"Ayos ka lamang ba?" tanong sa akin ni Leriko at saka ako nilapitan. Wala akong maisagot na kahit na ano, naguguluhan ako sa nangyayari.
"Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa iyong isipan, ngunit mas makabubuti kung ikaw ay magpapahinga na muna." sabi niya at saka naupo sa gilid ng kama ni Aleyra.
Naguguluhan ako.
"Magpahinga ka muna." pag-uulit na sabi sa akin ni Leriko at saka pinalutang ang kumot at dahan-dahan na inilagay sa akin.
Hindi ba at panaginip lang ang Diyosa ng Vamon?
Ano ang nangyayari?
Magtatanong pa sana ako ng bigla na lang nag-alburuto ang tiyan ko ng pagkalakas-lakas.
Kahit na alam ko na hindi ko pagmamay-ari ang katawan na 'to, hindi ko maiwasan na hindi mahiya.
Ang gwapo naman kasi ng kaharap ko, sinong hindi mahihiya?
Akala ko tatawanan ako ni Leriko at aasarin o hindi kaya ay susungitan, kaya laking pasasalamat ko nung tumayo siya at lumabas ng pinto.
Naingayan ata sa tunog ng tiyan ko, tinalo pa ang lakas ng kampana ng simbahan tuwing linggo sa lakas eh.
Tatayo na sana ako para kumuha ng cookies sa mala-department store ni Aleyra na comfort room ng biglang pumasok si Leriko. Hindi kaya kabute 'to? Hindi ko man lang naramdaman na binuksan niya iyong pinto.
"Akin na inutusan ang iyong tagapagsilbi na ihanda ang iyong makakain." sabi niya sabay upo ulit.
Inilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko, "Hindi ko alam ang nangyayari, ang sabi ng mga manggagamot ay wala ka naman daw na sakit. Paanong hindi ka nagising ng anim na araw?" tanong ni Leriko sa akin.
Ay, pass tayo dyan boss, di ko rin alam eh.
"Alam ko na hindi ko ito dapat sabihin dahil kakagising mo pa lang, ngunit aking pinaghihinalaan ang UnibersitMahi." windang ako na napatingin kay Leriko. Gustuhin ko man sana na magtanong kung bakit, masyado ng kumakalam ang sikmura ko sa gutom.
"Kay rami ng hinuha na pumapasok sa aking isipan nitong mga nakaraang araw. Ngunit, naisip ko lamang, hindi kaya ay may hinalo sila na pampatulog sa kinain natin na gulay nung magtungo tayo sa UnibersitMahi?" tanong niya dahilan para mawala ng dalawang segundo iyong gutom ko.
Naging kambing ako nung araw na 'yon.
Ang daming pagkain pero kumain ako ng dahon.
"O hindi kaya, sinumpa ka ng mga taong bayan?" halos mahambalos ko ang upuan na pinakamalapit sa higaan ni Aleyra dahil sa sinabi niya.
Insensitive ang kupal!
"Pero, para namang imposible ang bagay na iyon–" napatingin siya sa akin at ngumisi bago nagsalita ulit. "Ay hindi, ito ay posibleng mangyari." parang tangang detective na sabi niya.
Hayop...
"Pero parang mali ang punto na iyon, una, wala silang kakayahan na magbayad ng susumpa sa iyo."
Wala ka rin na kakayahan na gamitin ang iyong utak.
"Pangalawa, mabilis ko silang mahahanap." proud na sabi niya pa sa akin.
Kunot noo ako na nakatingin kay Leriko, ako lang ba, pero parang ang daldal niya ngayon?
"Ngunit, sa lahat ng teorya na sumagi sa aking isipan—"
Wala kang isip.
"—ang naisip ko lamang na dahilan ay ang kinain natin kasama ang kakaiba mo na kaibigan." seryosong sabi niya habang inaalala siguro kung paano kami kumain nung damo.
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...