Kabanata 42

716 33 16
                                    

"Karamel...ah...ayos ka lamang ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Karamel. Para siyang nasisiraan ng bait sa pinagsasabi niya.

Romance ang genre nito 'di ba? Bakit parang nagiging horror na?

Umupo si Karamel sa tabi ko at saka hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Sa oras na mahulog ang loob mo sa kanya, masisira ang buhay mo." seryoso na sabi niya sa akin.

Gusto ko sanang sabihin na, sira na talaga agad ang buhay ko nung maging ako si Aleyra.

"Hindi kita maintindihan..." halos pabulong na sagot ko, wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya.

Need ko ng subtitle

"Saan mo naman nalaman 'yan?" kunot noo na tanong habang nakatingin sa kamay niya na mahigpit na nakakapit sa kamay ko.

Kita ko kung paano siya natigilan, halata rin sa kanya na hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong ko.

"Karamel...? ayos ka lamang—" hindi ko na natuloy ang tanong ko dahil sa biglang pamumutla ng kanyang mukha at mas mahigpit na pagkakahawak sa kamay ko.

"Nanaginip ako." sabi niya kasabay ng pagbitaw niya mula sa pagkakahawak.

"At sa aking panaginip, kayo ng Prinsipe Heriyo ay nakatakda na maipakasal sa isa't-isa." Seryosong sabi niya habang nakatanaw ngayon sa mga nakasarang bintana.

"Ngunit... ang Prinsipe..." tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

Kahit na hindi niya pa nasasabi ng buo. Alam ko na kaagad ang sunod na lalabas sa kanyang bibig.

"...ay umiibig sa akin" hindi makatingin sa akin na sabi niya.

Seryoso na nagtama ang mga mata naming dalawa.

"At iyon ang naging mitsa ng iyong kamatayan, Aleyra..." may lungkot sa mata na sabi niya.

Paanong alam ito ni Karamel?

Hindi ko dapat kaklase si Karamel dahil siya ay may taglay na mahika.

Hindi rin kami dapat magkaibigan dahil pinagaawayan namin ang isang lalaki.

Paano niya nalaman ang ending ni Aleyra...?!

Huwag mo sabihin na...

"At hindi ko kaya na maatim na magwawakas ang iyong buhay dahil sa kanya." Bumalik ang tingin ko kay Karamel.

"Ano ba ang iyong sinasabi..."

Tumayo siya at saka ako hinila patayo.

"Isa ka na nilalang na may mabuting puso, Aleyra. Kaya aking pangako sayo na ikaw ay aking ilalayo sa pag-ibig na magdadala sayo kay kamatayan." napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya.

Ano ba ang sinasabi nito? paano niya nalaman ang lahat?

"Kaya gagawin ko ang lahat upang hindi mahulog ang loob mo sa kanya." sabi niya at saka itiniklop ang kanyang mga palad.

Para siyang sasabak sa boxing.

Sa totoo lang, nalilito na ako sa genre ng laro na 'to. Sure ako na romance 'to eh, nagiging sci-fi at horror na, baka biglang may maging robot dito.

Totoong laro naman ito 'di ba?

Inikot ko ang paningin ko sa paligid, iyong mga gamit sa lamesa, iyong pader, at kisame, totoo silang lahat. Binalik ko ang tingin ko may Karamel, totoong tao rin siya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Hindi kita naiintindihan Karamel...ngunit..."

Mukhang...

"...may tiwala ako sa desisiyon mo."

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon