"Alam ko na gising ka na."
Ano gagawin ko kung alam mo na hayop ka?!
Kanina pa mariin na nakapikit ang mga mata, sa katunayan, wala pa ngang ilang minuto bago ako mahimatay, nagising agad ako.
Wala man lang prince charming na humalik sa akin.
Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko.
Bakit ba kasi ako sumama sa hinayupak na 'to, masyado ba talaga akong nagogoyo pag gwapo ang kumakausap sa akin?!
Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa mukha na 'yon?!
Hindi ko pa rin dinidilat ang mga mata ko, nakahiga ako ngayon sa kung saan at iniisip na isa akong disney princess.
"Binibini... alam ko na gising ka na." Boses ni Verdez, ramdam ko na papalapit na siya sa kinahihigian ko.
Pero dahil siraulo ako at kahit buking na ang ginagawa ko na 'modus tulug-tulugan', hindi pa rin ako gumising.
Magaling ako umarte na tulog kahit gising na, gawain ko kasi 'yon para hindi ako mautusan nila mama.
Wais to boi, wais.
"Tulog ka ba talagang tuluyan binibini...?" rinig ko na tanong ni Verdez sa sarili niya.
"Paanong nangyari na kay tagal mo na mawalan ng malay? minuto lamang ang inaabot para mabawi mo ang sarili mula sa pagkahilo..." dagdag na bulong niya sa sarili.
Kaya pala ako nawalan ng malay dahil sa nahilo ako sa vortex.
"Binibini?" sabi niya at habang marahan na sinusundot iyong likod ng palad ko.
Abnormal.
Dahil sa ginawa niya, mabilis ko na dinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nanlalaking mata ni Verdez, halata sa mukha niya ang pag-aalala.
Pero mabilis din iyong nawala dahil napalitan ito agad ng pilyong ngiti.
"Binibini hindi mo na kinakailangan na gawin iyon para lamang makuha ang atensyon ko, hindi man halata... ngunit isang tawag mo lamang ay tutugon agad ako." tumataas-taas na kilay na sabi niya.
Wala naman ako sa misa 'di ba?
Mabilis ko siyang tinarayan, at naupo mula sa pagkakahiga.
"Anong pakay mo?" tanong ko habang naka cross-arms.
Gamit ang isang kamay, kumuha siya ng upuan at saka inilapag ito sa tapat ko.
Mahina akong napalunok habang nakatingin sa braso niya.
Maugat.
Tinanggal ko ang tingin ko sa braso niya na parang pinaliguan ng gatas sa puti.
Glutathione at collagen ata ang breakfast ng taong 'to.
Well, steak ang breakfast ko, medium rare.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa binibini. Tatapatin na kita." seryoso na sabi niya umupo sa upuan na kinuha niya.
Nag-cross legs siya at pinagdikit niya ang kanyang mga palad.
Para siyang cover ng isang mens magazine sa pose niya.
Hwat
Inilihis ko ang tingin ko at tumikhim.
"Ano ba 'yon?" halos pabalang na tanong ko pabalik.
"Ano ang sasabihin mo? sabi mo may sasabihin ka kaya ako sumama dito." dugtong ko pa.
"Ang dami namang alam, 'di na lang sabihin, masyadong pa-suspense—ay ano thrill—ay ano kakaloka ayoko na nga uuwi na lang ako!" mabilis na sabi ko at saka tumayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/361288724-288-k396716.jpg)
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...