Kabanata 29

1.4K 48 12
                                    

Bukas na ang araw na nakatakda.

Araw kung saan makikita ko ulit si Christmas tree at ang mga elves niya.

Imbyerna.

Anim na araw matapos mangyari ang kalokohan sa comfort room, hindi na siya nasundan ng iba pa na kalokohan.

Sobra-sobra na daw kasi.

Bored akong nakatingin sa bintana. Umalis si Leriko kaninang umaga at dumiretso sa UnibershitMahi para makita si Propesor Maklastar.

Gumawa kaya ako ng kalokohan para maging exciting ang araw ko?

Tumingin ako sa orasan at pinapanood ang paggalaw ng mga kamay nito.

Isang segundo. Wala akong maisip.

Isang minuto. Wala pa din ako na maisip.

Isang oras. May utak pala ako!

Bibisitahin ko si Karamel!

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga. Dumiretso ako sa comfort room ni Aleyra para maghanap ng pinaka-simpleng design ng damit na meron siya.

At hindi ko akalain na kakausapin ko ang sarili ko sa damit na susuotin ko.

"Mahal na damit." Sabi ko habang hawak-hawak ang baro't saya na may glitters.

"Mahal-mahal na damit."

"Mas mahal na damit."

"Teka? Diamond ba itong design na to?"

Laglag panga akong nakatingin sa mga damit na nasa harap ko. Wala ba siyang damit na galing sa ukay-ukay?

Alam ko na mayaman si Aleyra, pero nung ako pa si Naomi, marami rin ako na mayaman na kakilala. May mga ukay din sila na damit.

Halagang 20,000 pesos na ukay-ukay.

Halos mabaliktad ko na ang closet sa kakahanap ng mukhang mumurahin na damit. Pero wala.

Wala siyang mumurahin na damit pero sa ugali niya mapapamura ka.

Mga 100 times.

Bagsak-balikat akong bumalik at sumalampak sa kama ni Aleyra.

Gusto ko gumala!

Gusto ko rin gumastos ng maraming pera.

Pero madalas kasi akong tingnan sa bayan sa damit na suot ko.

Gustuhin ko man na bumili sa mga mumurahin na pagawaan ng damit, hindi ko rin magawa dahil mukhang takot ang mga tao kay Aleyra.

Si Karamel nga lang ang pumayag na bentahan ako.

Kainis, grabe naman sila sa pagka-prejudice kay Aleyra!

Balak ko sana na ilibing ang katawan ko sa malambot na malambot na kama ni Aleyra ng may biglang kumatok.

Pusta ko 30 pesos, si Belinda yan.

At tama muli ang hinala ko, matapos ko sagutin ang katok ni Belinda. Tuloy-tuloy na siyang pumasok.

"Binibini, oras na po ng inyong tanghalian." Magalang na sabi niya, inangat ko ang tingin ko atsaka tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Isip

Isip

Brainblast!

"Belinda." seryosong tawag ko kay Belinda habang may nakakalokong ngiti.

"Po? Binibini?" sagot niya naman at napahakbang paatras.

Natakot siguro

Mukhang nararamdaman niya na may masama akong balak.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon