15

6.8K 143 1
                                    

I wake up feeling heavy from the arms of my man covering my chest.


Seb is in his deep sleep. Nararamdaman ko pa rin ang sakit at pangangawit ng katawan ko dahil sa ilang rounds namin kagabi. For over a year being together like this, hindi pa rin ako nagsasawa na magising sa tabi niya.


Dahil hindi ako mapakali at hindi na makabalik sa pagtulog, kinuha ko ang camera namin na nakapatong sa drawer.


I started pushing the media button, scrolling to our videos and pictures together from the past months. Hanggang sa makarating ako sa videos niya noong naghanda siya nang surprise sa aking birthday.


[Hi my love, as you can see, nandito si Allie para magdecorate ng mga banner, kasama sila Howard, si Elio naman ay nasa labas pa, bumili ng extra baloons,] narinig ko na tumatawa sila ni Allie dahil sa pag-aasaran ng kaibigan ni Seb.


Naglalakad na siya papunta sa kaniyang kuwarto at iniangat ang box at pabulong na nagsasalita sa camera, [And this, this is my gift for you, I can't wait to take you to Amsterdam just like what you've dreamt of, and I am so excited to be with you when that day comes, though I hope hindi mo tanggihan itong gift ko na ito sa'yo,]


Ilang weeks na lang at magttravel na kaming papunta ng Europe. Everything is now ready and I am also so excited to travel with him.


"Ugh— stop watching that video, I hate my voice—" Seb cuddles with me.


"I like it when you baby talk—"


"I hate hearing my voice like that, hindi ko alam na ang cringey ko pala,"


"Ang cute kaya!" I reversed the video and played it again.


"Ah— makulit ka ha!"


He started rubbing his face through my stomach, making me weak from the tickles.


"Stop– stop— stop! Hindi na—"


"Sige play mo lang!" he provokes.


"Ayoko na!" naghabol ako ng hininga sa pagkakakiliti.


He stops and goes back clinging into me. Mornings like this are warm because of him.


Bumangon na ako at nagshower habang si Seb naman ang nagluto ng breakfast naming dalawa. We don't have a school or work plan today, but we're attending to a wedding where I was booked to perform.


After eating our brunch, nagpunta kami sa grocery store para maglagay ng stock. Ito ang laging turo sa akin ni Seb, kumain muna bago mag-grocery para hindi gutom habang namimili. Impulsive pa naman ako.


Pagkatapos ay si Seb ang nagtulak sa cart papunta sa parking habang nakakapit lang ako sa kaniyang braso. I helped him store the stuff to the trunk of my car then went inside the car.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon