Mabilis ko na tinapos ang pagligo, baka kasi maabutan ako ni Belinda at paliguan pa ako. Isang mahabang plain white dress na abot sakong ang pantulog na suot ko. Mukha akong white lady. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang isusuot ko dahil katabi lang siya halos ng shower area. Halatang hinanda na ito ng mga kasambahay ni Aleyra. Naka-poker face akong nakaharap sa salamin, ayoko ngumiti dahil baka mabarag pa itong salamin nilang may diamonds na design.
Mabebenta ko kaya yan?
Napailing nalang ako sa sarili ko'ng kalokohan. Pinihit ko na yong doorknob at halos matawag ko na ang lahat ng santo sa gulat ng bumungad si Belinda sa harap ko.
Kabute ba itong babae na 'to?
"Nakahanda na po ang inyong hapunan, Binibini." Magalang na sabi niya habang nakayuko.
"Iwanan mo muna ako" Walang atubili niyang sinunod ang utos ko. Umupo ako sa lamesa kung saan ko kinain iyong dala ni Leriko kanina. In fairness, wala na 'yong pinagkainan na iniwanan ko, hindi ko rin kasi alam kung saan siya ilalagay kaya iniwanan ko nalang.
Tahimik ko na kinuha iyong kutsara, sumubo ng kanin at kumain ng ulam na hindi ko sure if kaldera, menudo, o afritada.
May pagkakaiba ba 'to? Halos magkakalasa kasi.
Hindi ko na inisip pa, baka kasi matuyo yong natitira ko na brain cells, kailangan ko pa naman sila para mabuhay.
Malakas na dighay ang pinakawalan ko matapos maubos 'yong pagkain. Gaya ng nauna, iniwanan ko lang ulit kasi lilinisin naman ata nila.
Salaula
Bumalik ako sa main table at nilabas ang notes na plano ko kung paano ko mapapaamo si Leriko the lion, rawr.
Ang isa sa nakasulat dito ay ang batiin siya pagnakita o nadaanan ko siya. Ang kaso mukhang malabo ko siyang makasalubong kahit nasa iisang bubong kami, bihira lang kasi siyang lumabas sa kwarto niya dahil iniiwasan ni Leriko ang pamilya niya.
As if mapipigilan ako ng attitude niyang ganon, kung hindi makikita ng kusa, edi hanapin natin.
Sisimulan ko na sana ang plano ko ng maalala ko na nasa party nga pala sila nong crown prince na 'yon.
Napakaraming nangyari sa araw na 'to. Nakakaramdam na rin ako ng antok at pagod, pero hindi pa ako matulog kasi una sa lahat 6:25 palang ng gabi. Jusmiyo.
Imbes na humiga at may syesta, naisipan ko na lumabas nalang ng kwarto at umikot muna sa mansion nila.
Pagbukas ko ng pinto, nandon nanaman itong kabute na si Belinda, binati niya ako pero nilampasan ko nalang siya. Tatanungin niya kasi ako, at baka makahalata pa na hindi ako si Aleyra.
Hindi pa ako masyadong nakakalalayo, tinawag niya ako. Tumingin naman ako sa kanya at hingal niyang inabot sa akin ang isang kulay beige na balabal.
"Malamig binibini, isuot niyo po ito baka kayo po ay magkasakit." Sabi niya habang hawak yong balabal at nakangiti sa akin.
Kinuha ko yong hawak niyang balabal, inangat ko yong tingin ko, at gulat na gulat yong mukha niyang nakatingin sa akin.
Late ko ng narealize na nakangiti ako. Sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti, napakabait niya kasing tao, kahit na sabihin mo na trabaho niya lang ito. Kung sana kasi ganito lahat ng characters edi wala akong problema kahit isa.
Sinuot ko yong balabal at tinalikuran ko siya, pero bago pa man ako tuluyang makatalikod, nakita yong pamumula ng pisngi niya.
Anyare don?
Tahimik akong naglalakad at nagmamasid ng paligid, at seryoso, nakakabulag itong kinang ng paligid.
Shining bright like a diamond
BINABASA MO ANG
Villainess ata Ako?
FantasyAleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi. Punyemas. Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome g...