Kabanata 8

1.6K 72 3
                                    

Tanging ang pagtunog lang ng kutsara at tinidor ang tanging naririnig ko habang kumakain kami sa hapag.

Matapos ko na maligo at mag-ayos ng damit, pumasok si Belinda tapos sinabi sa akin na kakain na daw ng tanghalian. Tatanggi sana ako kaso wala naman akong magawa dahil mismong nanay at tatay niya na ang nag-utos.

Baka masampal pa ako bigla

Walang nagsasalita, wala rin na umiimik, halatang nagpapakiramdaman silang lahat. Napatingin ako kay Leriko na busangot ang mukha, halatang ramdam niya iyong awkwardness.

Kawawang pogi naman ito.

Tumikhim ako bago magsalita –"Masarap iyong pagkakaluto nila sa manok" nakangiti pero ramdam mo 'yong pagkailang sa salita ko.

Lumingon sa akin yong tatay ni Aleyra na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan, hindi naman kasi nasabi sa game kung ano ang pangalan nila, kaya wala akong idea kung anong itatawag ko sa kanya.

Sa ngayon, uhugin nalang muna.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ba laging naiiyak ito pag nakikita ako, hindi ko siya maintindihan.

"M-masa-rap i-yong pagkain anak?" Naluluha na sabi niya. Seryoso, ano ba ang problema ng taong 'to?

Nakatingin siya sa akin ng nanlalaki iyong naluluha niyang mata.

"Opo..." sagot ko naman, hindi ko lang alam kung anong expression ang meron ako ngayon, naaasiwa na talaga ako sa drama niya.

"Mahal ko–" tawag niya sa asawa niya na nakangiting kumakain ng tahimik

Ay ang tamis, naiingit ako

"–bigyan mo ng isang milyon ang taga-luto." Excited na sabi niya na siyang naging dahilan ng pagkasamid ko.

Isang milyon!!?!?

Nagpanic naman iyong mga katulong nila na nasa paligid lang namin, agad nila akong tinapik ng marahan sa likod at inabutan ng tubig. Ininom ko iyon pero parang walang talab dahil parang nakabara pa rin sa lalamunan ko iyong kinain ko.

Jusmiyo, mas mababaliw ata ako dahil sa mag-asawang ito.

"Ayos ka lang ba anak?" tanong sa akin 'nung nanay ni Aleyra, ngumiti nalang ako at tumango. Baka kung ano pa masabi ko pag pinagpatuloy namin itong usapan na ito.

Ilang minuto na walang kibuan at pansinan, balik ulit sa paglamon. Nang hanggang sa baliin ni uhugin iyong katahimikan.

"Leriko" May awtoridad na tawag niya kay Leriko.

Gulat ng malala. Nakanganga akong nakatitig sa tatay ni Aleyra, seryosong-seryoso 'yong mukha niya, hindi nanlalaki yong mata na naluluha at hindi rin sinisipon.

Ramdam mo 'yong antartica sa pagtawag niya kay Leriko. Nilipat ko iyong tingin ko kay Leriko, binaba niya iyong kutsara at tinidor niya, nagpunas din siya ng bibig bago tignan iyong ama niya – "Po?"

Pabalik-balik iyong tingin ko sa kanilang dalawa, parang bumigat iyong paligid.

Awkward...

"Kailan ang iyong balik sa UnibersitMahi? Malapit ng matapos ang iyong bakasyon, mas makabubuti kung ihahanda mo na ang iyong mga gamit." Tuloy-tuloy na sabi niya habang hinihiwa iyong chicken gamit iyong tinidor at kutsara.

The attitude is giving...

Tumingin ako kay Leriko, hindi siya umimik matapos iyon sabihin ng ama niya, tahimik lang siya ulit na bumalik sa pagkain. Halatang-halata na gusto niya ng umalis ng lamesa kaso hindi pa pwede dahil hindi pa tapos kumain iyong ama nila. Nalaman ko yon noong nagpunta ako sa library nila, dapat antayin mo na matapos iyong nakaupo sa kabisera bago ka tumayo, dahil kung hindi pwede nilang masamain iyong kilos mo.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon