05

10.4K 273 54
                                    

I am catching my breath and like needles it pierces to my lungs. Barefoot on the cold ground of the road, blood still dripping from my hand, and my whole body felt aching from a bone that dislocated from my legs.


Tumakbo ako nang tumakbo, sinusubukang bilisan pa ngunit ang sakit ay mas nanaig sa akin.


Then I open my eyes again. Whenever I am panicking, I still remember that night.


Bigla na lamang akong bumalik sa aking sarili nang maalala ang mga nangyari kung bakit nga ba ako tumatakbo. Kanina'y agad akong tumayo at kahit hindi ko pa station ay hinabol ko ang pagsara ng pinto para lumabas. Nakapila ang mga tao para sa paglabas ng station habang tinatap nila ang kanilang mga card.


Nililingon ko ang bawat mga taong nagdaraan, inaalala kung ano nga ba ang kulay ng kaniyang suot. Black compressed shirt? Parang lahat halos ay nakablack. Naka shorts ba siya? Hindi ko makita lahat ng hita ng mga nakapila.


Halos mawalan na ako ng pag-asa na makita siya pero saka na lamang pumasok sa isip ko na ID ang hawak ko at maging ang train card niya ay nandito rin. Hindi siya makakalabas ng wala nito. I look for his ID and read his name.


Sebastian Lee
Student Number
School of Science
BS in Biology


In the midst of the crowd, the noise weakened when I screamed his name more than twice. Nakakahiya.


Lahat naglingunan at napahinto sa akin, pero ni isa ay walang lumapit na may Sebastian Lee na pangalan.


I sighed, giving up. Kaya umalis na ako sa mahabang pila at pumunta ng guard house. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may kumalabit sa aking likuran.


"You're calling me?"


I hear his familiar voice even though I only heard him speak once.


"Sorry, naiwan mo 'to," iniabot ko sa kaniya ang kaniyang ID na may sirang lace habang nakasabit pa rin ang isang stethoscope na chain.


"You didn't have to expose me like that," his serious tone made my guts spin around.


"Sorry— I have no choice, nakita ko kasi yung train card mo so hindi ka pa nakakalayo–"


"I'm just kidding," he laughs then reveals a gummy smile which I was surprised. How can he look so serious with his poker face then smile this warm all in one face.


Sabay na kaming naglakad palabas ng train station. He's also studying from the same university I am going.


"Wait, dito ka ba talaga papunta?" gulat niyang tanong.


"Oo," pagsisinungaling ko dahil may halos five hundred meter pa akong lalakarin bago marating yung law lib.


"What's your course?" he asks while walking inside the campus already.


"Juris Doctor," I answered.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon