Confirmed.
I got isekai due to truck-kun
Yawa
Lintik na buhay ito!
Nasa loob ako ng otome game, na ang title ay Diyosa ng Vamon, your-so-typical cliche game na mababasa mo din sa manhwa na parepareha, ang kinaibahan lang, ang settings ng game ay sa Pilipinas
Kaso may something
Bukod sa maraming hawt na maginoo, UwU
Umuulan ng snow dito, may winter, summer or fall, all you have to is call
char
Pero seryoso, yong pangalan ng lugar kung nasaan ako ay Vamon pero para akong nasa Europe. Halo-halo, nakasuot man ng barong at baro't saya at 'yung language man ay Pilipino, pero 'yung ugali at kasanayan ay pang medieval period.
Parang tanga lang
Yong style ng laro, simple lang
Kailangan mo na mapataas ang favorability meter ng mga male lead sayo, ang masama lang kasi.
Sa game na ito
Walang may gusto kay Aleyra
Walang may gusto sa character na naposses ko
So ano na?
Hindi naman ito yong ordinary na otome game na nagbago ka lang eh, magugustuhan ka na.
Yong villainess at side characters sa game na ito ay parang pusit lang.
Si Karamel, ang bida natin
Oha, name palang parang matamis na.
Matapos ko na kausapin ang sarili ko, tumayo ako sa humarap sa salamin.
Dahan-dahan ko na hinawakan 'yung mukha ni Aleyra, maganda siya, inggit ako
Malantik ang labi
Wow makata
Mapungay ang mata tapos makapal ang kilay.
Pero villainess, so who cares. Nadamay pa ako sa kanal niyang ugali
Spoiled brat din kaso mayaman
Pero villainess, at ano ang gagawin ko sa pera mo!?
Nasa kanya na ang lahat
Matapos ko ma-bored sa angelic face ni Aleyra ay bumuntong hininga na muna ako, wala akong idea kung anong taon na, or kung nasaan na ang period ng game
Ang alam ko lang, villainess ako, at may tatlong isda na gusto si Karamel
Sa kakaikot ko, nakakuha na ako ng papel at ballpen sabay upo sa pinakamalapit na upuan
Tatlong gwapong isda ang mga gusto kay Karamel
Yong una, yong nakakatandang kapatid ng Aleyra
Leriko Estaban, best swordsman ng Vamon.
Mayaman
Gwapo
Kaso na friend zone
at bukod pa don,
Mamatay siya, dahil noong nalaman ng hari at reyna ang nagawa ni Aleyra na siyang ako sa panahon na ito
Pinatay silang lahat, maging ang mga katulong nila ito ay dahil sa kasakiman ng kanyang kapatid.
Nadamay ang buong pamilya Estaban dahil sa nagawa ni Aleyra
Humigpit ang hawak ko sa quill na hawak ko, sa mga oras na ito, hindi lang ako ang nasa panganib maging ang buhay din ng nakararami
shet
ikalawa si Heriyo Miranda, ang crown prince ng bansa na ito, siya ang original male lead, at sa totoo lang, mukha at pera lang ang meron sa kaniya, saksakan kasi ng katangahan ang utak nito
Gumagana lang kay Karamel
"Two-faced bitch ang prince" diin na sulat ko sa papel sabay bilog ng paulit-ulit
At ang huli sa lahat, ang never na pinaglaban si Karamel, secret admirer ang modus ni Marhes Lunadez, sa kanilang tatlo kasi siya lang ang rational.
Siya ang head ng magic tower sa laro na ito, kaya hindi mo siya basta basta makikita sa game unless sinadya mo ang route niya
Matapos masulat lahat ng main details, masama ang loob na sumandal ako sa upuan
Magsisimula ang laro sa birthday ng crown prince ng bansa na ito
Sa time na yon na love at first sight si Aleyra sa kanya, tapos pinilit niya ang parents na ipagkasundo sila
At sa ngayon hindi ko alam kung ano na ang nangyayari
"Binibini" boses at ang katok babae ang sumira sa pagiisip ko
"Ako ay tutuloy sa inyong silid." matapos ko sabihin na 'tuloy' ay walang ano-ano na pumasok ito agad
"Batid ko na hindi paayos ang inyong pakiramdam, ngunit, dahil kabilang ang inyong pamilya sa prominente na sambahayan ng bansa, ay walang magawa ang inyo ina at ama kundi ang pumunta, at higit sa lahat, kailangan niyo rin po na pumunta sa kaarawan ni Prinsipe Heriyo."
Kunwari interesado pero may halong sarcasm, andami ko na problema, sasabay pa ang birthday niyang crown prince niyo na siyang bida sa laro na ito, dahil ang start ng game ay magsisimula sa birthday niya at since kailangan ko na siguraduhin na, magiging maayos ang lahat—
"Ako ay ayusan niyo na." Mala-anghel na ngiti ko sa kanila
__________________________
-Golden4Sunshine <3
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...