Kabanata 13

1.5K 72 3
                                    

"Tumakbo ako ng ganito?" halos maiyak-iyak na tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Iyong tuwid na pastel yellow ko na saya, kusot-kusot na. Iyong maayos ko na buhok, sabog-sabog na at ang higit sa lahat ang lagkit tignan ng itsura ko.

Pero infairness, maganda pa rin si Aleyra kahit nagmamantika na

Inayos ko muna iyong sarili ko bago lumabas ng banyo. Matapos kasi ang examination period, dumiretso ako agad dito para mag-bawas.

Round 2

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatunganga sa upuan ko habang tinititigan ako ni Christmas tree. Matagal kasi siyang nakatingin sa akin na parang binabasa iyong utak ko, kaya ayon, kahit na nakaupo ako ramdam ko iyong pagtulo pawis ko.

Kaya siguro ang lagkit ng mukha ko ngayon.

Matapos mag mukhang tao, lumabas na ako ng comfort room. Kanina ko pa ito iniisip habang nasa loob ng lintik na room 708 na yan, pinahirapan ako. Gusto ko sana na gumala at mag ikot-ikot para alam ko kung saan ako tatakbo pag nagkaroon ng zombie apocalypse.

Eme lang

Gusto ko lang talagang gumala, dahil kasi sa mala-marathon ko na eksena kaninang umaga, hindi ko man lang napansin iyong itsura ng UnibersitMahi. Ngayong medyo kampante ako na hindi ako bokya. Dapat lang na maikot ko itong lugar 'to.

Naisip ko rin kasi kanina na, kung hindi ako papasa sa pagsusulit na ito, hindi ko ipipilit kay Don at Donya Esteban na maipasok ako rito. Magtatrabaho nalang siguro ako sa isa sa mga negosyo nila, dahil una, konektado sa business ang course ko nung college.

Kung hindi nila ako payagan na magtrabaho at ayos lang naman sa kanila na maging isa akong palamunin na walang ambag sa lipunan, edi mas mabuti. Araw-araw akong kakain at matutulog.

Goals

Sa dami ng kalokohan na tumatakbo sa isip ko, huli na ng marealize ko kung gaano kaganda iyong paligid. Naglalakad ako sa hallway kung saan tanaw na tanaw mo iyong nagtataasan at naglalakihang building mula sa mala-higanteng glass window

Tanaw rin mula rito iyong mga kumuha ng exam.

Mukha silang mga langgam

Kita ko rin mula sa pwesto ko ang malaking statue na gawa sa marmol. Isang lalaki na nakadamit ng mahaba, nasa kanan niya ang libro, sa kaliwa naman ay magic wand.

Lakas maka-Harry Potter!

Hindi ganun masyado karami ang tao, ilan lang rin ang nakikita ko na naglalakad sa hallway. Iyong iba sa kanila na mukhang may estado rin sa buhay ay nagtatawanan kasama iyong mga kaibigan nila, iyong iba naman ay umiiyak sa sulok.

Nasa acceptance stage na ata sila. Pareha kami.

Binalik ko iyong tingin ko sa bintana para pagmasdan ulit iyong paligid, pamilyar kasi sa akin ang ganitong eksena. Ganito rin iyong nangyari pagkatapos ko na mag college entrance exam. Iyong iba tumatawa, tanggap na ata na bagsak sila. Iyong iba naman umiiyak at meron din na nagyayaya sa inuman.

Tara shot puno.

Maraming bulaklak sa paligid, nagagandahan din iyong mga puno. Payapang-payapa iyong paligid, parang ang sarap manggulo.

Mang-away kaya ako?

"Binibini..." napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin. Mas matangkad ako sa kanya, siguro hanggang balikat ko lang iyong taas niya, payat na lalaki, black hair na may light blue na mata.

Cute type siya, pwede na.

Wala akong sinabi na kahit na ano, tumingin lang ako sa kanya, at halata sa mukha niya na nahihiya siya.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon