Sa mga sumunod na araw, naging abala ako lalo sa pag-aaral. Kung minsan ay nakakabawas din ng kaba ang overnight reviews, pero kahit ilang beses akong mag-aral, may mga bagay pa rin talagang hindi sapat para maintindihan ko agad.
I think that's the fun part in law school. The learning is constant.
"Ano bang type ng lawyer gusto mo?" nag-aasaran na naman sina Geno at Beauty samantalang kami na nagbabasa ay naririnig ang bangayan nila.
"Yung type niya," pilosopong sagot ni Beauty.
"Ano nga!" pangungulit ni Geno, "Corporate lawyer, criminal, parelegal—"
"Kahit anong lawyer, basta hindi yung haggard na lawyer!" tinapos na ni Beauty yung pangungulit niya sa kaniya.
Habang seryoso kaming nagbabasa sa isang table area malapit sa field, nakarating ang balita sa amin na isa sa mga blockmates na kaibigan din namin ang napatawag sa Dean's office ngayon.
"Hay nako, kung ako kay Lana, nagshut up na lang ako," Geno said in a disappointing tone.
"Well, we can't blame her," Allie said.
Noong nakaraang araw, nagkaroon ng insidente during sa class namin na nagkasagutan si Lana at ang prof namin. Akala namin magiging okay din ito dahil hindi na nagpress ng warning yung prof, pero nagulat na lang kami na itinuloy pa rin pala nila.
"Luckily, the Dean is on our side this time," I assured them. Isa sa mga friends ko from other section ang nakakuha din ng details ngayon ngayon lang ang nagmessage sa akin.
"Napuno na rin siguro 'yang si Lana," pagsingit ni Janella dala dala 'yung mga xeroxed copies na hinihintay namin. "Kung ako rin naman siguro 'yung ipapahiya niya ng ganon at ng walang dahilan, aba lalaban din ako!" dagdag pa niya.
"Buti na lang hindi ikaw si Lana," banat ni Geno.
"At bakit naman huh?!"
"First, inglesera si Lana, paniguradong nung sinagot sagot niya si Sir, napikon na lang 'yun," tumatawa si Geno nang sabihin nito, "nakita ko nga yung panyo niya, may dugo, nanose bleed din siguro 'yun!"
"Kagago mo talaga 'e!" binatukan siya ni Tanya na seryosong nakikinig sa kaniya.
"That asshole is dying," Dante interrupts.
"Bro, edi sana hindi na siya nagtuturo lalo pa kung ayaw niyang kinekwestyon yung mga turo niya sa atin," dagdag ni Geno.
"Nag-aaral ako, mahimik kayo!" iritable na si Beauty sa kanila.
Napatawa na lamang ako at bumalik sa aking binabasa. Pero hindi rin ako nagtagal.
For sure ngayon walang kasama si Lana sa office, kaya nagmadali na lang din ako para puntahan siya. Bago ako umalis, ipinaalala ko sa kanila yung ganap namin ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Rhythmic Laws (Law School Series 2)
RomanceLAW SCHOOL SERIES 2 - Clay sings his heart deeply with honesty despite its brokenness. But the cracks inside didn't stop him from expressing himself. Burying his past, he carries on with his present- parties, clubbing, concerts, busking, dates, hook...