Kabanata 39

1K 42 25
                                    

Isang mahabang itim na palda na abot hanggang paa ang para sa babae at itim na pantalon ang sa lalaki.

Sa pantaas naman, pareho itong kulay puti na hanggang may hanggang wrist ang haba. Ang tanging napansin mo lang ay iba-iba ang lining ng mga blouse na suot nila. May iba kasi na itim, berde, asul, dilaw, at pula.

Suot ang uniform na dineliver kaninang umaga busangot akong naglalakad sa hallway.

Itim ang lining ng blouse ko, kung bakit. Hindi ko rin alam, hindi ako masyadong nakinig kanina. Sinuot ko lang iyong nakita ko na delivery para sa akin.

"Narinig mo na ba?"

Na bubuyog ka? Ata?

"Narinig ko na napansin daw ng iba na nag-iba na ang nakasulat sa estante ni Señor Adalantelo"

"Iyon ba? Narinig ko rin iyon! – Teka... ang bunsong Esteban..."

Parang sasakit na ata ang tiyan ko dahil sa nangyayari. Naglalakad ako ngayon sa hallway ng UnibersitMahi habang ang karamihan ng tao ay nagbubulungan, naging balita kasi kaninang madaling araw na napalitan daw 'yong nakasulat sa lapida nung Senyor nilang abnormal.

Diretso ang lakad ko at hindi pinapansin ang iilan, madalas ko na marinig na –"Oy si Aleyra, naka-perpek ang bruha, nandaya 'yan, syor ako."

Pisting yawa.

Papunta ako ngayon sa announcement board, nandoon kasi ang official na listahan ng mga magkakaklase, maging ang section, at floor number. Kung paano ko nalaman, isang nakakabulabog nung 5:00 ng umaga ang naging alarm clock ko. Announcement na halatang ginamitan ng isang daang speaker at sampu na amplifier.

Busangot ako na naglalakad sa gitna ng hallway, dinaig pa ng lakad ko ang pagkakahati ng red sea. Nasa gilid ang lahat ng tao at halatang iniiwasan ako na parang may isang malubha akong sakit.

"Hindi ba at siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka?"

"Kay husay!"

"Paano niya nagawa iyon?"

Buntong hininga ko na tinuloy ang paglakad, matapos marating ang bulletin board, agad ko na hinanap ang pangalan at ang section ko.

Parte ako ng Departamento Talento, tanging ang main library pa lang ang pinuntahan ko para makita ang ingredients ng chicken sandwich.

Nang makita ang pangalang "Aleyra Esteban" labis ang saya ko dahil mukhang sampu lang kami sa isang classroom.

Hindi naman siguro uso na pag noisy ka ililista ka sa blackboard 'di ba?

Pero mas sumaya ako ng makita ang pangalan ni Karamel dahil mukhang magkaklase kami, ibig sabihin marami akong malalaman tungkol sa kanya. Hindi ko pa rin maintindihan kung paanong ilang libong beses na siyang nabubuhay, at sinabihan din ako nung Señor abnormal na huwag iyon itanong ng diretso kay Karamel. Bakit kaya?

Kung hindi ko siya pwedeng tanungin ng harapan, dadaanin ko nalang sa pasimpleng paspasan ng siya na ang magkwento ng buhay niya.

Tuloy pa rin ako sa pagbabasa kung mayroon ibang pangalan na pamilyar sa akin. Isang matalim na irap ang pinakawalan ko ng makita ang pangalan ng lintek na Verzdez na mukhang malakas ang sapak sa utak.

Bukod sa kanya, kay Karamel, at kay Heka, na kapatid pala ni Heriyo. Hindi na ako pamilyar sa anim pa na nakalista.

Binalik ko ang tingin ko sa may bandang taas para makita ang room number at pangalan ng section ko, at halos mahampas ko ang bulletin board sa gulat.

Tanging

Nakatakip sa bibig ko ang kamay ko, pigil-pigil ang tawa. TangingNA

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon