Kabanata 31

1.4K 60 16
                                    

Ligtas akong nakauwi kahapon sa bahay nila Aleyra. Una, kasi hindi na masyadong nagtanong si Belinda, at mukhang ayaw niya rin pag-usapan kung paano niya akong nagawa na ipagpalit kay Heriyo. Traydor

Pangalawa, wala si Leriko nung makauwi kami. Safe na safe.

At ang pangatlo ang pinakamahalaga sa lahat, buhay pa rin ako.

Pero parang last day ko na.

12:00 ang oras ng pagkikita namin ni Christmas tree at ng mga elves niyang may sapak sa utak, pero 10:45 palang ng umaga, nasa harap ako ng gate ng UnibershitMahi habang paulit-ulit ko na kinukurap ang mga mata ko.

Alam ko na masyadong maaga pero wala akong magawa dahil parang hindi marunong magbasa ng oras si Leriko.

Kawawa naman itong tao na 'to, turuan ko kaya?

"Kuya... hindi ba at parang... masyado tayong maaga?" Tanong ko kay Leriko habang ang tingin ay nasa gate pa rin ng UnibesitMahi.

Wala akong narinig sa kanya, bagkus ay ang pagtunog ng kalansing ng metal na gate ang tunog na namayani sa loob ng karwahe.

Nakabukas ang bintana ng karwahe na sinasakyan namin ngayon ni Leriko, kaya tanaw na tanaw ko ang paaralan kung saan nakatira si Christmas tree.

Kainis ka na puno ka.

Siya 'yung magsosorry pero ako 'yung lalapit?!

Gustuhin ko man sana na magreklamo at tumanggi sa imbitasyon nila, natatakot rin ako na baka mas pumangit ang reputation ko pag ginawa ko iyon.

Huminga ako nang malalim at saka tumingin kay Leriko, "Kuya, iyong mga orasan ba natin sa ating tahanan ay maayos pa at gumagana?" tanong ko na nagpakunot ng noo niya.

Wala siyang sinabi na kahit na ano at tumango na lang na parang sinasabi na—"Maayos ang mga orasan natin, utak mo lang ang baliko."

"Kung gayon bakit parang hindi ka marunong magbasa ng oras?" nagtatakang tanong ko, ito na kasi ang ikalawang beses na umalis kami ng sobrang aga para lang pumunta sa UnibershitMahi.

Kaurat.

"Ano ba ang iyong sinasabi?" takhang tanong niya sa akin pabalik na parang hindi niya tanggap na hindi siya marunong magbasa ng oras.

Sasagot pa sana ako na —"Ang tanga mo po kasi magbasa ng oras." kaso baka matodas ako agad kaya pinili ko nalang na wag magsalita.

"Wala naman, napansin ko lang na... napakahusay mo hehe...?" sabi ko at saka inalis ang tingin sa kanya. Napako muli ang tingin ko sa UnibesitMahi.

Nung una namin na punta dito, wala ni isa ang humarang sa karwahe na sinasakyan namin, pero sabi ni Leriko na iba raw ngayon dahil bumabalik na ang ilang estudyante sa kanilang mga dormitory dahil magsisimula na ang klase sa susunod na linggo.

Ibig sabihin hindi ko muna makikita si Leriko ng ilang buwan, dahil lahat ng mag-aaral ng UnibesitMahi ay required na mag stay sa kanilang dormitory maliban nalang kung bakasyon o hindi naman kaya ay sabado at linggo

Makakaligtas ako kay kamatayan ng ilang buwan.

Mga ilang minuto rin nakatigil ang karwahe na sinasakyan namin pero ngayong mukhang nasuri na nila na hindi naman kami kawatan tuloy-tuloy ang naging takbo ng karwahe para makapasok kami ng tuluyan.

Maganda, malaki at maaliwalas ang itsura ng UnibesitMahi. Hindi ako sigurado kung ilang building ba ang mayroon dito dahil sa laki.

Maraming mga puno, bulaklak, ilang paro-paro rin ang makikita sa paligid, at syempre hindi nakaligtas sa akin ang tingin ng na karamihan nung makababa kami ni Leriko ng tuluyan sa karwahe.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon