Heriyo
Isang magarbong silid na napapalibutan ng peke ngunit kaswal na ngiti.
"Pagbati sayo ng maligayang kaarawan mahal na prinsipe." pirmi akong tumingin at bahagyang ngumiti sa mag-asawang mangangalakal na sa aking tingin ay galing sa Namon.
"Salamat sa inyong pagbati." ang aking naging mahina na sagot sa dalawa.
Hindi ko mabilang kung ilang oras na ba ang lumipas sa pagpapasalamat ko sa mga dayong bumabati sa aking ika-labing siyam na kaarawan.
Sandali akong tumingin sa paligid. Puno ng kumikinang at magagarbong bagay lamang ang aking nakikita.
Nakakasawa.
Noong ako na sana ay papanhik sa aking upuan na siyang sa tabi lamang ng aking ama, natawag ng mag-asawang Esteban ang aking atensyon, mabilis akong nag-angat ng tingin, kasama nila ang kanilang panganay na anak na si Leriko na siyang aking kaibigan.
Nangaasar na tumingin ako kay Leriko dahil bakas sa kanyang mukha na siya ay napilitan lamang na sumama sa piging na ito.
Maging ako rin naman
Una ko na nakilala si Leriko ng itulak niya ako sa sapa. Sabay kami na nag-aral sa pamamaraan ng paunang paghawak ng espada.
Hindi ko malilimutan kung gaano siya kasungit noong binalak ko na hiramin ang lagayan ng kanyang armas.
Natapos ang aming klase at nataon noon na kami ay nagpapahinga sa tabi ng sapa. Ang lagayan ng kanyang armas ay gawa sa mukhang pinagtagpi-tagping tela, hindi maganda ang pagkakatahi nito, at sa aking hindi inaasahan nangyari na nga ang hindi dapat asahan, aksidente ko itong nahila dahilan ng pagkasira nito na siyang ikinagalit niya. Noong una hindi ko maintindihan ang init ng kaniyang ulo, ngunit noong kinalaunan, saka ko lamang ito naintindihan. Labis ang galit niya sa akin dahil nasira ko ang tahi ng kanyang kapatid na si Aleyra.
Akin niyang nasabi sa akin na regalo raw ito ng kaniyang kapatid noong nalaman nito na siya ay mag-aaral na.
Sandali ko na hinanap sa kanyang tabi ang kanyang kapatid. Matapos ang insidente na iyon, madalas kaming maglaro nila Leriko at Aleyra. Likas sa munting Aleyra ang pagiging masiyahin, at likas din kay Leriko ang pagiging masungit.
Kaya at laking gulat ko ng isang araw bigla na lamang na ayaw niya na sumama sa aming dalawa, kada magsasalubong ang aming mga landas kita ko kung paano niya tinatarayan si Leriko.
Ilang buwan lang ang lumipas, ngunit sa hindi ko malamang dahilan, ang munting pagkakaibigan naming tatlo ay biglang nalamatan.
Aking sinubukan na tanungin ang binibini, ngunit nagtatakang tingin lamang ang sinusukli niya sa akin.
Bakas sa kanyang mga mata na hindi niya ako maunawaan.
Hindi ko siya maintindihan.
"Pagbati sa iyo Prinsipe Heriyo." nakangiti at nakayukong bati ni Ginang Esteban na siya rin na ginaya ng kanyang asawa.
"Iyo sanang magustuhan ang sampung kabayo na regalo namin para sa iyong kaarawan." seryosong sabi ni Ginoong Esteban.
"Maraming salamat." malugod ko na naging sagot.
"Maligayang kaarawan sa iyo." pigil tawa ako na tumingin kay Leriko dahil ramdam ko ang sama ng loob niya habang binabati ako.
Matapos ng ilang sandali umalis ang mag-asawang Esteban, tumingin ako kay Leriko at itinaas ang kanang kilay.
"Ito ay aking kaarawan Leriko, ano iyong regalo?" tanong ko.
"Sama ng loob." sabi niya at dumiretso na palabas ng silid kung saan ipinagdiriwang ang aking kaarawan.
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasiAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...