Nasa tapat na kami ng palasyo na parang bahay nila Aleyra, pero hindi pa man kaming tatlo nakakababa, sinalubong na kami ng matandang lalaki na naka asul na barong.
"Don at Donya Esteban, kakatanggap lamang namin ng sulat mula sa Zamon. Kinakailangan niyo po na magtungo roon sa lalong madaling panahon." Magalang na sabi niya habang nakaharap sa mga magulang ni Aleyra.
"Para saan naman Deometrio?" Tanong ni Don Philepo kay Deometrio, ramdam mo iyong authority sa boses niya.
Split personality
"Ang inyong taniman ng mga palay, at mga gulay ay nasabing inaangkin ng kaharian ng Zamon." Seryoso na sabi niya. Nagkatinginan naman iyong mag-asawa, ramdam ko sa tinginan nila na hindi lamang ito simple ang problema.
Kasi kung oo, hindi nila kinakailangan na pumunta mismo sa Zamon.
"Ngayon pa naman sana namin ipagdiriwang ang pagtatapos ng paunang pagsusulit ng aming anak." Malungkot na sabi ng mama ni Aleyra.
"Hindi ba maaaring maiurong ito?" Dugtong na tanong ng mama ni Aleyra.
"Paumanhin Donya Felissa, ngunit hindi talaga maari." Nakayukong sagot ni Deometrio.
Napabuntong-hininga sila, halatang hindi tanggap ang nangyayari.
Hinawakan ng mag-asawa ang kaliwang kamay ko –"Anak, iyo sanang maunawaan na kinakailangan natin na ipagpaliban ang pagdiriwang na sana ay gaganapin ngayong araw." Mahabang paliwanag ng tatay ni Aleyra na naluluha na. Pwede naman na –"Sorry nakshie, busy ang mga ferson."
Confirm may saltik talaga itong lalaking 'to.
Atsaka, ano naman ang ipagdiriwang namin? 'Yung bagsak ko na grade? Sure man ako na hindi ako makakakuha ng 0, pero hindi ibig sabihin na papasa ako.
Malay mo iba rules ng math nila dito.
Tumingin ako sa mag-asawa na lungkot na lungkot ang mga mata. Hindi naman big deal ito masyado, pinapalala lang nila, ang drama na tuloy.
"Alam niyo po, okay lang naman sa akin, no problem" Nakangiting sabi ko na sa malungkot na mag-asawa. Ang kaso iyong lungkot ay biglang napalitan ng mga naguguluhan na mata.
"Anak paumanhin, ngunit... ano ang iyong sinabi?" tanong ng tatay ni Aleyra.
"Pr..prablim?"
"Ano ang ibig sabihin ng Owkiay?"
Magkasunod na tanong nila. Kahit na gusto ko na sabunutan iyong sarili ko hindi pa rin maitatago na natatawa ako dahil sa pronunciation nila.
Nakalimutan ko na wala nga palang english sa mundo na 'to.
Kabobohan award goes to me~
"Uh... ano po, tinanggal ko lamang po ang letrang "A" sa salitang problema...para mas umikli...hehe?" Napipilitang ngiti ko habang pinaglalaruan iyong mga kamay ko.
Napangiti naman ang mag-asawa at pinuri ako dahil marunong na raw akong mag-biro.
"Lumalaki na talaga ang aming bunso." sabi ng nanay ni Aleyra at hinalikan ako sa noo. Nakangiti naman ang tatay ni Aleyra at mukhang proud sa kalokohan ng kaniyang anak.
Huminga muna ng malalim iyong tatay ni Aleyra at tumingin sa asawa. –"Pinapangako namin ng iyong ina na, isang malaking pagdiriwang ang ating gagawin pag-uwi namin."
Ngumiti nalang ako at tumango, "Sige na anak, bumaba ka na, kami ay didiretso na sa daungan upang mas mabilis kami makauwi."
Inalalayan naman ako ni Deometrio na makababa sa karwahe. Nag-usap muna silang tatlo, narinig ko rin na inutusan nila si Deometrio na ihanda ang ilang papeles at ihabol na lamang mamaya.
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...