"Kamusta naman ang munting binibini ng mga Esteban?" Mahinahon na tanong ni Heriyo habang nakatingin sa akin.
Ito buhay pa naman ako, thankfully hindi niyo pa napapatay.
Imbes na pansinin siya mas pinili ko nalang na iwasan siya. Malalaki ang mga naging hakbang ko palayo sa lintek na kamatayan. Pero ang letsugas na may mas mahahabang biyas na ang future killer ko ay naabutan ako.
Yawa.
"Mukhang nagmamadali ang binibini." Sabi ni Heriyo habang may nang-aasar na ngiti. Binigyan ko siya ng masamang tingin atsaka ako tumingin sa binti niya.
Kahit na natatakpan ito ng cape at pants na suot niya, hindi mo matatago iyong mala-sculpture nitong hulma.
Ano ba yan?! Bat may takip?! Eme~
"Binibini? Ako ba ay iniiwasan mo?" tanong ni Heriyo habang nakasabay na ng tuluyan sa paglalakad ko. Tumigil ako at hinarap siya.
Una, ayoko sayo.
Pangalawa, isa ka sa mga grim reaper ko.
Pangatlo, beh 'di ba obvious na iniiwasan ka?
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita, kailangan maging maingat ako sa mga salita na gagamitin ko, baka gamitin ni kamatayan laban sa akin ang mga sasabihin ko pag nainis ko siya.
Ligtas ang may alam!
"Mahal ko na prinsipe–" natigilan ako bigla at napakamot ng kilay gamit ang isang kamay, "Ay este ano ba yan!" Inangat ko ang tingin ko at nakasilay ngayon sa mukha ni Heriyo ang isang mala-kupal na ngiti.
Sasakalin na kita diyan.
Umismid muna ako bago nagsalita, "Mahal na prinsipe, hindi sa ganoon, sadya lamang na baka inaantay na ako ng aking kasama." Mahinhin na sabi ko sabay ngiti.
Ngumiti siya ng malawak at umakto na parang nag-iisip kahit wala naman siyang utak.
Bakit parang ang feeling close ng lalaki na 'to?
Wala naman akong matandaan na dapat ika-close naming dalawa.
Tumingin siya sa akin at nagsalita sabay pumitik na parang nakadiskubre ng planeta.
Huh? Adik.
"Balada?" Parang nag-iisip na tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Balada?" tanong ko naman pabalik.
"Hindi, Balyenda!" Malawak na ngiti na sabi niya na parang nalaman na kung ilang buwan ang umiikot sa planeta na nadiskubre niya.
Ugok.
"Paumanhin, Prinsipe Heriyo... ngunit sino si Balada? Balyenda?" magalang na tanong ko habang nakakunot ang noo.
May nakikita ba siya na hindi ko nakikita?
"Iyong kasama mo na babae dito sa bayan." sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin.
Balada...?
Balyenda...?
Balyena?
"Belinda!" Mabilis na sagot ko na mas ikinalawak ng ngiti ni Heriyo. Natigilan ako bigla at napalunok ng bahagya dahil sa ngiti na 'yon. National treasure ba 'yung ngiti niya?
Ang gwapo niya!
Pero hindi ba... dapat cold si Heriyo kay Aleyra? Bakit kung makalapit at kausapin niya ako ngayon, parang matagal na kami na magkakilala?
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...