun, Luge. Mahal ko si Chanyeol at, tapos na kami ni Jongin. He is, just part of my past now na gusto ko ng ibaon sa limot." I sighed. But why do I feel flustered when I saw him? Nung nakita ko sya, bumalik na naman yung sakit nun eh.

I remembered that day;

Paguwi ko galing sa grocery. Naabutan ko ang kotse ni Krystal na nakapark sa harap ng labas ng bahay. Nandito na naman sya, naisip ko. Naitikom ko lang ang palad ko't pumasok. Ang tahimik. Tumingala ako sa may second floor. Nagdadalawang isip pa ako kung aakyat ako. Alam ko nandun sila. In the end, I decided to see it with my own eyes. Nanginginig ang paa na umakyat sa taas. Sa master bedroom, napansin kong nakaawang ang pinto. Naiyak na ako dun.

Nakita ko sila habang may ginagawang kahayupan. Feeling ko nastuck ang paa ko sa kinatatayuan ko. Sarap sabuyan ng muriatic acid ni Krystal. Pitingini. Isinara ko ang pinto at pumasok sa guest room. Umiyak lang ako nang umiyak dun. Kahit anong pigil ko, ayaw tumigil. Ang sakit!

"Kyungsoo!" sigaw ni Jongin. Kinatok nya ng malakas ang pinto. "Gumising ka dyan at magluto ka! Ano ba?! Buksan mo na 'to! Bumangon ka! Kung hindi malilintikan ka sa akin!" Kahit pakiramdam ko pagod na pagod ako'y bumangon pa rin ako para sa pagkain nilang dalawa. Ano ba ako, yaya?

"Lalabas ka rin pala." ani ni Krystal.

Hindi na ako sumagot. Dumiretso ako sa kusina at nagluto. Kahit hindi sibuyas ang hinihiwa ko, tumutulo ang luha ko. This is not what I expected for us to end like pero para sa baby namin, kakayanin ko lahat.. Kahit sobrang sakit na, lumaki lang sya na buo ang pamilya, na may Appa at Eomma.

"Penge nga ng tubig!" Krystal said.

"Kumuha ka, hindi mo ako yaya."

"Hindi ba? Pero bakit parang ako ata ang asawa at ikaw ang katulog dito? Tandaan mo, Kyungsoo, dahil lang dyan sa bata na yan kaya nagsasama kayo. Kapag nawala yan, wala ka na rin sa buhay namin." She said with a devilish grin on her face. Truth really hurts ha. Alam ko naman yun. I do.

"Kyungsoo, okay ka lang?"

Luhan's question brought me back.

"Ah, oo. May naalala lang ako."

"Ano?"

"Wala, isang tragic story." sagot ko.

Jongin

Pabalik-balik ako sa restaurant kung saan nagdedeliver ng cupcakes sila Kyungsoo. I dunno why pero hindi kami magkaabutan. I guess, pinagtataguan nya ako. May asawa na sya at anak? Why do I even want to see and talk to him again? Tama na, sabi nya. Ginugulo ko na naman sya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ko. Ang gulo nito.

"Excuse me," ani ko.

"Yes, Sir?" The old lady responded.

"Yung nagdedeliver ng cupcakes sa inyo, hindi na ba sila ang supplier nyo?" tanong ko na syang nagpakunot sa noo nya. "Kasi, colleague ako ni Kyungsoo. Nakita ko sya dito the other day pero hindi ko natanong ang complete address nya. Bibisitahin ko sana while I'm on vacation." pageexplain ko. Mukhang kinagat nya naman ang sinabi ko. Hindi naman ako mukhang serial killer.

"Hindi sila pa rin pero ang sabi nya, hindi na muna sila magdedeliver. Sayang nga, e. Masarap kasing magbake si Kyungsoo. Ah, tungkol sa address nya. Bilin nya kasi nung huling makita ko sya na huwag ibibigay sa kahit kanino. Tawagan mo nalang sya ah? Pasensya na." Napabuntong hininga ako.

"Ah, si Asher, ilang taon na sya?"

"Turning 4 sa March 11."

Napaawang ang labi ko. Turning 4? Hindi nya anak o may tinatago sya sa akin? Apat na taon palang din nang makunan sya nun at umalis. Pareho ng buwan kasi eh. Why? Lumabas ako ng restaurant na gulong-gulo ang isip ko. Napagdesisyunan ko nalang na umuwi. Sa gitna ng daan pauwi, nadatnan ko si Kyungsoo. Nasiraan sya ng sasakyan.

"Kyungsoo," I called.

Nagulat sya, "Bakit ka nandito?!"

"Pauwi na ako," sagot ko, "Need a hand? I, I can drive you to your house." suhestiyon ko habang sinusuri ang kotse nya. Flat na ang gulong at umuusok ang makina. Kung wala syang extra, hindi nya ito maaayos. I glanced at him but he quickly looked away to avoid my gaze. "Baka abutan ka dito ng dilim, Kyungsoo, lalo na kung maglalakad ka lang. Paano na si Asher na nagaantay?"

Napapityag sya, "Paano mo-"

"Nakita ko sya sa restaurant habang buhat nung lalaking kasama mo. Anak mo sya 'di ba?" Napayuko lang sya. Nagantay ako ng sagot mula sa kanya but I don't think he is interested to accept any help from me. He don't want to have ties with me. Tatalikod na sana ako pero tinawag nya ako. "Payag ka na ba? You can pay me back kung ayaw mo tumanaw ng utang na loob, Kyungsoo. Help me clean the rest house, that is all."

Napansin kong humigpit ang kapit nya sa ilalim ng blusa nya bago tumingin sa akin with a fierce look. "Okay, deal but, just for one day. Don't show up to me again." He said bago sumakay sa loob ng sasakyan.. Sumunod na ako at walang umimik ni isa sa aming dalwa. Ang bigat ng atmosphere.

"How come he's already 4y/o?"

"Bakit ba interesado ka?!"

Nangunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko may tinatago talaga sya sa akin? "Ano ba talagang nangyari sa ospital nun? Naglayas ka nalang then you showed up one day telling us that, you got into an accident and nakunan ka kaya namatay ang anak natin. Ngayon, may anak kang apat na taong gulang. Ang weird lang eh. Tell me, Kyungsoo. May tinatago ka ba?"

"Oh, anak natin?" He sighed, "Why does it sounds so weird? Yun ang weird, Jongin. Ngayong wala na sya, inaacknowledge mo na anak mo sya. When before you want to get rid of him. Naaalala mo pa ba?! Pinilit mo akong magpaabort nun. Kulang na nga lang kaladkarin mo ako pero ayoko. Ayoko na dagdagan pa ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Ha, ang sama mo."

Naalala ko yun. Hindi na ako nakasagot. I know I've been such a jerk to him. Ni hindi ko sya nagawang panindigan nun. Tinuro nya sa akin ang way ng bahay nya pero sa gulat ko pareho ito ng way sa rest house. Huminto kami sa tapat ng rest house. So sila ang nakatira sa harap nito? I wonder kung kasama nya rin ba ang lalaking yun.

"Dito na ako. San kita pupuntahan bukas para sa deal natin?" Tinuro ko ang likuran nya. Ang rest house. "D-Dyan?" Nangunot ang noo nya, "Fck," He murmured. Well, it seems like fate is playing with us. What a coincidence hindi ba? May dahilan kung bakit kami ulit pinagtagpo. Ano man yun, I'll make sure that I'll make it up to him.

"See you tomorrow, Kyungsoo."

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon