Aleyra Esteban, maganda -- pag naka-poker face, utang na loob wag ka na ngingiti., matalino – eh bakit siya bumagsak sa examination ng UnibersitMahi!?, at magaling sa lahat ng bagay – you mean sa pagtataray at paghahasik ng kalokohan?
Maganda, matalino at magaling sa lahat ng bagay. Ayan ang main description sa character ni Aleyra Esteban. At iyan din ang dahilan kung bakit ko sinasabunutan ang sarili ko habang paikot-ikot dito sa kwarto niya.
Matapos ang hapunan, na hindi ko alam kung nalunok ko ba ng maayos iyong pagkain. Wala sa sarili ako na bumalik sa kwarto at nagluksa.
Daig ko pa ang namatayan
Ilang araw pa lang ako rito pero grabeng problema naman itong dinadanas ko.
Nakadapa ako sa kama at ngi-ngudngod iyong mukha ko sa unan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Next week, next week na ang entrance examination sa UnibersitMahi! At hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako taga-rito, kaya malamang hindi ko iyon masasagutan!
Hindi rin naman kasi pinakita sa game iyong exam, ang alam ko lang bumagsak si Aleyra sa pag-susulit na iyon, tapos dahil mapera sila nagbayad sila ng pera sa isa sa mga opisyal ng UnibersitMahi makapasok lang itong si Aleyra.
Pinakita rin sa isang route na iyong tao na binigyan nila ng pera ay namatay rin ng malaman ng royal family ang ginawa ng niyang pagtanggap ng pera mapasok lang itong si Aleyra.
Jusmiyo!
Matalino si Aleyra, totoo iyon. Pero hindi talaga siya papasa sa UnibersitMahi dahil wala naman siyang taglay na powers. Ang tawag sa mga tao na katulad ni Aleyra ay muhimaho
Ang walang kamatayang Muhi ni Maho, grabe ang baho talaga pakinggan.
Ang sabi sa nabasa ko sa library nung nakaraan, sila iyong mga tao na direktang nakuha ang galit ng bathalang Maho noong nagkaroon ng alitan ang mga nilalang sa Vamon. Kinakaawaan ang mga muhimaho dahil bihira lang ang mga katulad nila. Madalas din na mababa ang tingin sa kanila dahil sa wala silang kapangyarihan.
Napaluhod nalang ako sa kama ko at huminga ng malalim. Matalino si Aleyra, totoo iyon, bata pa lamang noong malaman ng pamilya niya na isa siyang muhimaho, nag-aral ng mabuti si Aleyra mapatunayan lang na kaya niya rin na makapasok sa UnibersitMahi kahit na wala siyang kakayahan sa larangan ng mahika.
Ang pamilya Esteban ay kilala pagdating sa kanilang kakayahan na kontrolin ang hangin, –avatar the last airbender.
Mula sa great grandfather niya, hanggang sa mga magulang at kapatid niya, lahat sila ay may kakayahan sa pagkontrol ng hangin. Pero noong ipinanganak si Aleyra, wala siyang taglay na kahit na anong mahika.
Pero dahil siya nga ang kauna-unahang babae sa angkan ng mga Esteban, walang kahit na sino ang pwede na maliitin siya, dahil kung mangyari ay lagot siya sa pamilya nito.
Money, money, money must be funny in a rich man's world~
Kahit ilang libro ang basahin ni Aleyra, kahit ilang oras pa ang igugol niya, hindi siya pumasa ito ay dahil sa...hindi mo masasagutan ang theoretical part ng pagsusulit kung hindi mo maintindihan kung paano gumamit nito.
Base sa laro, ginagamitan daw ng formula ang lahat ng magic spells o inkantasyon kung tawagin. Kung ano ang formula na sinasabi nila, ayon ang hindi ko alam. Nasabi kasi iyon ni Karamel sa laro.
Napasabunot nalang ulit ako sa buhok ko dahil hindi ko alam ang gagawin.
May dalawang departamento sa UnibersitMahi. Una iyong Mahika Departamenta, dito maaring mas mapalawak pa ng isang indibidwal ang kanyang kakayahan sa larangan ng mahika. At iyong isa naman ay tinatawag nila na Departamento Talento ito ay para sa mga matatalino, imbentor, researcher, in short pareho ito ng konsepto ng college sa modern world.
Magwawala na sana ako ng bigla ko na maisip, hindi man pwede si Aleyra sa mahika, pwede naman siya na mag-enroll sa Departamento Talento.
Napatalon nalang ako bigla sa higaan kaso bigla ko na naalala, hindi nga pala ako ang tunay na Aleyra... wala akong masyadong alam sa education system nila.
Binagsak ko iyong katawan ko sa kama, wala na, wala ng pag-asa. Tumayo na lamang ako at lumapit sa lamesa ni Aleyra, baka meron siyang tinatagong alas dito na pwede ko na magamit sa susunod na linggo.
Sana meron siyang kodigo
Umupo ako sa upuan niya at hinarap ang lamesa niya, una ko na binuksan ang mga drawer sa ibaba, pero puro papel na wala pang sulat ang naroon, sa sumunod naman ay puro ink, iyong sumunod naman ay puro quill.
May national book store siya sa lamesa niya.
At dahil wala akong makita na kahit na ano sa drawer niya, hinarap ko naman ang lamesa niya na tambak ng libro at maraming papel na halatang notes niya. Dinampot ko ang isa roon at isa lang ang napansin ko, mukha itong pie chart?
Sinilip ko pa ang ibang mga papel at halos puro numero ang nandoon.
Teka?
Noong dadamputin ko na sana iyong isa pa na papel, naagaw ng atensyon ko iyong kalendaryo ni Aleyra.
Nasa ilalim siya ng mga papel na puro numero ang nakasulat. Agad ko iyong dinampot, mukhang ito iyong schedule niya kada araw.
"Enero", basa ko sa nakasulat, mayroon din silang 31 days sa buwan ng January. Siguro maging ang bilang ng buwan ay kapareha lang rin ng sa Earth.
Napatingin ulit ako sa hawak ko, binasa ang mga nakasulat dito na puro karamihan ay "Mag-aral" lang naman ang nakalagay, napangiti nalang ako sa kasipagan ni Aleyra, sayang nga lang dahil kailan ay hindi ito naging sapat.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagbasa ng mga notes niya ng napukaw ng isang note ang atensyon ko.
Kaarawan ni Prinsipe Heriyo
Iyong ang nakasulat sa gilid na bahagi ng ika-29 na numero.
January 29 ang kaarawan ng Prinsipe? Bakit nakasulat ito sa kalendaryo ni Aleyra?
Kahit nagtataka, isinawalang bahala ko nalang. Nang ilipat ko iyong pahina para sana makita ang gagawin niya sa buwan ng Pebrero, hindi ko inasahan na...tatambad sa akin ang isang malaking kalokohan.
Tumayo ako sa lumabas ng kwarto, sakto naman na may lalaking nakasuot ng isang uniporme na mukhang knight. Napatitig ako sa suot niya, dahil kamukha noon iyong mga nakikita ko sa mga palabas.
"Anong petsa na?" tanong na ikinagulat naman noong lalaki, iniluhod niya iyong isa niyang paa at tinukod iyong isa habang nakayukong nakatingin sa akin.
Aalukin niya ba ako ng kasal?
Di pa ako ready pero kung mapera ka, why not?
Napailing nalang ako sa sarili ko, mayaman ako sa panahon na ito, kaya kong maligo na ginto ang tubig.
Yabang
"Ika-tatlo ng Pebrero, Binibini." Sabi niya habang nakaluhod
Hindi pa ito nangangalay? Nangangalay kasi ako na tignan siya
Para akong nabingi sa sagot niya, "Maari ka ng tumayo" sabi ko at biglang tumalikod, kawawa naman mukha na siyang nangangalay.
Bumalik na ulit ako sa kwarto ni Aleyra, umupo sa higaan niya at inisip kung bakit ganito ang karma ko sa buhay.
Bago ako mamatay sure ako na mabait ako –di mo sure
Masipag rin ako, at kahit kailan wala akong ginawang labag sa batas.
Pero bakit ganito? Balak ko pa sanang mag-aral ng kaunti, kahit konting basa lang ng libro, para sana makita ko kung ano iyong mga posibleng lumabas sa exam.
Pero paano ko gagawin iyon kung bukas ay February 4 na... At sa susunod na araw, February 5... ang araw ng examination niya.
Mahal ata ako ni kamalasan.
_____________________________
-Golden4Sunshine-
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...