Kabanata 27

1.4K 60 9
                                    

"Ginoo, huwag niyo po sana na pagtaasan ng boses ang aking kaibigan." Seryoso na sabi ni Karamel kay Leriko na galit habang seryosong nakatingin sa akin.

Para akong daga ngayon na nagtatago sa likod ni Karamel. Protect me!

Poor me.

Dahil sa sinabi ni Karamel, ang galit na mata ni Leriko ay lumipat sa mala-anghel na mukha ni Karamel.

Sabi sa laro, na-love at first sight si Leriko kay Karamel unang kita niya palang dito.

Ganyan ba ang mga mata pag na-love at first sight? nanlilisik?

Seryoso ang mga mata ni Leriko habang nakatingin kay Karamel na parang siya na ang pinaka-tangang tao na nakilala niya sa buong buhay niya.

Inlove na ba siya?

Grabeng pagmamahal naman iyan.

Hindi ko makita ang mukha na meron si Karamel, kaya halos mabaon ko ang paa ko sa kinatatayuan ko nang sumagot pabalik si Leriko.

"Ipagpaumanhin mo rin, ngunit hindi kita binigyan ng permiso na makisali sa aming usapan." Banas na sagot ni Leriko kay Karamel.

Uh? Inlove na ba siya?

"Hindi ko gusto ang asta mo ginoo. Si Aleyra ay aking kaibigan." Pabalang na sagot ni Karamel. Burn. May ganitong side rin pala si Karamel?

Naiinlove na ba sila?

"Sino ka para tawagin siya na 'Aleyra', BINIBINI?" Irita na tanong ulit ni Leriko.

Uh? Huh?

"Pinayagan niya ako kanina na tawagin ko siyang ganoon, GINOO." Sagot pabalik ni Karamel.

Eh? Ehh?

Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago marealize ang nangyayari.

Ah shet.

Alam ko na ang nangyayari.

"Kilala mo ba ako kung sino ako?" Ismid na tanong ni Leriko habang may nakakalokong ngiti. Deputa.

Narinig ko na ito ng ilang beses.

Umalis ako sa pagkakatago sa likod ni Karamel at umupo sa upuan na inuupuan ko kanina. Kita ko mula sa pwesto ko kung paano tignan ng dalawa ang bawat isa.

Iyong upo ko ay upo na parang nasa sinehan.

Seryoso ang mukha ni Karamel at iritable naman si Leriko habang nakatingin sa kanya.

Nagcross-legs ako at pinatong ko ang baba ko sa palad ko. Mukhang mag-sisimula na ang palabas.

Pa-refill po ng popcorn. Isa na rin po na coke, pwede rin na sprite or royal.

Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan ay halos tumaob ako sa pagkakaupo ko dahil sa sumunod na nangyari.

"Hindi Ginoo. Hindi kita kilala—" Kita ko ang gulat sa mukha ni Leriko. Parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari

Tangina. Ito na...

"Paumahin, ngunit... wala rin akong balak na kilalanin ka." Pekeng ngiti ni Karamel kay Leriko.

Deymnnn!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Emergency 911!

Para akong nanonood ng romance-comedy with a twist of talking shit and brutality.

Rated G~

Iyong mga mata ngayon ni Leriko nanlalaki, parang hindi matanggap na hindi siya kilala ng isang commoner.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon