"Hindi pa ba tayo kakain?" napalingon na lang ako ng biglang magsalita si Vin, iyong isa sa mga bida-bida ko na kaklase. Kita ko kung paanong bahagyang natawa si Mr. Cruz dahil sa sinabi niya.
Atapang na bata naman nito.
Dahil kasi first day ng class namin ngayon, class introduction lang talaga ang gagawin namin. At dahil bawal pa raw lumabas dahil masyado pang maaga. Nakaupo lang kami at binibilang ang blackheads ni Mr. Cruz.
Nasa 50 na nabibilang ko.
Road to 100
"Ilang minuto na lamang, Risabo." sagot niya habang natatawa.
"Ay! Ano ba 'yan–" hindi na siya natapos ng hilahin siya ni Itim paupo.
"Ang ingay mo..." nahihiyang sita niya sa kaibigan.
Hindi ko maiwasan na hindi tipid na mapangiti, para kasi na nasa ordinaryo lang ako na klase. Klase na sa palagay ko ay puno ng sira-ulo.
Soon may iiyak na diyan tapos may magsasabi na–"Respeto naman guys, may umiiyak na oh!"
"Kung kayo ay nabuburyo na...bakit hindi na lamang tayo maghalal ng mamumuno sa klase?" Napatingin ako kay Mr. Cruz na mukhang naka-inom ng Enervon sa lawak ng ngiti niya. Bakas sa mukha niya na nakaisip siya ng magandang idea.
Bright ang idea mo sir, mawawala talaga ang boredom pag nag-elect tayo.
Tumayo si Sir sa upuan niya, kumuha ng marker atsaka nagsimulang magsulat sa board.
"Ang mapipili niyo na pinuno ng klase ang siyang hahalili, at mamumuno ng klase habang kayo ay walang guro. Siya rin ay bibigyan ko ng basbas na sitahin, o isumbong ang sino man na lalabag sa kahit na anong batas." Sabi ni Sir habang nagsusulat sa board, halatang seryoso siya sa binabalak niya na officers.
"Mayroon ba na gustong mag-boluntaryo sa inyo–" hindi na natapos si Sir ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Vin.
"AKO GUSTO KO!"
Edi gusto mo, congrats.
"Pwede ba na maupo ka? Walang may gusto sayo." tahimik na sita ni Itim.
Ouch?
"Ang ingay-ingay mo...natutulog ako..." pungas-pungas na sabi ni Dose.
"Kapatid...parang hindi pwede na mamuno si Vin... masyado siyang maingay..." rinig ko na bulong ni Sarkua sa kapatid niya.
Hindi ko masabi kung bulong ba iyon o ano sa lakas ng pagkakasabi ni Sarkua.
"Sarkua... isa siyang 'Ginoo', Ginoong Vin dapat hindi Vin lang, naiintindihan mo?" sita naman ng kakambal niya.
"...Ngunit tama ka...maingay siya..." dugtong ni Markua na nagpatawa sa amin ni Karamel.
"Pero kasi..." hindi ko na narinig ang sasabihin ni Sarkua ng mahinang natawa si Itim, mukhang narinig niya ang pasaring ni Markua.
Inalis ko ang tingin sa likod at tumingin sa harap kung saan nakatayo si Mr. Cruz.
Parang may comedy bar sa likod.
"Hindi ka...pwedeng mamuno Vin, ang ingay-ingay mo. Baka ikaw pa ang lagi na maparusahan." iritable na sabi ni Mikollo.
Sampu lang kami sa klase, pero grabe ang ingay...ni Vin.
Hindi ata talaga mawawala sa klase iyong ganitong uri ng kaklase.
Sarap busalan.
"Ahahaha" napatingin ako ng mahinang natawa si Karamel sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasíaAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...