Kabanata 18

1.5K 68 0
                                    

Nakasunod ako sa papalabas na pigura ni Leriko. Kung kanina para siya kabute na sumulpot sa likod namin ni Belinda na nagsabi na sasama daw siya, ngayon naman para siyang boss ng isang multi-millionaire company at kaming mga nasa likod niya ang secretary niya.

Nang tuluyan kaming makalabas, agad na lumingon si Leriko sa akin, at sa mga tao na nasa likod namin.

MGA, oo mga. Lagpas bente ba naman. Mukha silang mga pato.

Mukhang narinig kasi ng iba na aalis ako mag-isa 'nung sumigaw si Belinda, tapos mas dumami pa 'nung biglang sinabi ni Leriko na sasama siya.

Mukha tuloy kaming gagala sa ocean park.

"Kaming dalawa lang ni Aleyra ang aalis. Maiwan kayong lahat dito." Parang aso na pagtataboy ni Leriko sa mga nakasunod sa amin na mukhang gwardya dahil sa mga damit nila.

"Ngunit Ginoo, delikado po kung kayo lamang ang aalis ng Binibi–" Natigil siya sa pagsasalita dahil biglang humangin ng kaunti. Agad ko na binalik ang tingin ko kay Leriko na mukhang inagawan ng candy dahil sa sibagot niyang mukha.

Kawawa naman

Tinaas niya ang kanan niyang kilay na kanina ko pa gustong ahitin, andoon naman na ako sa maganda at makapal niya'ng kilay. Pero letse, kada galaw ng lahat ng tao sa paligid niya hinuhusgahan niya gamit iyong kilay niya.

"Sino ka para suwayin ang utos ko?" Nagbabantang ni Leriko doon sa gwardya na ngayon ay parang napako na sa kinatatayuan niya.

Mukha kasing stepmother itong si Leriko na handang magbigay ng 10 million layuan mo lang ang anak niya.

Kasungit

"Pata–patawad Ginoo." Nakayukong pag-hingi ng tawad 'nung gwardya na mukhang inapi.

Nilapitan ko iyong gwardya na nasa likod ko lang naman. Feel ko mas bagay kung si Leriko ang villain, mas mukha kasing masama ang ugali niya kumpara kay Aleyra.

Mukhang hindi alam ng gwardya ang gagawin ng tumayo ako sa harap niya. Itinaas ko ang kamay ko na siyang dahilan para ipikit niya ang mata niya. Akala niya siguro sasampalin ko siya dahil ayaw niyang tanggapin ang 10 million na inaalok ni stepmother Leriko.

Tatlong beses ko siyang tinapik sa balikat at tiningnan siya na parang sinasabi na– "Ganyan talaga ang ugali niyan ni Leriko, siraulo. Cheer up!"

Mukhang naintindihan naman niya dahil bigla siyang naluha at tumango-tango. Mukhang marami na siyang napagdaanan dahil sa magkapatid na banat ang utak.

Tumalikod ako sa kanya at saka lumakad palapit kay Leriko na naka-bitch face.

Lukutin ko 'yang gwapo mo na mukha, nang makita mo ang hinahanap mo.

"Sasama ka sa akin kuya?" Masigla na tanong ko sa kanya na mas lalong nagpapangit ng expression niya.

"Baka kasi may mapatay ka sa daan. Umiiwas lang ako sa gulo." Mataray na sabi niya sabay irap sa akin at dumiretso pasakay ng karwahe.

Inhale

Exhale

Kahit na gusto ko na siyang sabunutan sa inis dahil sa kanina pa siya nag-susungit kahit wala akong ginagawang masama, ngumiti nalang ako ng pilit. May araw ka rin sa akin Leriko.

Papakulam kita.

Naunang sumakay sa karwahe si Leriko na hindi ako tinapunan ng tingin. Kasi kung sakali man na tignan niya ako baka siya na ang itapon ko palabas.

"Kuya, ikaw ah? Kunwari ka pa, gusto mo rin naman palang makita iyong parke sa may bayan." Nakangiti ko na sabi habang humihinga ng malalim. Nahirapan kasi ako na makasampa sa karwahe, mabuti nalang tinulungan ako 'nung gwardya na inapi ni Leriko.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon