Bago ako makapasok sa laro na 'to, isa akong masipag at huwarang 20 years old na Accountancy college student. Never akong nawala sa pagiging dean's lister. Wala rin akong absent, walang masamang school records.
Naging mabuti rin naman akong anak, sa katunayan, part-timer pa ako sa isang call-center kompanya, buwan-buwan din akong nagbibigay ng pera sa magulang ko. Scholar ako at ako na rin ang gumagastos sa pang araw-araw ko.
Mabait po ako.
Kaya hindi ko maintindihan kung anong karma itong kinahaharap ko. Hindi ko alam kung ilang kuliglig na ang dumaan, pero titig na titig pa rin ako kay Leriko.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad. Una sa lahat, wala akong kasalanan sa kanya, nanahimik akong nabubuhay, nag-aaral at nagtatrabaho para may mapambayad sa laro na ito.
Walang kurap na nakatingin sa akin si Leriko, ramdam ko na nandidiri siya sa akin, at alam ko rin na gusto niya ng tabigin yong kamay ko na nakahawak sa wrist niya.
Ang kaso, hindi niya magawa dahil isang sumbong lang ni Aleyra sa mga magulang niya pag-iinitan na agad siya.
Jusmiyo, anong klaseng pamilya ba ito?
"Kuya..—" Pagsisimula ko na siyang pinutol ni Leriko.
"Wag mo akong tawaging ganyan." Kalmado pero ramdam ko ang authority sa boses niya. Bahagya akong napayuko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, ang tanging alam ko lang naman. Isa si Aleyra sa nagpahirap sa buhay ni Leriko.
Kabata-bata kapangit ng ugali.
Kung kanina wala siyang balak na bawiin ang wrist niya sa pagkakahawak ko, ngayon marahan niyang binabawi 'yong wrist niya.
Imbes na bitawan, mas lalo ko na hinigpitan ang pagkakahawak ko. Bahala na si batman, superman, lastikman at bubble man... meron ba na hero na bubble man ang pangalan?
Walang ano-ano, habang hawak ko nang mahigpit 'yong wrist niya. Lumuhod ako habang nakayuko na parang nagdadasal.
Hindi ko man siya tignan alam ko na nagulat siya sa ginawa ko. Ilang segundo ko'ng hindi inangat 'yong tingin ko. Una, dahil hindi ko alam kung paano sisimulan dahil wala naman akong kasalanan. Pangalawa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pangatlo, baka pag tumingin ako sa kanya mapaaga si kamatayan. At ang panghuli na siyang pinakamahalaga sa lahat ang kinis ng wrist niya. Ayoko bitawan.
Malapit ko ng mahilamos 'yong mukha ko sa gulo ng pangyayari at sa gulo ng utak ko. Inangat ko 'yong tingin ko pero binaba ko ulit noong makita ko 'yong tingin ni Leriko, nakakamatay.
Halatang hindi siya natutuwa sa ginagawa ko, halata rin na gusto niya na akong saksakin gamit yong espada na nakasabit sa tagiliran niya.
Napalunok nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pag namatay ako dito. Pwedeng makabalik ako sa earth o mamatay na talaga ako ng tuluyan.
Pero napailing nalang ako sa una ko'ng naisip, impossible na makabalik ako sa earth dahil nasagasaan talaga ako ng truck.
Sana man lang binigyan ako ng option na mamili ng genre, edi reverse harem ang pinili ko.
"Aleyra, hindi ko alam at hindi ko rin naiintindihan ang ginagawa mo at ang gusto mo na mangyari. Kung kaya't pakiusap lamang. Mag.sa.li.ta ka.na" May diin na sabi niya.
Huminga muna ako ng ilang beses, pero halos mapamura ako sa lumabas sa bibig ko "A..an-ano.. ka..si... g-gus-t-to k-o—"
"Hindi kita maintindihan"
Sa pagkakataong iyon, matapang ko na hinarap iyong mata niya habang nangingilid na iyong luha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako naluluha, pero sobra na talaga akong napepressure sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasiaAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...