Kabanata 34

1.1K 48 10
                                    

"Atee! Tingin mo 'to!" Tawag sa akin ni Meryl habang may hawak na laruan kotse na tig-seventy pesos.

Cute

"Gusto ni Meryl 'yan? Sige dali, bilhin natin~" parang bata ko na sabi habang nakatingin sa bunso ko na kapatid.

"...Ate, pwede ba 'to?" isang mahinang hila ng suot ko na spongebob na T-shirt ang kumuha ng atensyon ko.

Hawak-hawak ni Mike ang isang magic pencil na kulay dilaw, sa kabilang kamay niya naman ay ang crayons na may 24 colors.

Hilig ko rin 'yan na 24 colors nung bata ako, ang ganda kasi tignan pag meron ka nung maraming kulay.

Mapagmamayabang sa mga classmates

"Sige, bilhin natin." Masayang sabi ko kay Mike dahilan para ngumiti siya ng malawak.

Nasa tiangge kami ngayon dito sa may palengke, at kasama ko sila Mike at Meryl para bilhan sila ng gusto nila.

"Gusto mo rin ba bilhan ng lagayan 'yang colors mo?" tanong ko kay Mike, kita ko ang pagliwanag ng mga mata niya sabay tango ng ilang ulit.

"Pero ate... baka mahal na 'yon..." kung gaano kabilis nagliwanag ang mga mata niya kanina, ganun kabilis din iyon nawala nung makita niya na nasa 40 pesos iyong lagayan ng crayons.

"Lalagpas na ng one hundred fifty 'yong babayaran mo sa amin ni Meryl..." nakatungo na sabi niya habang ang tingin pa rin ay nasa estante pa rin ng mga lapis at pangkulay.

Andoon na ako sa part na wala akong masyadong pera, pero kasi, "Ang bata mo pa para isipin 'yan, atsaka may nakuhang bonus si ate sa trabaho niya, kaya sige kuhain mo na." Halos pagpipilit ko na utos kay Mike, pero hanggang ngayon para siyang napako sa kinatatayuan niya dahil ayaw niyang kuhain iyong lagayan ng crayons.

Confirm, ako lang talaga iyong materialistic sa pamilya namin.

Kulay asul na gawa sa plastic na may design na batman kasama si superman iyong tinitingnan ni Mike.

Hindi mayaman ang pamilya namin, iyong mama ko walang trabaho, iyong papa ko naman mangingisda at driver minsan ng tricycle na nirerentahan niya lang din. Kaya alam ko kung ano ang pinanggagalingan ni Mike.

Minimum lang rin ang sweldo ko sa pagiging call center agent, laking pasasalamat ko na nga at natanggap akong scholar sa isang sikat na paaralan sa Manila.

Iyong kinikita ko sa trabaho ko, halos kalahati ang pinapadala ko sa kanila dito sa probinsya, iyong natitira naman pinapaikot ko para mabayaran iyong ilang mga projects, pamasahe, pagkain, at pangbayad ng dormitory.

Pero dahil accountancy student ang bruha, nagtitinda ako ng pagkain sa school banana cue, turon, sandwich, at ilang pang-meryenda para may dagdag pera.

Swerte na nga pag may natitira ako na 1,000 matapos bayaran ang lahat ng bayarin na pwede ko na bayaran.

Mula riyan, hanggang doon, babayaran ko na, eme!

"May bonus ka talaga na nakuha ate?" Pag-uulit ni Mike sa sinabi ko, tumango naman ako at ngumiti.

Wala akong nakuhang bonus, sa katunayan, 800 pesos nalang ang pera sa wallet ko, at kailangan ko na rin bumalik sa Manila bukas, bawal ako magkaroon ng absent sa school.

Pasensya na kung nagsinungaling si ate ah?

Hindi naman siguro masama na sabihin ako na may bonus ako kahit wala naman, ayoko kasi masaktan iyong damdamin niya.

"Promise ate ah?" sabi ni Mike habang naka-pinky promise pa, agad ko naman itinaas ang pinky at pinagdikit ang hinliliit naming daliri.

Kapatid ko ba talaga 'to? Bakit hindi materialistic?

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon